Heart Evangelista matapos subukan ang IVF: "Am I ready for a child?"

Paglilinaw pa ni Heart, suportado ng mister na si Chiz Escudero ang mga desisyon niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista sinabing sinubukan niya na ang IVF o in vitro fertilization para magkaanak.  Bagamat pag-amin ng aktres sa ngayon ay nag-iisip parin siya kung handa na ba siyang maging isang ina.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Heart Evangelista IVF journey.
  • Status ng relasyon ni Heart at mister na si Chiz Escudero.
  • Ano ang IVF?

Heart Evangelista IVF journey

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

May malaking rebelasyon ang aktres at ngayon ay world fashion icon na si Heart Evangelista. Si Heart base sa naging panayam sa kaniya ng magazine na L’Officiel Philippines ay ibinahaging sinubok niya na ang IVF o in vitro fertilization para magkaanak sila ng mister niyang si Chiz. Si Heart ngayon ang cover ng September issue ng nasabing magazine.

Pagbabahagi ni Heart sa kagustuhan niyang magkaanak ay tiniis niya ang mahirap at masakit na proseso ng IVF. Ang naging kapalit nito ay isang perfect boy and girl na resulta.

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process.”

“After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl.”

Ito ang pagkukuwento ni Heart tungkol sa IVF journey niya.

Pero si Heart, nagdadalawang-isip parin kung handa na ba talaga siya sa responsibilidad ng isang ina. Naging malaking bahagi daw ng pangamba niyang ito ang naranasang miscarriage noong 2018 dagdag pa ang hirap ng kaniyang naging IVF journey.

Kasama na rin daw sa pag-aalangan niya sa ngayon ay kung talagang sure na ba siya na ito ang gusto niya at hindi lang ba ito dahil sa pressure sa paligid niya tungkol sa kung kailan siya magkakaanak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself), ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child.”

Ito ang sabi pa ni Heart.

Status ng relasyon ni Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Taliwas sa mga kumakalat na balita nitong mga nakaraang araw, kuwento ni Heart sa naging panayam sa kaniya ng magazine ay suportado siya ng mister na si Chiz sa lahat ng ginagawa niya. Kahit nga daw ang pagsubok nito ng IVF ay suportado ng asawa bagamat alam niyang malaki daw ang pagkakaiba ng paniniwala nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Chiz is really a good guy though we’re very different because he’s very conservative and I’m also a little bit more modern. Perhaps it’s modern. Perhaps it’s because of our age gap. But what I like about him is he tries. He tries to be as supportive as he can be.”

Sa kabuuan, ayon kay Heart ay malaki ang naging epekto sa kaniyang pagkatao ng pagsasagawa niya ng IVF para magkaanak. Ngayon, ay mas naramdaman niya daw na mas may control siya sa buhay niya.

Dahil nasa kaniyang mga kamay ang desisyon sa kung kailan niya gustong magkaanak na. Dahil mayroon naman ng healthy boy and girl embryo na naghihintay sa kaniya sa oras na ready na siyang maging isang ina.

Payo niya pa nga sa iba pang kababaihan, mabuting option ang pagsasagawa ng IVF pagdating sa pagplaplano ng pagkakaroon ng anak. Dahil sa pamamagitan nito ay maayos nilang maplaplano ang pagharap sa responsibilidad ng pagiging magulang at wala rin silang tinitingnan na deadline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ano ang IVF?

Ayon sa American Pregnancy Association o APA, ang IVF o In Vitro Fertilization ay isang reproductive technology na tumutulong sa fertilization. Ito ay kilala rin sa tawag na “test tube babies”. Isa ito sa mga paraan na ginagawa upang matulungan ang mag-asawa na gustong magkaanak ngunit may nararanasang medical issues na humahadlang dito.

Paano isinasagawa ang IVF?

Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng IVF ay ang egg retrieval o pagkuha ng eggs mula sa isang babae na gagamitin para sa fertilization. Para ma-stimulate ang egg production ng babae, binibigyan siya ng fertility medication.

Kailangan ding tignan ang kaniyang ovaries at hormone level. Kasabay nito ay kailangang mag-produce ng sperm ng lalaki na ipapares sa egg cells na nakuha sa babae. Maaring ito ay mula sa mismong lalaki sa mag-asawa o mula sa isang donor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunod, ang sperm at eggs ay pagsasamahin sa proseso na insemination. Saka ito ilalagay sa isang laboratory dish para sa fertilization. Sa oras na ma-fertilized ang egg at sperm at maganap ang cell division, ang produkto ay tinatawag na embryos.

Ang embryo na produkto ng fertilization ay maaring ilagay agad sa sinapupunan ng babae na magdadala sa sanggol. Sa kaso ni Heart ay pinili niyang i-preserve muna ito sa prosesong tinatawag na embryo freezing. Sa ganitong paraan ay maitatabi niya ito at maari lang simulan na ipagbuntis sa oras na siya ay handa na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement