“Trying to conceive” Ito ang challenging na parte ng pagsasama ng mag-asawa. Ang paniniwala ng karamihan, ang pagkakaroon ng healthy o strong sperm ng isang lalaki ay nakakapagpataas ng tyansa na mabuntis agad ang babae. Ngunit minsan, ang topic na ito ay mahirap i-open sa iyong asawa dahil ito ay maaaring sensitive na topic para sa kanila.
Pero paano mo nga ba masasabi na healthy ang sperm ni mister sa isang tinginan lamang? Narito ang mga tips kung paano masasabing malusog ang sperm ng iyong asawa.
Paano malalaman kung healthy ang sperm ni mister sa tingin lang?
Makikita sa semen ng iyong asawa kung siya ba ay healthy. Isang paraan rito ay ang kulay ng kanyang semen. Unang gawin ay tignan ang sperm ng iyong asawa.
Nakita mo na ang kulay? Narito ang ibig sabihin nila:
Sintomas ng pagkabaog ng lalaki | Image from Freepik
1. Cloudy white o gray
Ang karaniwang kulay ng semen ng lalaki ay cloudy white o gray na parang may hawig sa jelly. Kung ito ang kulay ng sperm ng iyong asawa, ibig sabihin nito ay healthy siya. Panatilihin lang ang healthy lifestyle para maalagaan ito at mapataas ang sperm count.
2. Pink, red, brown or orange
Ang kulay na ito ay maaaring dahil sa Hematopsermia o dugo sa semen. Nangyayari ito dahil sa sunod sunod na pagtatalik o masturbation. Ngunit babalik rin ito sa original na kulay ng mga ilang araw. Sa ibang worst scenario, ito ay dahil sa blood pressure o STD katulad ng herpes, chlamydia at gonorrhea o infection dahil sa prostate.
Kung si mister ay nakakaramdam ng sakit sa ari, agad na magpatingin sa iyong doctor.
3. Black
Ang black na semen ay dahil sa old blood. Ngunit minsan ito ay dahil sa injury ng iyong spinal cord. ‘Wag mahihiyang magpa konsulta sa iyong doctor kung ikaw ay nakakaranas nito.
4. Yellow or green
Ang semen na kulay yellow o green ay kadalasan dahil sa tirang ihi na humalo dito. Ngunit sa ibang kaso, ito ay isang senyales ng medical problem. Katulad ng UTI, prostate infection o kaya naman STD.
Kung ang iyong asawa ay nakakaranas ng sakit pagkatapos ng ejaculation, kailangan niyo ng magpatingin sa doctor.
Sintomas ng pagkabaog ng lalaki | Image from Dreamstime
Paano i-maintain ang healthy sperm?
Ang healthy sperm ay hindi lagi tungkol sa fertility at virility ng iyong asawa. Oo, kabilang na rin ang edad ng tao para masabi kung healthy ba ang sperm nito. Ngunit alam mo bang kayang makapag produce ng sperm ang isang lalaki hanggang 80 years old sila?
Narito ang ilang mga practices na kailangang gawin para mapanatili ang healthy sperm:
1. Panatilihin ang pagiging malamig
Ang sperm ay nabubuo lamang sa cool temperature. Kaya naman kapag summer, maaaring ikaw ay nahihirapan. Ang iyong asawa ay dapat iwasan ang overheating sa crotch area. Kaya kung mapagkakasunduan na pumunta sa sauna o hot bath, kailangan ay minimum lang ito at bantayan ang temperature. Iwasan rin ang masisikip na brief para mabawasan ang matinding pressure sa baba.
2. Kumain ng healthy
Ang healthy at well balanced diet ng isang lalaki ay nakakatulong hindi lang sa energy kundi sa pagkakaroon rin ng malusog na sperm. Ang mga pagkain na may folate katulad ng gulay at patatas ay nakapagpataas ng sperm count. Habang ang vitamin D na makukuha sa cereal at isda ay nakakapagpanatili ng shape ng sperm at mobility.
Sintomas ng pagkabaog ng lalaki
3. Magbawas ng taba sa belly at maging aktibo
Hindi lang dapat ugaliin ang pagkain ng tama kundi dalhin rin ang iyong asawa sa gym. Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaki na physically active ay mayroong mataas na testosterone dahilan para magkaroon ng healthy sperm. Makakatulong rin ang exercise sa libido.
4. ‘Wag manigarilyo
Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang paninigarilyo ay nakakapagpababa ng sperm count, spem mobility at pagkakaroon ng pangit na sperm shape. May kaugnayan rin ito sa pagkakaroon ng miscarriage ni misis. Kung naninigarilyo ang iyong asawa ngayon, mabuting itigil na ito agad agad. Makikita mo ang improvement nito pagkatapos ng tatlong buwan.
5. Relax, take it easy
Hindi lang dapat ang iyong katawan ang healthy kundi pati na rin ang iyong mental health. Ang stress ang itinuturong dahilan sa pagbaba ng sexual function o hindi maayos na pag produce ng sperm. Mabuting tandaan na kailangang hindi stress si mister para mapanatili ang healthy sperm!
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Sources:
NCBI
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!