Heart Evangelista muling nakunan sa kaniyang pang-apat na sanang baby: “Even if I'm heartbroken, I shall keep my heart intact while you find your way back to us”

Ayon kay Heart, may pangalan na sana siya sa inaasahan nilang baby boy ng mister na si Chiz Escudero. Pero magkaganoon man ay hindi siya nawawalan ng pag-asa at alam niyang muli itong magbabalik sa piling nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista nakaranas ng miscarriage sa pang-apat na pagkakataon. Si Heart may mensahe sa kaniyang baby na isa dapat boy kung ito ay naka-survive.

Mababasa dito ang sumusunod:

Heart Evangelista 4th miscarriage

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na siya ay nakaranas ng miscarriage sa pang-apat na pagkakataon. Si Heart isinabay ang pagbabahagi ng pagkabigong naranasan sa selebrasyon ng Mother’s day.

Kuwento ni Heart sa kaniyang post, bigla nalang tumigil ang heartbeat sana ng kaniyang baby boy ilang araw lang ang nakakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A few days ago our baby boys heart stopped beating 🕊️ this will be our 4th angel.”

Ito ang nakakalungkot na pagbabalita ni Heart.

Ayon pa kay Heart, may pangalan na sana ang nawala niyang anak. Pero bagamat masakit na muli na naman siyang nakunan ay hindi siya nawawalan ng pag-asa. Ito pa ang mensahe niya para sa kaniyang baby.

“And although this could be one of my biggest heartbreaks … thank YOU for still for trying to be with me and for making me feel so much love already . Love and hope that this world could never give.”

Ito ang sabi pa ni Heart na sinundan niya ng pagrereveal ng dapat sana ay pangalan ng kanilang baby boy ni Senator Chiz Escudero na FrancisKo.

Mensahe ni Heart sa kaniyang sana ay baby boy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ibinahagi rin ni Heart ang larawan ng sulat niya sana para sa anak. Doon sinabi niya na unti-unti na sana siyang naghahanda sa pagdating nito. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad itong kinuha sa kanila ni Chiz.

“I was sure to meet you soon. And I had prepared a few things you may like but for some reason your beating heart lost its way to us.”

“I don’t blame you for being scared — it is a scary world but I would like to let you know I was prepared for you.”

Pero magkaganoon man si Heart hindi umano nawawalan ng pag-asa at patuloy na maghihintay sa muling pagbabalik ng nawala niyang anghel. Sa dulo ng kaniyang sulat ay inilagay niya rin ang gusto niya sanang itawag sa kaniya ng anak na “Mama Heart”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Even if I’m heartbroken I will keep my heart intact while you find your way back to us. You’re beating heart had healed me in so many ways. I love you anak. I’ll be waiting for you.”

Si Heart may pagbati niya rin sa mga inang katulad niya na dumadaan sa parehong pagsubok sa pagbubuntis.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To all the mothers , fur moms, mothers to friends , thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle … Happy Mothers Day 🌈🙏🏻🫶🏼🤍🕊️
( FrancisKo , my Francis I love you anak 🤍).”

Matatandaang unang ibinahagi ni Heart na siya ay magkasunod na nakunan sa kambal sana nilang anak ni Chiz noong 2018. Nitong Pebrero ay nakunan rin siya sa baby girl sanang pinangalanan niyang si Sophia Heart.

“I named her Sophia Heart so I was very excited to have her but I’m blessed in so many other ways, how can I complain? I’m just sad because of course, I was excited but I’m not complaining.”

Ito ang pahayag ni Heart noon sa pagkawala ng pangatlo niya na sanang baby.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement