Sa pag-aaral tungkol sa COVID-19 sa China, napagalaman na may posibilidad na ang nasabing virus ay maaaring maipasa thru sexual intercourse.
COVID-19 sa semen ng lalaki? | Image from Freepik
Nagsagawa ang Shangqiu Municipal Hospital ng pag-aaral sa 38 male patients sa China. At dito nga nadiskubre na nag positibo sila sa COVID-19 dahil nakita ito sa semen ng anim na lalaki. Nakita rin ang virus sa semen ng ilang lalaking pagaling na. Dagdag nila na karamihan sa kanila ay nasa acute stage pa ng infection samantalang ang 9% ay pagaling pa lamang.
“If it could be proved that SARS-CoV-2 can be transmitted sexually. That might be a critical part of the prevention. Especially considering the fact that SARS-CoV-2 was detected in the semen of recovering patients.”
Ayon naman sa isang professor sa Britain’s Sheffield University na si Allan Pacey, hindi kailangang dumepende sa pag-aaral na ito. Dahil nakita na may ilang technical difficulty sa pag-aaral ng semen ng lalaki sa virus.
Ngunit dagdag nito na hindi pa rin imposible ang ganitong pagkakataon, na makita ang COVID-19 sa semen ng mga lalaki na positibo sa virus. Ito ay dahil ang mga naunang virus katulad ng Ebola at Zika ay nakita rin sa semen ng dating mga pasyente kahit ito ay gumaling na.
COVID-19 sa semen ng lalaki? | Image from Freepik
“However, we should not be surprised if the virus which causes COVID-19 is found in the semen of some men. Since this has been shown with many other viruses such as Ebola and Zika.”
Paalala naman nila na ang pag-aaral na ito ay nagsisimula pa lang. At dahil sa kaunting bilang ng kaso nila na nakita ang COVID-19 sa semen, malalim at masusing pag-susuri pa ang kanilang kailangang gawin upang mapalawak pa ito at masabing naipapasa talaga ang virus thru sexual intercourse.
“Further studies are required with respect to the detailed information about virus shedding. Survival time and concentration in semen.”
Ito paglilinaw ng chinese researchers sa pag-aaral na nakasulat sa Journal of the American Medical Association.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga banahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
COVID-19 sa semen ng lalaking pasyente? | Image from Freepik
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease katulad ng asthma. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!