Heart Evangelista inaming natakot siya sa naranasang banta sa kalusugan ng mister na si Chiz Escudero kamakailan lang.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Heart Evangelista sa recent health scare ng mister na si Chiz Escudero.
- Nararamdaman ni Heart bilang Senate Spouses president.
Heart Evangelista sa recent health scare ng mister na si Chiz Escudero
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Heart Evangelista ang naging pagsubok sa pagsasama nila ni Chiz Escudero kamakailan lang. Si Chiz nagkaroon daw ng natatakakot na episode sa kaniyang kalusugan. Pero sa ngayon daw ay maayos na ang lahat at natuto na sila Heart at Chiz sa naging karanasan.
“He’s very good. He’s super good now. He had an episode. It was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to really make sure health is wealth.”
Ito ang sabi ni Heart sa panayam.
Ayon pa kay Heart, siniguro niya na maayos na talaga ang kalusugan ni Chiz. Dahil hindi niya daw alam kung anong mangyayari sa kaniya sa oras na may mangyaring masama dito.
“Everything perfect. And I make sure na perfect kasi if he goes, I go. You jump, I jump, swear. Ako na lang mauna. ‘Di ko talaga kaya. Iiyak na naman ako.”
“Because it’s a cruel world. It’s a mean world. Without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s my everything. Of course, God is my everything. But mauna na lang talaga ako.”
Ito ang sabi pa ng emosyonal na si Heart Evangelista.
Larawan mula sa Facebook
Sa mga nauna ng panayam ni Heart ay ilang ulit niya ng sinabi kung gaano kahalaga sa buhay niya si Chiz. Dahil sa pamamagitan ni Chiz, ayon kay Heart ay na-realize niya kung ano talaga ang purpose niya sa buhay. Ang makasala nga daw kay Chiz ang best part at time ng buhay niya.
“Honestly, it would be the chapter that I’m living now with my husband. This is the best time ever. I feel like I’m different now. It’s not that I wasn’t appreciative before but I just see life differently now and even more, I enjoy living it with the people who matter the most.”
Ito ang sabi ni Heart noon sa isang panayam.
Nararamdaman ni Heart bilang Senate Spouses president
Larawan mula sa Facebook
Samantala, si Heart nagbahagi rin ng nararamdaman niya sa ngayon sa bago niyang role. Ito ay bilang president ng Senate Spouses Foundation Inc. o SPFI. Ayon kay Heart, noong una ay nagpanic at natakot siya sa bago niyang role. Dahil alam niyang maari siyang ma-bash o ma-judge sa bago niyang role na ito. Pero sa pagdaan ng araw at sa mga activities na nagawa niya na ay nai-enjoy niya na daw ito ngayon. Lalo na ang pagtulong sa iba.
“I love it so much because I do my own thing. Mayroon akong mga ginagawa para you know ‘yung points ko sa heaven ay mas importante.”
“I’m also very lucky that I worked with wonderful companies in the past that are all out [supporting] my projects. So talaga parang feeling ko I have a purpose. I’m not sure how long I have but I will do my best and I love working.”
Ito ang sabi pa ni Heart Evangelista.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!