Heart Evangelista at Chiz Escudero ibinahagi ang estado ngayon ng kanilang relasyon. Ayon kay Heart, na-realize niya na hindi niya kayang mawala sa buhay niya ang asawa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Realizations ni Heart Evangelista sa pinagdaanan nila ng mister niyang si Chiz Escudero.
- Estado ng relasyon nila Heart at Chiz ngayon.
Realizations ni Heart Evangelista sa pinagdaanan nila ng mister niyang si Chiz Escudero
Nitong nakaraang taon ay nabalitang dumaaan sa pagsubok ang pagsasama ni Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero. Sa pinakabagong episode ng kanilang “Adulting with Heart and Chiz” ay ibinahagi ng mag-asawa ang realizations nila matapos ang mga pinagdaanang challenge sa kanilang pagsasama.
Pag-amin ni Heart, inakala niyang kaaway si Chiz dahil sa mga striktong paalala nito sa kaniya. Pero sa huli ay na-realize daw niyang hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya. Sa katunayan ay willing siyang subukan ang lahat para lang masigurado na mas magiging healthy at mapahaba ang buhay ni Chiz para sa kaniya. Lalo pa’t si Chiz ay 15-years na mas matanda sa kaniya.
“I don’t think I would ever meet anybody like Chiz. I hated you for the wrong reasons. And I think parang I looked at you as the enemy. But you were actually my guardian angel the whole time.”
“I realize I can’t live without Chiz. Mawala na lahat wag ka lang.”
Ito ang sinabi ni Heart sa mister.
Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista
Estado ng relasyon nila Heart at Chiz ngayon
Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista
Nang matanong naman ukol sa estado ng kanilang relasyon matapos ang pinagdaanan. Ito ang nasagot ni Heart.
“I feel like I am in a calmer place. I feel like everything was wiped clean. Everything is fresh.”
Habang si Chiz, inaming mas nagbibigay siya ng oras at effort para makasama si Heart. Tulad nalang ng pagsama niya sa fashion week na isa sa mga dahilan rin kung bakit mas matibay ngayon ang pagsasama nila.
“Better, stronger, tighter. Mas sweet ako kaysa sayo. Everything happens for a reason. So were where we are because of what you went through, what I went through, what we went through.”
Ito ang sabi naman ni Chiz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!