Chiz Escudero nag-celebrate ng kaniyang 54th birthday. Misis niyang si Heart Evangelista may sweet na mensahe sa kaniyang mister.
Mababasa dito ang sumusunod:
Chiz Escudero 54th birthday
Nitong October 10 ay nagcelebrate ng kaniyang 54th birthday si Senator Francisco “Chiz” Escudero. Sa Instagram ay ibinahagi niya ang maikling video na kung saan makikitang may hawak na cake si Heart. Matapos ang pagkanta sa kaniya ng Happy birthday, si Chiz hinalikan ang misis na si Heart.
Sa caption ng video ay nagpasalamat ang senador sa mga nakaalala at bumati sa kaarawan niya. Sinabi niya ring naging espesyal ang birthday celebration niya. Syempre dahil sa presensya ng misis na si Heart, kaniyang dalawang anak at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
View this post on Instagram
“Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakaalala at nagpaabot ng pagbati! Naging espesyal ang aking simpleng pagdiriwang kapiling ang aking maybahay, mga anak at buong pamilya.”
“For those who remembered, greeted and offered prayers, may God bless you a hundred fold also.🙏🙏🙏”
Ito ang caption ng post ni Chiz sa Instagram.
Mensahe ni Heart Evangelista sa mister na si Chiz
Samantala si Heart may sweet na mensahe rin sa mister na si Chiz sa naging kaarawan nito. Ito ang sabi niya.
“Happy birthday to my rock and my constant @escuderochiz 🎂🎈I love doing life with you.”
Matatandaang nitong nakaraang taon ay dumaan sa pagsubok ang pagsasama ni Chiz at Heart. At sa vlog nilang Adulting with Heart and Chiz ay sinabi ni Heart na matapos ang nangyari ay na-realize niyang hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Chiz.
“I don’t think I would ever meet anybody like Chiz. I hated you for the wrong reasons. And I think parang I looked at you as the enemy. But you were actually my guardian angel the whole time.”
“I realize I can’t live without Chiz. Mawala na lahat wag ka lang.”
Ito ang sabi noon ni Heart.
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!