Health benefits ng tea at ang the best na uri ng tea na dapat mong subukan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Pag-aaral tungkol sa health benefits ng tea
Ayon sa isang bagong pag-aaral ang isa sa health benefits ng tea ay ang pagtulong nito na makaiwas ang katawan sa mga sakit partikular na sa sakit sa puso.
Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa China. At kailangan lang ay nailathala sa European Journal of Preventive Cardiology.
Base sa findings ng pag-aaral, ang pag-inom ng tsaa ay nakakapagpahaba ng buhay ng isang tao. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalusog nito sa puso at pag-iiwas dito na makakuha ng sakit.
Natuklasan ito ng mga researchers matapos pag-aralan ang data ng 100,902 Chinese adults mula sa 15 provinces sa China mula noong 1998. Sila ay ang pinaghalong bilang ng mga umiinom ng tsaa at hindi na babae at lalaki. Sa loob ng 7 taon, ang mga Chinese adults na ito ay sinundan ng mga researchers. Sila ay pinasagot ng questionnaires at ininterview. Habang tinitingnan din ang mga health records nila pati na ang death certificates ng mga namayapa na.
Doon nga nila na-ikumpara na ang mga habitual tea drinkers sa mga Chinese adults na kanilang sinubaybayan ay nakaiwas ng 1.41 years sa mga cardiovascular disease o sakit sa puso. Habang dinagdagan din nito ng 1.26 years na mas mahaba ang buhay ng mga adults na ito ng tumungtong na sa edad na 50.
Ang mga habitual tea drinkers na tinutukoy sa pag-aaral ay umiinom ng tsaa ng mahigit sa tatlong beses sa isang linggo. At ang tsaa na nakihiligan nilang inumin ay ang green tea. Karamihan nga sa habitual tea drinkers na natukoy sa pag-aaral ay mga lalaki na naninigarilyo at umiinom ng alak.
Iba pang health benefits ng tea
Ayon kay Vanessa Bianconi, ang lead author ng editorial company na tumutulong sa bagong pag-aaral at researcher mula sa University of Perugia, Italy, ipinapahiwatig lang nito na ang pag-inom ng tsaa ay isang “overall health promoting lifestyle behavior”.
Lalo na ang green tea na mayaman sa flavonoids at bioactive compounds na nakakabawas ng oxidative stress at inflammation o pamamaga sa katawan.
Ang green tea rin ang least processed na uri ng tsaa at may pinakamataas na amount ng polyphenols. Ang polyphenols ay nakakatulong upang malunasan ang mga digestive issues, weight management difficulties, diabetes, neurodegenerative disease at cardiovascular diseases.
Dagdag pa ang kakayahan nitong pababain ang blood pressure na tumutulong sa isang tao na mabawasan ang tiyansang makaranas o masawi dahil sa stroke.
Habang may ilang pag-aaral rin ang nakapagsabi na hindi lang nito pinoprotektahan ang puso. Kung hindi pati narin ang ating ngipin at katawan mula sa cancer. Isa rin itong magandang paraan upang makakuha ng sapat na fluid ang katawan.
May taglay din itong antioxidants na nagpapabata at pumoprotekta sa katawan laban sa damage ng pollution. Ayon sa mga eksperto, pagdating sa antioxidants, pinakamaraming taglay ang white tea kumpara sa green at black tea.
Fifty percent ding mas mababa ang caffeine na matatagpuan sa tsaa kumpara sa kape. Kaya naman tinutulungan rin nitong maalagaan ang ating nervous system.
May isang pag-aaral rin ang nakapagsabi na ang green tea ay nagtataglay ng mas maraming calcium kumpara sa gatas. Ito ay nakakatulong naman upang mas palakasin ang ating mga buto.
Ilan lamang ito sa health benefits ng tea sa ating katawan. Kaya naman habang maaga pa ay simulan ng palitan ang nakahiligan mong inumin sa mas healthy na tsaa na may iba’t-ibang flavors na siguradong iyo ding magugustuhan.
Source: Sage Journals, Today
Basahin: STUDY: Ito ang magandang epekto ng pag-inom ng tsaa sa iyong utak