Narito ang mga sitwasyon kung saan makakabuti ang hindi kinukunsinti ang bata o nagsasabi ka ng “NO” sa mga request ng anak mo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kailan ang mga sitwasyon na tama ang magsabi ng salitang “NO” sa iyong anak.
- Bakit makakabuti ang hindi kinukunsinti ang bata.
Epekto ng pagsasabi ng salitang “NO” sa iyong anak
Nauna ng sinabi ng mga eksperto na ang madalas na pagsasabi ng salitang “NO” ay may negatibong epekto sa paglaki ng isang bata.
Dahil sa madalas na pagsasabi nito sa isang bata ay nalilimitahan ang kaniyang pag-iisip. Siya ay nagkakaroon ng shut down. Dahil ang mga initiatives niya ay nahaharang o agad na natitigilan na.
Pero ayon sa clinical psychologist na si Eileen Kennedy-Moore, may mga pagkakataon na kung saan ang pagsasabi ng “NO” sa isang bata ay makakabuti para sa kaniya.
Sapagkat sa ito ay nakakatulong para magkaroon sila ng boundaries na mahalaga sa kanilang development. Isang paraan din ito na masanay na hindi kinukunsinti ang bata.
Pati na para matuto siya ng mga mabuting asal at maihanda siya sa totoong buhay na kaniyang gagalawan kapag siya ay matanda na.
Ang mga pagkakataon o sitwasyon na kung saan makakabuti ang hindi kinukunsinti ang bata o nagsasabi ka ng “NO” na sa anak mo ay ang sumusunod.
Mga sitwasyon na kung saan makakabuti ang pagsasabi ng “NO” o hindi kinukunsinti ang bata
1. Kapag siya ay nakasira ng bagay o nakasakit ng kaniyang kapwa.
Photo by yang miao on Unsplash
Ayos lang na magsabi ng salitang “No” sa iyong anak kung ang bagay na kaniyang gagawin ay makakasakit sa kaniya o sa kaniyang kapwa.
Dahil sa kaniyang edad ay hindi pa niya alam ang mga consequences ng kaniyang ginagawa. Kaya naman makakatulong kung gagabayan mo siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga limitasyon sa kaniyang mga ginagawa.
Halimbawa magsabi ng “No” kung ang iyong anak ay nakakasakit na sa kapatid niya.
“No! Tigilan mo yang paglalaro ng bato kasi baka matamaan mo ang kapatid mo. Kapag mangyari iyon maaring mabukulan ang ulo niya o magdugo.”
2. Kapag may inuutos siya sa iyo na kaya niya namang gawin.
Kailangan ng iyong anak na matutong maging responsible at independent. Kaya naman kung may mga request siya o inuutos sayo na kaya niya namang gawin ay magsabi ng “No” at hayaang siyang gawin ito. Para ito ay mas matutunan niyang gawin at makasanayan na.
3. Mag-no sa mga “wants” ng iyong anak at yes sa mga “needs” niya.
Ang mga bata maraming gustong ipabili. Bagama’t nais mong mapagbigyan ang lahat ng request ng iyong anak, may mga pagkakataon na mabuting hindian ito.
Partikular na kung ang gusto niya naman ay hindi importante o lubos na kinakailangan. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng bagong laruan kahit na ba marami pa siya ng mga ito.
Pero hindi ka lang dapat basta-basta nagsasabi ng “no” sa mga request ng anak mo. Kailangan ay i-acknowledge mo na narinig mo ang request niya.
Saka ipaliwanag sa kaniya kung bakit hindi mo ito mapagbibigyan. Sa ganitong paraan ay matuto siya sa kung paano i-handle ang disappointments. Maisaisip din niya na hindi lahat ng gusto niya ay basta-basta lang niyang makukuha.
BASAHIN:
4 parenting mistakes kung bakit hindi nagiging successful ang bata paglaki niya
10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang
STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak
4. Magsabi ng “No” kung may pagbabago sa mga planong inaasahan ng anak mo.
People photo created by karlyukav – www.freepik.com
Pagdating sa mga pagbabago sa plano o bagay na inaasahan na ng anak mo, makakaktulong din ang pagsasabi ng “No”. O ang pagsasabi na hindi matutuloy ang plano at hindi na mangyayari ang kaniyang inaasahan.
Pero dapat ito ay susundan ng paliwanag kung bakit o alternatibong paraan na maaari niyang pagpilian o gawin. Sa ganitong paraan ay natututo siya na maging mas mapasensiya at flexible sa mga bagay na maari niyang gawin.
Halimbawa: “Hindi tayo makakapunta sa park ngayon, dahil biglang umulan. Ituloy natin bukas kapag umaraw na. Kailan mo ba gustong pumunta sa park, sa hapon o umaga?”
5. Magsabi ng “No” kung may ibang taong mas nangangailangan ng pansin o oras ninyo.
Isang halimbawa nito ay kung biglang nagkasalit ang kaniyang lola at kailangang bantayan sa ospital. Ipaalam sa kaniya na hindi na muna matutuloy ang kung anumang usapan ninyo o event na pupuntahan.
Sapagkat sa pagkakataong ito ay mas kailangang bigyang pansin ang kaniyang lola. Sa pamamagitan nito ay natuto maging caring o maki-empathize sa iba ang anak mo. Isang step rin ito para maturuan siyang maging generous sa kaniyang kapwa.
6. Mag-“no” kung hindi tama ang ipinapakitang ugali ng anak mo.
Mahalaga na sa tuwing may hindi magandang ugali na ipinapakita ang isang bata ay agad na itong maitatama. Gaya nalang sa pangunguha ng mga gamit ng iba ng walang paalam.
Kung ito ay iyong nakikita ay agad na siyang patigilin at ipaliwanag sa kaniya na hindi ito tama. Ganoon din pagdating sa pagsisinungaling. Huwag siyang kunsintihin. Turuan siyang maging honest at respetuhin ang kaniyang kapwa.
7. Kapag gumagawa siya ng mga desisyon ng hindi nagsasabi sayo.
People photo created by freepik – www.freepik.com
Hangga’t ang iyong anak ay wala pa sa tamang edad, bawat hakbang niya ay makakabuting gabayan mo. Lalo na kung may mga desisyon siyang alam mong maaari niyang ikapahamak o makasama sa kaniya.
Tulad halimbawa sa pagdedesisyon niya at ng kaniyang mga kaibigan na bumayahe ng walang kasamang nakakatanda. Ipaintindi sa kaniya kung bakit hindi magandang ideya ito.
Saka siya bigyan ng opsyon o choice na fair at makakabuti sa inyong pareho. Sa ganitong paraan ay natuturuan mo ang iyong anak na maging open sayo at huwag magdalawang-isip na magsabi ng problema o bagay na sa isip niya ay gumugulo.
Bagamat napakadaling magsabi ng salitang “No” pagdating sa iyong anak ang bawat sambit mo nito ay dapat may kasunod na pagpapaliwanag.
Ito ay para maintindihan niya ang dahilan ng pagsasabi mo nito. Para naman sa susunod ay hindi mo na kailangan pang pagsabihan siya dahil sa ito ay naiintindihan at natutunan niya na.
Source: