Kadalasang sinasabi ng mga doktor na ang ryhtm nito ay “lub-dub, lub-dub, lub-dub…” Sa ilang pagkakataon, ang extra na tinunog na ating naririnig sa pagitan ng lub at dub ay tinatatawag na heart murmur.
Ang heart murmur in sa mga baby o bata ay kadalasang nangyayari, kahit na hindi maganda ito sa ating pandinig. Kadalasan, ang tunog na may whooshing o swishing noise ay ibig sabihin ang dugo ay nagpa-pumop sa chambers, valves, at arteries ng puso.
Hindi naman palagi na tignan ito ng mga eksperto pero dapat din itong masuri para ma-rule out ang ilang mga problema sa puso ng bata o baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Heart murmor sa mga baby
- Ano ang sahi ng pagkakaroon ng heart murmurs sa mga bata o baby
- Sintomas ng heart murmurs
- Lunas para sa heart murmur
Heart murmor sa mga baby
Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), ang heart murmur sa mga baby ay isa lamang tunog na naririnig sa pagitan ng mga pintig ng puso. Ang heart murmurs sa mga baby ay karaniwan naman at kadalasang normal naman. Kahit na sa ilang pagkakataon ay nakakatakot para sa ating mga magulang ito.
Uri ng mga murmurs:
- Systolic murmur. Isa itong heart murmur na nangyayari kapag nagko-contract ang puso.
- Diastolic murmur. Nangyayari ito kapag ang puso ang nagre-relax.
- Continuous murmur. Ito ay nangyayari tuwing pumipintig ang puso.
Ang innocent heart murmurs sa mga bata ay kilala rin sa functional or physiologic murmurs ay harmless o hindi naman delikado. Malaki ring porsiyento ng mga baby ay nararanasan ito sa ilang pagkakataon sa kanilang buhay. Ang isang malusog na puso ay nagpa-pump ng dugo ng normal na nareresulta sa mga heart murmurs na ito.
Kung ang iyong anak ay mayroong murmur, ito ay mano-notice lamang tuwing kapag nagkakaroon siya ng regular examination kapag sila’y nasa edad ng 1 taong gulang hanggang 5 taong gulang.
Ito’y sa pamamagitan ng pakikinig ng murmur gamit ang stethoscope ng doktor, made-detect naman ito agad ng doktor kung normal ito o hindi.
Larawan mula sa Pexels
Normal ba ang pagkakaroon ng heart murmurs sa mga baby?
Kadalasang nag-aalala tayo kapag na-diagnose ang ating mga anak ng heart murmur. Pero ang heart murmurs sa baby sa kabilang banda ito ay karaniwan lamang at maraming bata o baby ang nagkakaroon nito. Ang majority ng mga murmurs ay harmless naman ay walang impact sa kalusugan ng bata.
Kailan nangyayari ang heart murmurs sa mga baby?
Ayon sa AAP, concerning ang pagkakaroon ng heart murmurs sa mga baby kapag na-detect ito sa unang bahagi ng kanilang buhay, 0 sa pagitan ng 6 na buwan ng kanilang buhay.
Ang mga murmurs kasi na ito ay karaniwan sa mga premature baby, hindi ito masasabing hindi delikado, kundi kinakailangan ng attention ng isang pediatric cardiologist.
Kapag ang iyong anak ay tumuntong na sa preschool o school-age ang heart murmur naman ay hindi naman dapat ikabahala.
Posibleng ito lamang ay isang innocent murmurs na mawawala naman at mag-reappear. Maaaring mas lumakas o maging softer ang murmur na ito kasabay ng pag-fluctuates ng heart rate ng bata. Katulad na lamang kapag sila’y natutuwa o natatakot. Kapag may lagnat ang baby o kaya naman anemic siya, maaari ring marinig ang mga murmur na ito.
Sa gitna ng kaniyang pagiging adolescene naman, ang mga tipikal na heart murmurs na ito ay maaaring wala na. Ang iyong anak ay hindi na nangangailangan ng restrictions sa kaniyang diet pati na sa mga aktibidad na kaniyang ginagawa.
Siya ay maaaring mabuhay ng regular o normal, malusog, at aktibo katulad ng ibang bata.
Larawan mula sa Shutterstock
Sanhi ng heart murmur sa baby
Ang mga malulusog o healthy na bata ay maaaring may heart murmurs o iyong tinatawag nga nating innocent murmurs. Sa ilang pagkakataon naman ang isinilang ang bata na mayroong cardiac defect ay maaaring magdulot ng heart murmur sa ilang sitwasyon. Tinutukoy itong pathologic. Ito ay maaaring sanhi rin ng mga sumusunod:
- Impeksyon
- Lagnat
- Mababang hematocrit (bilang ng red blood ceels sa katawan) (anemia)
- Mayroong overactive na thyroid gland o hyperthyroidism
- May valve disease sa puso
BASAHIN:
Reasons why your Baby’s skin color is changing
Is my baby left handed? How does this affect child development?
8 ways to help your baby sensitive to noise
Heart murmur sa baby: Sintomas
Ang mga baby na mayroong heart murmurs ay walang ibang sintomas kundi ang abnormal na tunog sa puso. Pero sa ilang pagkakataon ang ilang bata ay nagkakaroon ng pathological heart murmurs, isa o higit sa mga sumusunod sa mga sintomas ay maaaring present. Ito ay nag-iiba base sa isyu o kundisyon.
- Poor nutrition, eating habits, at pagbigat ng timbang
- Hirap sa paghinga o mabilis na paghinga
- Paglaki ng mga ugat sa leeg
- Labis na pagpapawis kahit wala naman siyang masyadong physical activities
- Pagpapawis
- Pananakit ng dibdib
- Pagkahilo
- Pagkakaroon ng bluish na balat, lalo na sa labi at mga daliri
- Ubo
- Edema (pamamaga) sa bandang ibaba ng binti, ankles, paa, ganun din sa tiyan, liver, at ugat sa leeg
Ang mga sintomas ng cardiac murmur ay maaaring katulad ng mga iba pang sakit. Mag-book ng appointment sa doktor ng iyong anak para matignan kung ano ba ang diagnosis sa iyong anak.
Ang doktor o ang isang pediatric cardiologist ay maaaring ma-evalutate ang murmur kung itong normal lamang at hindi dapat ikabahal o kung mayroong problema sa kaniyang puso.
Kung mayroon mang natagpuan na hindi maganda sa kundisyon ng puso ng iyong anak, matutulungan ka ng pediatric cardiologist para magamot ito.
Mga tests para sa heart murmur
Kung ang doktor ng iyong anak ay nababahala patungkol sa heart murmur niya, ang ECG at isang chest x-ray ay maaaring ipagawa sa inyong anak para matignan ito.
Maaari ring irekomenda ng iyong doktor sa isang isang cardiologist para sa isang echocardiography.
Heart murmur sa baby: Lunas
Larawan mula sa Shutterstock
Ang innocent murmurs ay hindi na kailangan ng treatment o lunas. Sasabihin ng iyong pediatrician at ng pediatric cardiologist kung kailangan pa ba ng treatment para sa iyong anak na mayroong pathologic murmur.
Ang mga gamot, treatments, o operasyon ay maaaring gamitin para sa kundisyon na ito. Tandaan na ang treatment ay malalaman sa pamamagitan ng mga sintomas, edad, at kabuaang kaulusugan ng inyong anak. Ito rin ang matutukoy sa tindi ng kaniyang nararamdaman o nararanasan.
Iba-iba ang opsyon sa pag-gamot dito, depende ito sa severity ng problema. Ilan s amga ito ay ang mga sumusunod:
- Pag-obserba lagi sa senyales at sintomas na mayroon ang iyong anak
- Pag-inom ng mga gamot
- Non-surgical na treatment para sa pag-repair ng heart blood vessels
- Isang reconstructive surgery sa puso.
Ang mga gamot o medication at follow-up check ups, pati na ang mga referral sa pediatric cardiac surgeon ay maaaring i-require depende sa uri ng pathologic murmur ng baby.
Ang ang heart murmur ni baby ay sanhi ng isang problema, mawawala rin ito kapag ito’y nagamot na o na-treat na.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Pumunta sa doktor kung ang iyong anak ay nakakaranas ng mga ganitong sintomas ng heart disease, ito ay ang mga sumusunod:
- Problema sa pagpapadede o pagpapakain
- Hindi nadadagdagan ang timbang
- Nahihirapan huminga
- Faintness
- Rapid breathing o blue lips
- Mayroong discoloration sa legs at paa, partikular kung nagiging blue ito
- Pagkahimatay
- Pagod at hirap sa paggagawa ng physical activies
- Pananakit ng dibdib
Para ma-rule out ang mga iba pang posibilidad na problema, ang iyong pediatric cardiologist ay gagawa ng isang masinsinang examination. Kung saan ang pag-test sa puso ng inyong anak katulad ng nabanggit kanina (ECG or echocardiography).
Sapagkat ang murmur ay maaaring sintomas ng structural heart disease, crucial ito para sa isang kumpletong examination.
Tandaan na ang malusog na baby, bata, o teenaagers ay kadalasang nagkakaroon ng cardiac murmurs. Majority dito ay hindi naman reflective sa isang heart problem, ito ay hindi mapanganib at mawawala rin ng kusa.
Kung nais mong basahin ang English version ng article na ito, i-click dito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!