Malapit na bang mag-solids si baby? Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa heavy metals sa baby food.
Mababasa sa artikulong ito?
- Heavy metals sa baby food – paano nangyayari?
- Masamang epekto ng heavy metals sa ating kalusugan
- Food safety tips para sa mga magulang
Ang pagiging magulang ay pagmamahal na may halong pag-aalala, lalo na kapag pinag-uusapan ang kalusugan ng iyong anak.
Pagdating ng 6 na buwan ng bata, nagkakaroon na ng mga panibagong katanungan ang mga magulang, patungkol sa mga pagkain.
Isa sa mga bagay na inaalala nila ay ang heavy metal sa pagkain ng kanilang anak. Totoo bang mayroon nito sa baby food?
Ating alamin ang mga scientific facts tungkol sa heavy metals sa baby food. Alamin din ang mga bagay na dapat mong tandaan pagdating sa nutrisyon at kalusugan ng iyong anak.
Paano napupunta ang heavy metals sa pagkain?
Heavy metals ang tawag sa mga particles na natural na nakikita sa lupa. Tinatawag ding trace elements, literal na mabigat ang “heavy metals.”
Mayroon silang mataas na atomic weight, at lumulubog sa tubig. Ilang halimbawa nito ay copper, zinc, magnesium, and iron, as well as arsenic, cadmium, and lead.
May paniniwalang ang mga metal nito ay nakarating sa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng mga lindol at pagputok ng bulkan. Saka ito nahahalo sa lupa at tubig, na siya namang nasisipsip ng mga pananim.
Larawan mula sa Unsplash
Ayon sa mga eksperto, mahirap iwasan o tanggalin ang heavy metals na ito sa ating pagkain.
“Metals – both beneficial and harmful – are in many foods,” paliwanag ng U.S. Food & Drug Administration (FDA). Ang natural na pagkakaroon ng heavy metals sa lupa, tubig, at maging sa hangin ay kinikilala rin ng FDA.
Dagdag pa nila, ang mga metal na natatagpuan sa pagkain ay dumedepende sa ilang bagay. Gaya na lamang ng pagtubo ng pagkain, industrial, manufacturing, at agrikultural na proseso.
Ang ibang mga pananim tulad ng palay o bigas, ay natural na nagtataglay ng maliit na bahagi ng arsenic. Sapagkat tumutubo sila maging sa baha, at nakaka-absorb ng mas maraming elements (natural, inilalagay o pareho) na natatagpuan sa tubig.
Minsan, ang essential trace elements gaya ng iron ay idinadagdag sa mga pagkain ng manufacture. Halimbawa, sa cereal at ibang klase ng tinapay. Hindi na bago ang prosesong ito kung saan napo-fortify nila ang pagkain ng mga mahahalagang nutrients.
Ilan pang halimbawa nito ay ang orange juice na nilalagyan ng vitamin D, at mga gatas gaya ng soy milk at almond milk na nilalagyan ng calcium.
Epekto ng heavy metals sa ating kalusugan
Larawan mula sa Unsplash
Ayon sa FDA, ang epekto ng heavy metals sa ating kalusugan ay nakadepende rin sa dami ng napupunta sa ating katawan, ang uri at property ng metal, at ang edad at developmental stage ng tao.
Mga mga metal na kailangan ng ating katawan para mapanatili ang ating kalusugan. Ganoon din para naman sa mga bata, para makatulong sa kanilang paglaki.
Halimbawa, ayon sa isang pag-aaral,ang tamang dami ng iron ay kailangan para sa brain development, na may kinalaman sa pag-iisip at pag-intindi ng mga bata.
Kailangan din ng magnesium para sa tamang energy production at kalusugan ng ating puso, habang ang potassium naman ay kailangan para sa ating nerves at muscles, para na rin sa tamang pagdaloy ng nutrients sa ating katawan, at maayos na paglabas ng mga dumi sa ating cells.
Samantala, ang mga metal gaya ng cadmium at arsenic ay walang idinudulot na benepisyo sa ating kalusugan. Maaari pa itong makasama kapag marami o malaking halaga ang napunta sa katawan.
BASAHIN:
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng “Organic baby food”
Starting solids? Try these 7 baby cereal brands in the Philippines
Epekto ng matamis na pagkain sa bata, nakakasama nga ba?
Heavy metals sa baby food: mga facts na dapat tandaan
Larawan mula sa iStock
Maaring nabahala ka dahil sa balitang mayroong heavy metals sa mga baby food na nabibili sa mga supermarket. Marahil ay marami ka ring katanungan tungkol dito.
Narito ang ilang facts o mga datos na makakatulong para mas maintindihan mo ito:
Anong uri ng metals na nasa baby food?
Karamihan sa mga commercially produced baby food ay naglalaman ng mga metal gaya ng iron, magnesium at potassium, sa halagang aprubado ng FDA at makakabuti sa kalusugan ng iyong anak. Tandaan: dapat nakalista ang mga ito sa packaging, maging ang dami ng nakapaloob sa isang pack o bote.
Makakasama ba sa aking anak ang heavy metals sa baby food?
Lahat ng sobra ay nakasasama. Kaya lahat ng klase ng heavy metal, maging ang mga nakakabuti sa kalusugan, ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa ating katawan. Lalo na kapag masyadong marami ang halagang nakonsumo.
Ang magandang balita ay karamihan sa mga baby food na nabibili sa market ay mayroon lamang low levels ng heavy metal. Karamihan sa mga kompanyang ito ay mayroong mahigpit na quality and safety control measures na binabantayan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Kaya hangga’t pinapakain mo rin ang iyong baby ng mga masusustansyang pagkain, wala kang dapat ikabahala.
Nakakabuti ba ang organic baby food?
Larawan mula sa iStock
Gaya ng nabanggit sa itaas, karamihan ng pagkain – maging ang organic baby food, ay maaring maglaman ng heavy metals.
Tandaan, ang heavy metals ay natatagpuan sa lupa at tubig. Kaya maaari itong makarating sa mga pananim, maging ang mga organic. Kung ganoon, maaring magkaroon ng parehong dami ng heavy metals ang mga organic baby food at non-organic food.
Maiiwasan ko ba ang heavy metals kung ako mismo ang gagawa ng pagkain ni baby?
Sa kasamaang palad, hindi. Gaya uli ng nabanggit, ang heavy metals ay nasa ibabaw ng lupa at maging sa tubig, at naa-absorb ng lahat ng uri ng pananim.
Gayundin, ang mga baby food na nabibili mo ay isinusuri ng maigi sa ilalim ng iba-ibang monitoring organizations. Mahirap gawin ito sa bawat gulay o prutas na gagamitin mo sa paggawa ng pagkain ni baby.
Bagama’t hindi mo makokontrol ang pagkakaroon ng heavy metals sa homemade baby food. Mayroon ka namang mga puwedeng gawin para masigurong masustansiya at ligtas ang gagawin mong pagkain para kay baby.
Food safety tips na dapat tandaan ng mga magulang
Larawan mula sa Freepik
Wala namang dahilan para magpanic at mabahala ang mga magulang sa presensya ng heavy metals sa baby food.
Tandaan lang ang mga tips na ito para masigurong ligtas at masustansya ang kinakain ng iyong anak. Ginawa mo man ang baby food niya o binili lang:
- Siguruhing mayroong balanced diet ang iyong anak, kapag nagsimula na silang kumain ng solid food. Bigyan sila ng mga prutas at gulay, mga karne at isda, at mga grains o kanin. Para makuha ang sapat na nutrisyon na makakatulong sa kanilang paglaki.
- I-rotate o umikot sa mga uri ng pagkaing ibibigay kay baby. Makakatulong ito para mabawasan ang pagkonsumo ng heavy metals at masigurong makukuha ng iyong anak ang lahat ng key nutrients mula sa pagkain.
- Bagamat makakabuti para sa bata ang rice cereal na may iron, huwag parating ito ang ipakain kay baby. Subukan rin ang ibang cereals gaya ng barley, oats o halu-halo ng mga grains. Makakatulong ito para maiwasan ang overconsumption ng heavy metals na maaring mangyari kapag laging rice cereal ang kinakain ng bata.
- Ang isda ay mayaman sa mga nutrients gaya ng Omega-3-fatty-acids and protein, na mahalaga sa malusog na brain development ni baby. Subalit ang malalaking isda gaya ng swordfish at pating ay mayroong matataas na level ng mercury, na nakakasama sa ating kalusugan. Iwasan ang mga pagkaing ito kung maari. Pero hindi naman kailangang mabahala kung nakakain ang anak mo ng mga isdang nabanggit, dahil ayon sa Singapore Food Agency, bihira namang mangyari ang severe food poisoning dahil sa pagkain ng mga isdang ito.
- Panghuli, huwag mahiyang kumonsulta sa isang medical professional kapag mayroon kang katanungan o alinlangan tungkol sa pagkain ng iyong anak, at anumang bagay na may kinalaman sa kaniyang nutrisyon at kalusugan.
Isinalin sa Filipino ni Camille Eusebio
Basahin ang English version nito, DITO!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!