Cecilia Ongpauco sa renewal of vows ni Heart at Chiz: “I’m happier because I am around to witness this. Finally.”

Heart at Chiz may madamdaming mensahe sa isa’t-isa sa kanilang renewal of vows.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista mom na si Cecilia Ongpauco masaya na masaksihan ang renewal of vows ng anak at ng mister na si Chiz Escudero.

Mababasa dito ang sumusunod:

Heart Evangelista mom na si Cecilia Ongpauco

Larawan mula sa YouTube video ni Heart Evangelista

Nitong February 15 ay naganap ang second wedding at renewal of vows nina Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero. Ito ay ginanap sa Balesin Island Club na kung saan dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at miyembro ng kanilang pamilya.

Mas espesyal ang pangalawang kasal nina Chiz at Heart ngayon. Dahil matatandaan na nabalitang dumaan sa pagsubok ang pagsasama nila noong nakaraang taon. Pero ngayon pinatunayan ng dalawa na nalampasan nila ito at masaya parin ang kanilang pagsasama.

Maliban pa dito, mas espesyal ang kasal nila Heart ngayon dahil sa present na ang kaniyang inang si Cecilia Ongpauco. Ito nga ang naiiyak niyang pahayag sa wedding video ng anak na gawa ng wedding videographer na si Bob Nicholas.

“I’m so happy for her. And I’m happier because I am around to witness this. Finally.”

“Finally, I arrived. Nine years too late but I made it still.”

Ito ang pahayag ni Cecilia tungkol sa kasal ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa YouTube video ni Heart Evangelista

Renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Sina Heart at Chiz may madamdaming mensahe rin para sa isa’t-isa . Si Chiz sinabi niyang ipinagdasal niya ang tagpong ito na sa wakas ay natupad na.

“There was a time when I wish and prayed to God, hiniling ko na sana yung bukas ko maging ngayon nalang, yung ngayon ko maging nakaraan ko agad-agad. Sa araw na ‘to binigay at isinkatuparan ng Diyos yun.”

Ito ang naluluhang sabi ni Chiz kay Heart.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang si Heart, pinasalamatan ang mister na itinuturing niya ring anghel ng buhay niya.

“You are not just a husband, but you are the greatest angel there is. I sold my soul and you bought it back for me.”

Ito ang naluluha namang mensahe ni Heart kay Chiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa YouTube video ni Heart Evangelista

Matatandaang minsan ng sinabi ni Heart na mawala na ang lahat, huwag lang ang mister niyang si Chiz Escudero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ayon kay Heart hindi umano nakarating sa renewal of vows nila ni Chiz ang ama niyang si Reynaldo Ongpauco dahil sa ito ay nasa US at sumailalim sa medical treatment.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement