X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Heart Evangelista sa buhay niya sa Paris ngayon: "I’m learning to walk alone and being independent and being totally by myself”

5 min read

Heart Evangelista nagbigay ng update sa buhay niya ngayon. Si Heart enjoy sa pagiging independent sa Paris.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Heart Evangelista life update.
  • Relasyon ni Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero.

Heart Evangelista life update

heart evangelista life update

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Mukhang nai-enjoy ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang buhay niya sa Paris. Sa isa sa mga Instagram reels niya ay nagbigay ng update si Heart sa buhay niya ngayon.

Ayon kay Heart ay marami siyang natutunan ngayon sa pamumuhay niyang mag-isa sa Paris. Isa nga na nga rito ang paglalakad ng mag-isa na hindi niya nagagawa noon. Naging mas independent din daw siya na talaga namang nai-enjoy niya.

“Today, I decided to walk all by myself around Paris and those of you who know me know that I have so much anxiety when I’m by myself. But sometimes you got to learn how to do new things and explore and you know, learn for yourself.”

“I’m learning to walk alone and being independent and being totally by myself, and I kind of love it.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Heart.

Matatandaan nitong nakaraang buwan ng ibahagi ni Heart ang kagustuhan niyang bumili ng apartment sa Paris. Dahil si Heart napapadalas sa City of Love para mag-attend sa mga fashion events na iniimbita siya.

Relasyon ni Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero

heart evangelista and chiz escudero basher

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Naging usap-usapan ang paglipat ni Heart sa Paris dahil isang malaking tanong parin sa marami ang status ng relasyon nila ng mister na si Chiz Escudero.

Ito’y dahil sa kapansin-pansing kalungkutan ni Heart ng huli silang magkasama ni Chiz sa GMA gala noong Agosto. Sinabayan pa ito ng pag-tanggal ni Heart ng apelyidong Escudero sa Instagram name niya.

Sa isa sa mga YouTube vlog ni Heart ay ibinahagi rin nito na siya ay dumadaan sa isang mabigat na personal na problema. Siya rin daw sa ngayon ay dinidiskrube pa ang tunay na magpapasaya sa kaniya.

“I’ve always been such a happy person. I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me. I’m not gonna to lie.  I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.”

“I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life. And basically now, I’m really in a search for just being happy.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Heart sa kaniyang vlog.

Paano hinaharap ni Heart ang kalungkutan at personal struggle na pinagdadaanan

Samantala, sa kaniyang pinakabagong vlog entry ay ibinahagi ni Heart ang isa sa ginagawa niya para malampasan ang kalungkutan na nararanasan. Ito ang pagpipinta na madalas na ginagawa niya kapag siya ay nandito sa bansa.

“Normally when I am here, I paint because this is where you find the core of my heart. I think I’m still rediscovering myself when it comes to painting.”

Ito ang sabi ni Heart sa kaniyang vlog.

Kuwento pa ni Heart, inspirasyon niya ang mga melancholic feelings na kaniyang nadarama sa pagpipinta. Dito niya inilalabas ang feelings niya at sa pamamagitan nga ng pagawa nito ay pakiramdam niya ay nagiging free siya.

“I didn’t want to have any more rules and all these things that you followed so it was very liberating and therapeutic for me to paint whenever I wanted to and paint whatever I wanted.”

Sa parehong vlog ay inalala rin ni Heart kung kailan nagsimula ang pagkahilig niya sa pagpipinta. Bata palang daw siya ng magsimula niyang gawin ito at ang unang canvas na ginamit niya ay ang dingding ng kanilang bahay sa San Francisco.

“I was very very young, I started on the wall of our house. I remember in San Francisco in Foster City. And my mom would be so angry at me but my dad was like ‘hayaan mo siya’. And then I also remember that I would sketch on Vogue covers. I’d outline the lips put eyeliner, and I really liked it.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Heart.

heart evangelista life update

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Sa ngayon, makikitang patuloy na tinutupad ni Heart ang mga pangarap niya kasabay ng paggawa ng mga bagay na talaga nga namang kinahihiligan niya.

Kamakailan lang rin ay ibinahagi ni Heart na siya ay sumailalim sa IVF o in-vitro fertilization. May beautiful baby boy at girl nga daw na naghihintay sa kaniya sa oras na ready na siyang magkaanak. Dahil hanggang ngayon, pagbabahagi pa ni Heart hindi pa siya sigurado kung kaya niya bang maging magulang na.

“Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself), ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child.”

Ito ang sabi pa ni Heart Evangelista sa isa mga life update niya.

Partner Stories
Skrrt,skrrt your way to a FOMO-free Christmas with Mimiyuuuh
Skrrt,skrrt your way to a FOMO-free Christmas with Mimiyuuuh
Goodbye Sore throat with Strepsils, Hello Christmas Season!
Goodbye Sore throat with Strepsils, Hello Christmas Season!
BASH: A Celebration of Journey and Style Founded by Bea Alonzo
BASH: A Celebration of Journey and Style Founded by Bea Alonzo
Self-Care for Moms: A Guide to Balancing Motherhood
Self-Care for Moms: A Guide to Balancing Motherhood

 

The Philippine Star, Heart Evangelista YouTube Vlog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Heart Evangelista sa buhay niya sa Paris ngayon: "I’m learning to walk alone and being independent and being totally by myself”
Share:
  • Marian Rivera as a mom: “Mas maganda na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.”

    Marian Rivera as a mom: “Mas maganda na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.”

  • Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

    Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

  • Chito Miranda: “Mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

    Chito Miranda: “Mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

  • Marian Rivera as a mom: “Mas maganda na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.”

    Marian Rivera as a mom: “Mas maganda na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.”

  • Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

    Noche Buena na! Pasarapin pa lalo ang Bisperas ng Pasko

  • Chito Miranda: “Mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

    Chito Miranda: “Mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko