May pakiramdam na hindi compatible kayong mag-asawa? Dapat lang na basahin mo ang artikulong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Signs na hindi kayo compatible mag-asawa.
- Ano ang dapat gawin para mag-work parin ang relasyon ninyo kahit na incompatible kayo.
Paano masasabing hindi compatible kayong magka-partner o mag-asawa?
Ayon kay Daniel S. Lobel, isang clinical psychologist, lahat ng mag-asawa o mag-partner ay nakakaranas ng iba’t ibang forms ng incompatibility.
Para naman kay Kim Chronister, isa ring clinical psychologist, ang pagiging compatible ng isang tao ay hindi lang basta nasusukat sa mga activities o hobbies na gusto nilang gawin. O kaya sa pagkakaiba nila ng ugali o personality.
Sa kaniyang opinion, ang pagiging compatible ng dalawang tao ay nakadepende sa kung paano nila gustong tratuhin ang isa’t isa. Paliwanag niya,
“Compatibility, in my clinical opinion, has a lot to do with how each partner would like to be treated. Many times people think that compatibility has to do with preferred activities or personalities. We often see partners with very different personalities and very different hobbies being quite compatible.”
Base sa isang artikulong isinulat ni Carolyn Steber sa Bustle.com ay narito ang 11 patandaan o signs na hindi kayo compatible ng partner o asawa mo.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Signs na hindi kayo compatible ng asawa o partner mo
- Hindi ninyo alam kung paano makipagtalo sa isa’t isa. Imbis na i-discuss ang hindi ninyo pagkakaintindihan ay iniisip ninyo na hindi worth ng inyong time na makinig sa sasabihin ng bawat isa.
- Hindi pumapanig sa ‘yo ang partner o asawa mo at lagi ka niyang kinokontra.
- Pareho kayong mainitin ang ulo at ma-pride. Walang gustong magpakakumbaba sa inyong dalawa.
- Magkaiba kayo ng ideya ng madumi o malinis. Halimbawa, para sa iyong partner ay ayos lang na tambak ang plato na hugasan na para sa ‘yo ay napakaduming tingnan.
- Magkaiba ang level ng sense of humor ninyo. Kung para sa ‘yo ay nakakatuwa ang biro mo, para sa kaniya ay walang sense o nakakainis na pakinggan ito.
- Pagdating sa usaping pera ay hindi kayo magkasundo. Kung para sa iyo’y mahalaga ang mag-save para sa future, ang motto niya nama’y you only live once. Kaya dapat itodo niya na’t gawin o bilhin na lahat ng gusto niya.
- May isa sa inyong may isyu sa punctuality o laging late sa mga lakad o event na pupuntahan ninyo. Kung para sa ‘yo ay nakakahiyang ma-late at may masasabi ang ibang tao. Siya’y walang pakialam dahil para sa kaniya wala namang pinagkaiba ang dumating ng maaga sa late na.
- Nakakaramdam ka ng insecurity sa inyong pagsasama o feeling mo ay may kulang o nawawala.
- Magkaiba kayo ng hilig sa pagkain. Mahilig siya sa mga exotic foods habang ikaw ay maselan o picky eater.
- Hindi mo masabi ang nararamdaman mo sa kaniya. Dahil natatakot kang ma-judge o iba ang iniisip niya.
- Siya ay full of fun at adventure. Habang ikaw ay kontento na sa bahay lang, nanonood ng TV at nagpapahinga.
- Magkaiba ang sex drive ninyo. Siya ay very active. Habang ikaw ay kontento lang kahit once a week o month lang ang sexy time ninyo.
BASAHIN:
Take this relationship compatibility test to see how compatible you are
Epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa isang relasyon
5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama
Ano ang dapat gawin para mag-work pa rin ang relasyon ninyo kahit hindi kayo compatible ng asawa o partner mo?
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Mula sa mga nasabing palatandaan, masasabi mo bang hindi kayo compatible ng asawa mo? Kung oo ay huwag mag-alala, hindi naman agad hiwalayan ang dapat puntahan ng pagsasama ninyo.
Sapagkat ayon sa clinical psychologist na si Lobel ay may maari kayong gawin para mag-work parin ang relasyon ninyo. Ito ay ang mga sumusunod:
Pag-usapan ninyo ang problema.
Ika nga ng kasabihan lahat ay nadadala sa maayos na usapan. Mahalagang mag-usap muna kayo para mapunto ninyo ang problema at marinig ang saloobin ng isa’t isa.
Sa ganitong paraan ay maiintindihan ninyo ang isa’t isa at maaari kayong makaisip ng solusyon na kung saan maaari kayong magkasundo.
Mag-adjust sa isa’t isa.
Ayon kay Lobel, mahalaga rin na matuto kayong mag-adjust sa isa’t isa. Halimbawa, kung ayaw mong nale-late sa mga event na pupuntahan ay puwede kayong maghiwalay ng gagamiting sasakyan.
O kaya naman mas mainam na tanungin ang iyong partner kung paano mo siya matutulungan na hindi na ma-late pa. Maaaring kaya pala nalelate siya ay dahil masyado kang matagal sa banyo at laging konting oras nalang ang natitira para sa kaniya. Bilang solusyon ay puwedeng kayong magpalit, hayaan mo siyang mauna sa paliligo na.
Kung para sa ‘yo naman ay hindi nakakatuwa ang biro ng asawa mo ay ipaalam nito sa kaniya. Sapagkat mataas ang tiyansang hindi niya alam na nao-offend ka pala sa mga biro niya.
Magtulungan, pahalagahan at respetuhin ang bawat isa.
Bilang mag-asawa o mag-partner ay dapat isa kayong team na handang tulungan ang bawat isa. Magagawa ninyo ito kung handa kayong magsalita at makinig.
Sapagkat ito lang ang tanging paraan para malaman ninyo ang problema at ano ang solusyon na maari ninyong gawin para hindi masira ang inyong pagsasama at ito ay tumagal pa.
Higit sa lahat magkaiba man kayo ng paniniwala ay dapat ninyong respetuhin ang isa’t isa. Sa ganitong paraan ay maiiwasang magkasakitan kayo ng loob at mas madali kayong makakapag-adjust sa inyong pagkakaiba.
Photo by Emma Bauso from Pexels
Sources:
Psychology Today, Bustle
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!