Heart Evangelista at Chiz Escudero masayang sinalubong ang 2023 ng magkasama!

Bagamat wala paring pahayag tungkol sa naging pagsasama nila nitong mga nakaraang buwan, mga fans at followers ni Heart at Chiz nagbunyi na makitang magkasama muli ang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista at Chiz Escudero sinalubong ang bagong taon ng magkasama. Ang mag-asawa naging usap-usapan noon na hiwalay na.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Heart Evangelista at Chiz Escudero new year celebration.
  • Relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Heart Evangelista at Chiz Escudero new year celebration

Heart Evangelista at Chiz Escudero magkasamang sinalubong ang bagong taon ng 2023 ng magkasama. Ito ang isa sa latest post ng fashion icon sa kaniyang Instagram account.

Sa larawan na inupload ni Heart sa araw mismo ng bagong taon ay makikitang kasama niya ang mister na si Chiz at dalawa nitong anak. Habang nakaupo si Heart ang isang kamay ni Chiz ay nakapatong sa balikat nito. Sa isa pang sumunod na larawan ay makikita naman si Heart at Chiz na magkahawak-kamay. Ang ngiti sa mukha ni Chiz ay patunay kung gaano siya kasaya sa mga oras na yun.

Bago pa man ang nasabing larawan, ay nag-post rin si Heart sa Instagram na nagsasabing excited siyang makita muli ang mister na si Chiz. Ito ay sa kabila ng mga usap-usapan nitong mga nakaraang buwan na sila ay hiwalay na.

“Living between 2 worlds Paris and Manila 2 clocks in one @philipsteinph  walking around Paris before heading home for New Year.
Ps
See you soon @escuderochiz

Ito ang caption ng post noon ni Heart ilang araw bagong pumasok ang 2023, kasabay ng selebrasyon ng pasko.

Sa nasabing larawan ni Heart ay kapansin-pansin din na suot niya ng muli ang kaniyang engagement at wedding rings. Dagdag ito sa mas nagpasaya pa ng kaniyang mga fans at followers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"OMG! Kahit wala akong na reciv na gift this Christmas itong post mo lang idol super happy na ang Pasko... Can't wait to see the two of you in one picture again. ❤"

Ito ang isa sa comment ng kanilang fans na naisakatuparan na ng mag-asawa nitong bagon taon.

Relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Matatandaang Setyembre ng nakaraang taon ng magsimula ang usap-usapan na hiwalay na sina Heart at mister niyang si Chiz. Ito'y matapos magbahagi si Heart sa kaniyang vlog na siya ay may hinaharap na malaking problema. At sa mga oras na yun ang nais niya lang ay maging tunay na masaya.

“I’ve always been such a happy person. I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me. I’m not gonna to lie. I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.”

“I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life. And basically now, I’m really in a search for just being happy."

Ito ang bahagi ng pahayag ni Heart sa kaniyang vlog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa post na ito ni Heart ay napansin din ng mabilis na mata ng mga netizens na matagal na hindi nag-a-upload si Heart ng mga larawan nila ni Chiz na magkasama. Dagdag pa ang pag-alis ni Heart sa apelyidong Escudero sa IG username ng aktres.

Sa kabila ng mga espekulasyon sa pagsasama ni Heart at mister na si Chiz ay nanatili silang tahimik sa isyu. Bagamat ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco ay hindi napigilang magsalita at magbahagi ng kaniyang nararamdaman sa isyu na kinahaharap ng anak.

Ayon noon kay Cecile ay wala siyang kaalaman tungkol sa pinagdadaanan ng mag-asawa kung mayroon man. Pero umaasa siya na kung anumang pinagdadaanan ni Heart at Chiz ay maayos nila ito. Lalo pa’t alam niyang matured at grounded naman daw si Chiz.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

Ito ang sabi ng ina ni Heart noon sa isang panayam sa ABS-CBN.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Plano ni Heart sa pagkakaroon ng anak

Itong darating na Pebrero ay magdidiwang na ng kanilang 8th wedding anniversary sina Heart at Chiz. Sa kabila ng mahaba na nilang pagsasama ay wala pa rin silang anak. Nitong nakaraang taon rin ay ibinahagi ni Heart na gusto niya ring magkaanak.

Sa katunayan ay sumailalim siya sa IVF o in vitro fertilization. At sa ngayon daw ay may naghihintay na embryo ng kambal na baby sa oras na mabuo ang desisyon niyang magkaanak na.

“Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself), ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child.”

Ito ang sabi pa ni Heart Evangelista sa isa mga life update niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement