Paano maging successful sa buhay ang iyong anak? Narito ang mga hindi at dapat mong gawin para ma-encourage at magabayan siyang magtagumpay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga madalas na pagkakamaling ginagawa ng magulang na nakakapigil sa success ng isang bata.
- Mga paraan kung paano mai-encourage ang isang bata na maging successful sa buhay.
Paano maging successful sa buhay ang iyong anak?
Siyempre tayong mga magulang ay ninanais na maging matagumpay o achiever ang ating anak kahit na sa bata pa lang nilang edad.
Masarap sa pakiramdam o very fulfilling na makita ang ating anak na magaling sa mga bagay na kaniyang ginagawa. Tulad na lamang sa pangunguna sa klase, pananalo ng mga kompetisyon o kaya naman ay ang pagpapakita niya ng isang napakahusay na talento.
Dahil sa pamamagitan ng mga ito, nabibigyan tayo ng kapanatagan na maaaring maging successful siya sa buhay paglaki niya. O kaya naman, siya ay may mararating at may maliwanag na bukas na naghihintay sa kaniya.
Ang resulta? Marami sa atin ang imbis na gumagawa ng mga paraan para sa ikabubuti ng ating anak ay nagiging dahilan pa para hindi ito maisakatuparan.
Larawan mula sa School photo created by pressfoto – www.freepik.com
Ayon sa child psychologist na si Laura Markham, may mga mistake o pagkakamali tayong ginagawa na inaakala nating makakatulong o makakabuti sa ating anak.
Inaakala nating sa pamamagitan ng mga ito ay nagagabayan natin siya para magtagumpay. Pero sa katotohanan ay HINDI, at sa halip ay nagiging rason pa para hindi niya makamit ang iyong pinapangarap na success para sa kaniya.
Ang mga parenting mistakes na tinutukoy ni Markham ay ang mga sumusunod. Kalakip ang mga dapat gawin kung paano maging successful sa buhay ang iyong anak.
Mga parenting mistakes na iyong ginagawa na nakahahadlang na maging successful ang iyong anak
1. Pag-criticize sa ginagawa niya.
Para sa ating mga adults, ang kritisismo na ating natatanggap ay ginagamit nating inspirasyon para maibigay pa ang ating best sa isang bagay.
Pero pagdating sa mga bata, ang kritisismo ay hindi driving force o magtutulak sa kanila sa tagumpay. Bagkus isang paraan para maitulak mo palayo ang loob ng anak mula sa iyo at sumuway sa mga nais o gusto mong ipagawa sa kaniya.
Payo ni Markham, imbis na i-criticize ang iyong anak ay suportahan siya. Hayaan siyang gawin ang mga bagay sa phase o paraan niya.
Basta’t huwag ka lang mawawala sa kaniyang tabi para siya ay maalalayan at magabayan. Higit sa lahat, i-encourage siyang walang imposible at lahat ng gusto niya ay kaya niyang abutin.
2. Tinatakot mo ang iyong anak.
Larawan mula sa Background photo created by fwstudio – www.freepik.com
“Kapag hindi mo nagawa ng tama yan, hindi ka makakanood ng TV!”
“Hindi ka sasama sa mall, kung hindi mo matatapos ang home works mo.”
“Hindi ka makakagamit ng cellphone, kapag hindi mo naisulat ng tama ang pangalan mo.”
Ito ba ang madalas na parusang ipinanakot mo sa iyong anak sa oras na hindi niya magawa ang isang activity o gawain ng tama? Ang mga threats na ito ay hindi makakatulong na maging matagumpay siya.
Sapagkat imbis na i-encourage siya ay tinuturuan mo ang iyong anak na matakot na magkamali. Tulad ng pag-criticize sa kaniya ay nilalayo mo rin mula sa ‘yo ang loob niya.
Ang mabuting gawin ay i-strengthen at gawin pang mas sweet ang koneksyon ninyo ng iyong anak. Hangga’t maaari ay kausapin siya ng mahinahon o manatiling kalmado sa pagbibigay ng instructions sa kaniya.
Sapagkat sa ganitong pamamaraan, mas magiging panatag at magaan ang loob ng iyong anong sa iyo. Ang resulta susunod siya sa mga sinasabi mo.
BASAHIN:
Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak
10 parenting mistakes na nakakaapekto sa mental health ng bata
7 bagay na ginagawa ng mga magulang na may successful na anak
3. Pagpaparusa sa kaniya sa oras na hindi niya nagawa ng tama ang isang bagay.
Larawan mula sa Girl photo created by jcomp – www.freepik.com
Kung ang pananakot na sinasabi mo sa iyong anak ay itinuloy mo at ginawang pagpaparusa sa kaniya, hindi mo lang dina-damage ang relasyon ninyong dalawa.
Sinisira mo rin ang confidence o pagtitiwala niya sa kaniyang sarili. Sapagkat sa pagtanggap ng parusa ay ipinahihiwatig mo sa kaniya na hindi siya good enough o magaling.
Ito ay nagbibigay sa kaniya ng frustration na maaaring maging daan pa para mas mawalan siya ng focus na abutin ang mga bagay na ninanais mo para sa kaniya.
Para mas maging effective ang pagtuturo sa iyong anak ay maging present sa kaniya. Halimbawa, sa paggawa ng mga homeworks niya ay manatili sa tabi niya.
Alalayan siya sa dapat niyang gawin. Kung paano niya magagawa ng tama ang isang bagay. Saka purihin siya sa oras na ito ay nagawa niya.
Sa ganitong paraan, ay hindi mo lang ipinapakita na ang bawat bagay na ginagawa ng tama ay may kapalit na recognition sa huli. Kung hindi, ipinaparamdam mo rin sa kaniya na lagi ka lang nakaalalay sa kaniya.
Kaya naman mas lalakas ang kaniyang loob na gawin pa ang kaniyang best para maabot ang inaasam at ninanais niya.
4. Masyado mong minamadali ang iyong anak.
Larawan mula sa Shutterstock
Oo nga’t masarap marinig na, “Wow, ang galing ng anak mo. Sa edad niyang iyan ay iyan na ang nagagawa niya!” Ang mga salitang ito at iba pang papuri sa iyong anak ay nagbibigay ng fulfilled feeling para sa iyo na isang magulang.
Pero hindi dapat ito maging pressure sa iyo at sa iyong anak na madaliin ang pag-abot niya sa mga bagay-bagay.
Sa pagkatuto o pagtuturo sa iyong anak ay kailangan mong dahan-dahanin o gawin itong step by step. Huwag masyadong taasan ang standards sa iyong anak.
Magsimula sa pinakamababa o sa mga bagay na alam niyang gawin. Suportahan siya rito at hayaan siyang mag-improve pa. Muli ay hayaan siyang matuto sa phase o paraan na gusto niya.
Hayaan siyang maintindihan ang bawat hakbang na kailangan niyang pagdaanan at gawin. Bigyan siya ng pagkakataon na magkamali at matuto sa mga ito.
Ipaintindi sa kaniya na ang tagumpay ay hindi nakukuha ng mabilis. Lahat ay nagsisimula sa mababa, pataas. Pero sa tulong ng disiplina, lahat ay kaniyang magagawa.
Sa bawat hakbang na kaniyang gagawin ay nariyan ka lang nakaalalay at nakasuporta. Handang samahan siya sa mga pagsubok at higit sa lahat sa pag-abot niya ng tagumpay.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!