Hindi lang sa busy sa pamimigay ng donation si Heart Evangelista kundi busy rin ito sa pagbabahagi ng libreng tablet para sa mga estudyante ngayong darating na ang pasukan.
Heart Evangelista, nag-umpisa ng mamigay ng libreng tablet
Sa tweet ng actress-philanthropist na si Heart Evangelista, ibinahagi nito na nagsimula na siyang mamigay ng libreng tablet para sa darating na pasukan ngayong August.
Umabot ng 550 tablets ang ibibigay ni Heart sa mga studyanteng nangangailangan ng gagamiting gadget para sa online class ngayong darating na pasukan. Matatandaang bawal muna ang face-to-face class ngayong school year 2020-2021 dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.
Kaya naman naisipan ni Heart na mamigay ng mga tablet sa mga studyanteng wala pang sapat na gamit para makadalo sa online class.
Sa kwento ni Heart, hindi alam ng kanyang client kung saan niya gagamitin ang halos 500 piraso ng tablet. Hindi nila alam na ito ay gagamitin ng aktres para maipamahagi sa mga mag-aaral.
“The time, hardwork and love that I put out in this artwork was well worth it. As the proceeds have allowed me to purchase 550 tablets for angels.”
-LoveMarie O. Escudero (@heart021485)
Bilang tulong sa pagbili ng mga tablet, ayon kay heart ay binenta niya ang kanyang mga ginawang artwork na painting.
Binahagi rin niya na marami siyang pinagdadaanang problema gaya ng iba. Ngunit sa tulong ng art at dashion, dito niya naeexpress ang kanyang sarili.
“My struggles in life are unknown to many but art, fashion and expressing myself has always helped me cope with my not so fairytale life.”
-LoveMarie O. Escudero (@heart021485)
Kilala si Heart Evangelista bilang isang aktres na laging naghahatid ng donation para sa iba’t-iba nating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.
Humingi rin ang aktres ng pakiusap na i-message siya sa Instagram tungkol sa mga nangangailangan ng tablet. Samantalang sa kanyang Twitter account naman kung nais humingi ng tulong sa medical assistance.
“Regarding tablets ok lang ba to message or tag me on IG? Not twitter? Sorry po kasi ‘di ko makita yung ibang messages na need ng medical assistance. I will also be creating a better system on my IG with my team. Soon para mas marami kami mabasa na dm.”
-LoveMarie O. Escudero (@heart021485)
Ngayong outbreak ng COVID-19 sa buong bansa, naghatid rin ito ng tulong sa ating mga kababayan. Nag donate ito ng madaming piraso ng washable PPE at 500 face shields.
Balik klase ngayong August 24
Para sa darating na pasukan ngayong August 24, ang mga school ay sasailalim sa Blended learning.
Ang sistema na ito ay ginagamitan ng internet, TV o radio para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Sa kabila ng desisyon ng DepEd sa Blended learning, tutol pa rin si President Duterte dito.
Ayon sa kanya, “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita.
Source:
BASAHIN:
LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021