X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata

4 min read
Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata

Dahil umano sa isang PIU na namatay sa ospital, isang healthcare worker mula Sultan Kudarat ang tinapunan ng bleach bago pumasok ng trabaho.

Sa nangyayaring krisis ngayon sa bansa, dito na lumalabas ang bayanihan ng bawat isa. Nandyan ang mga ordinaryong mamamayan na kusang loob na nagbibigay ng kanilang mga donation o kaya naman mga organization na nagkakaisa para sa iisang goal, ang matulungan ang mga nangangailangan. Syempre, hindi mawawala dito ang mga frontliners natin. Modern heroes na kung ituring ang mga ito dahil sa tapang at dedication nila sa trabaho. Ngunit sinong mag-aakalang magkakaroon din pala ng diskriminasyon ang mga ito? Isang healthcare worker sa Sultan Kudarat ang tinapunan ng bleach sa mukha. Ano nga ba ang dahilan nito?

healthcare-worker-tinapunan-ng-bleach

Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata. | Image from Freepik

Healthcare worker tinapunan ng bleach

Si Ritchie Estabillo ay isang utility staff member na nagtatrabaho sa St. Louis Hospital sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang umano na tinapunan siya ng bleach sa mukha.

Ayon sa kwento, papasok pa lamang si Ritchie sa trabaho. Dumaan ito sa isang tindahan upang bumili ng pagkaing maibabaon niya. Paalis na ito sa tindahan nang mapansin siya ng limang lalaki dahil sa suot nitong staff uniform ng hospital. Nabigla na lamang siya ng tinapunan siya ng bleach sa mukha.

Kahit na may iniinda si Ritchie, ligtas at maayos itong nakarating sa pinagtatrabahuang ospital.

healthcare-worker-tinapunan-ng-bleach

Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata. | Image from Earl Perez on Facebook

Nagresulta ang pagtapon ng bleach sa kanyang mukha ng eye trauma. Ayon rin sa gumamot sa kanya, pwede siyang mabulag kung hindi agad naagapan ang nangyari sa mata niya.

Dahil sa nangyari sa healthcare worker na sinabuyan ng bleach sa mukha, naglabas  rin agad ng saloobin ang St. Louis Hospital.

Ayon sa kanila, si Ritchie ay isang breadwinner at frontliner katulad ng karamihan na nagtatrabaho sa ospital.

“Our personnel is a bread winner, as many of our frontliners are, who in the present pandemonium, chose to bravely continue their duties to the community.”

Hangad ng ospital ang justice na maibibigay sa kanilang isang frontliner na si Ritchie na nakaranas ng diskriminasyon.

“At this time, we respectfully demand that justice be given. He is a frontliner,”

healthcare-worker-tinapunan-ng-bleach

Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata. | Image from St. Louis Hospital Facebook

Base sa pangyayari, nagsimula ang lahat ng namatay ang isang patient under investigation habang naka-admit sa ospital. Kumalat ito sa social media kasama na ang ibang detalye sa pasyente.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Department of Health ukol sa mga harassment at discrimination sa mga health workers.

“We are mobilizing our own personnel in efforts to ascertain more details and hold perpetrators of these attacks liable and reporting these incidents to the Inter-Agency Task Force of COVID-19 for proper investigation and resolution. It is not enough that we thank them. We need to protect them too.”

DOH ANNOUNCEMENT: The Department of Health strongly condemns attacks against our healthcare workers, and will work closely with authorities to hold all perpetrators responsible.29 March 20207:00PM Posted by Department of Health (Philippines) on Sunday, 29 March 2020

COVID 19 Cases in Philippines update

As of March 29, umakyat na sa bilang na 1,418 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Habang 42 naman ang naka recover at 71 ang mga namatay.

Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.

Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 29:

CONFIRMED

RECOVERED

DEATHS

PIUs

1,418 42 71 874

COVID-19 hotlines:

1555 (PLDT, Smart, Sun, and TnT)

(02)  894-26843 (894-COVID)

Posted by Department of Health (Philippines) on Sunday, 29 March 2020

 

Partner Stories
McDonald’s brings fun and mischief with its new Minions 2 Happy Meal
McDonald’s brings fun and mischief with its new Minions 2 Happy Meal
7-Eleven’s Php55 to Php79 single-serve ready-to-heat HottaUlam! meals are now available in over 2,000 stores in Luzon
7-Eleven’s Php55 to Php79 single-serve ready-to-heat HottaUlam! meals are now available in over 2,000 stores in Luzon
My Dream in a Shoebox Year 14 Supports Filipino Children With Education Needs No Matter the Learning Set-Up
My Dream in a Shoebox Year 14 Supports Filipino Children With Education Needs No Matter the Learning Set-Up
5 Tips To Challenge Your Child For His All-Around Development
5 Tips To Challenge Your Child For His All-Around Development

Upang maging updated sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari mo itong i-click: COVID-19 Cases: Philippines

 

 

Source: ABS-CBN

Bashain: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata
Share:
  • COVID-19 UPDATE: Bilang ng confirmed cases sa Pilipinas nasa 803 na

    COVID-19 UPDATE: Bilang ng confirmed cases sa Pilipinas nasa 803 na

  • Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

    Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • COVID-19 UPDATE: Bilang ng confirmed cases sa Pilipinas nasa 803 na

    COVID-19 UPDATE: Bilang ng confirmed cases sa Pilipinas nasa 803 na

  • Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

    Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.