Kahapon, ika-15 ng Disyembre, nag-story ang celebrity actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kaniyang Instagram account ng isang nakakaiyak at nakakataba ng puso na pagbati sa kaniyang nawalang baby sa kaniyang sinapupunan.
Heart Evangelista sa kanyang baby: “Know that mama thinks of you”
Sa kaniya ngang Instagram stories, ang Kapuso na aktres ay nag-share ng litrato na mistulang dapat nursery room ng kaniyang magiging anak sana.
Aniya nga, “Today was your birthday.”
Dagdag pa niya, “Know mama thinks about you.”
Pagkawala ng baby
Noong nakaraan ngang taon ng Mayo, inanunsyo ni Heart Evangelista na siya nga’y nagdadalang-tao at kambal pa nga ito.
Matapos nga ang dalawang buwan, marami ngang nalungkot ng ibinalita ni Heart na nawala ang isa sa mga kambal na kaniyang dinadala at mga ilang araw rin inanunsyo niya na nalulungkot ito sapagkat nawala na rin ang isa pang baby nito.
Aniya nga sa kaniyang Instagram post noong ika-6 ng Hunyo, taong 2018, “There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey. At this week’s Doctor appointment, just as we hit the 3 month mark, we found out that her heart stopped beating.”
“For some it might be early on but for us, we were so ready to meet you, little one. Carrying you made me feel like a completely new person. Just the thought of you taught me what unconditional love feels like. The Doctor told me that there really wasn’t anything we could’ve done, that this happens to a higher percentage of first time moms. I know this is true because so many of you have been open with sharing your experiences. Your kindness and positivity in sharing about your own miscarriages remind me to be strong.”
“I am so grateful for all your love throughout this entire journey. It’s not the end, just another chapter. I take comfort knowing that you’re up there with your twin. I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan. And I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply.”
“I’m not looking for answers, just peace. For what it’s worth, I already had a name for you. My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me.”
Ang nawala ngang baby ni Heart ay dapat sana ang mga magiging mga panganay nito sa asawang si Chiz Escudero.
Tsismis tungkol sa pagbubuntis
Kamakailan nga lamang, ika-24 ng Nobyembre, nagkaroon ng isang tsismis na nagdadalang-taong muli si Heart Evangelista dahil nga sa post nito na nakakandong sa asawang si Chiz Escudero habang nakahawak si Chiz sa kaniyang tiyan.
Aniya nga sa kaniyang caption, “Cheesy with Chiz!”
Agad namang sinagot ni Heart ang tsismis tungkol sa muling pagbubuntis sa kaniyang Twitter account.
Sambit nga niya, “Guys I’m pregnant with Bonchon chicken not pregnant pregnant.”
Blighted ovum: Ang karaniwang sanhi ng miscarriage
Kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy o anembryonic gestation, ang blighted ovum ay ang pagtigil ng development ng embryo kung saan naiiwan ang gestational sac na walang laman. Hindi parin malinaw ang dahilan kung bakit ito nangyayari ngunit ang naituturong rason ay ang abnormal na chromosomes ng fertilized egg cells.
Karaniwang nangyayari ang blighted ovum bago pa malaman ng babae na siya ay buntis. Ang pregnancy tests ay nagpo-positibo kapag naka-detect ito ng human chorionic gonadotropin (HCG). Ito ang hormones na inilalabas ng mga embryo sa simula pa lamang ng pagbubuntis.
Sintomas ng pagka-buntis at blighted ovum
Maaaring makaramdam parin ng mga sintomas ng pagkabuntis tulad ng pagiging sensitibo ng dibdib, pagkahilo at pagsusuka.
Nawawala ang mga sintomas na ito kapag ang embryo ay tumigil na sa paglaki at bumaba ang hormone levels. Sa puntong ito, makakaramdam ng konting pag-kirot sa may puson at magkakaroon ng spotting. Makikita sa ultrasound na ang gestational sac ay walang laman.
Matapos ang blighted ovum
Ang blighted ovum ay karaniwang nagreresulta sa pagkalaglag ng pagbubuntis. Maaaring antayin na kusang malabas ang embryo, o kaya naman ay uminom ng gamot upang mailabas agad. May mga pagkakataon din na kinakailangan ng surgery upang matanggal ang placental tissues.
Karaniwan sa mga nakakaranas ng blighted ovum ay nagkakaroon ng anak sa sunod na pagbubuntis. Ngunit, kung nakakaranas ng sunod-sunod na miscarriage, kinakailangan magpa-konsulta sa duktor upang masuri ang sanhi.
Source:
BASAHIN:
Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?