X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Hindi magkaintindihan ng asawa? Subukan ang 3 tips na ito

5 min read

Wala namang mag-asawa na hindi nagtatalo. Marahil sa simula ay “sugar and spice” lang ang mayroon ang relasyon. Kalaunan, mag-iiba rin ito at papasok ang maraming pagtatalo. Syempre ay hindi naman “stagnant” lang ang mga bagay. Marami pang susulpot na factors na madalas ay mauuwi sa bangayan.

Kung napapansin mong dumadalas na hindi na kayo magkaintidihan ng iyong asawa, baka kailangan nang subukan ang 3 tips na ito!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Hindi magkaintindihan ng asawa mo? Subukan ang 3 tips na ito
  • Mga bagay na dapat ay ginagawa pa rin ng mag-asawa kahit matagal na

Hindi magkaintindihan ng asawa mo? Subukan ang 3 tips na ito

hindi magkaintindihan ng asawa mo

Larawan mula sa Shutterstock

Maraming bagay ang nauuwi sa hindi pagkakaunawaan dahil sa hindi pag-alam sa puno’t dulo nito. Madaling hinuhusgahan kaagad kasalukuyang kilos o nagawa nang walang pagbase saan ito nanggagaling. Kung walang pag-unawa, ang tanging emosyon na matitira ay galit, pagkadismaya at inis.

Mas marami nalalaman sa iyong partner ay mas madaling maintindihan ang kanyang mga kinikilos. Kung nahihirapan ka sa aspetong ito, subukan ang 3 tips na ito kung hindi magkaintindihan ng asawa mo. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Alamin ang kanyang past life

Ang version ng iyong partner ngayon sa present life ay bunga ng mga kaganapan niya sa past life. Maraming pangyayari noon na nakaapekto sa kilos at gawi niya sa kasalukuyan. Siya ay pinagtagpi-tagping version ng kung sino siya magmula nang nasa poder pa lamang siya ng kanyang pamilya.

Kaya naman para tuluyan siyang maunawaan ay dapat may alam ka rin sa buhay niya bago pa man kayo maging magkarelasyon. Ang ilan sa mga ito ay maaaring ang mga sumusunod:

  • Pakikitungo ng mga magulang sa kanya kung galit
  • Pakikitungo ng mga magulang sa kanya kung naglalambing
  • Pagtanggap ng buong pamilya sa kanya
  • Paano siya dinidisiplina sa tuwing nakakagawa ng kamalian
  • Paano kinikilala sa tuwing may nakakamit na achivement
  • Nakaranas ba ng iba’t ibang pang-aabuso (pisikal, emosyonal, at sexual)
  • Alamin din ang iba pang negative factors na naranasan niya mula pagkabata hanggang sa adoslecence stage.

2. Pag-alam sa mga pangangailangan at gusto ng iyong asawa

Hindi natatapos sa ligawan ang suyuan at lambingan. Maaaring may nalaman ka ngang mga gusto at pangangailangan niya noon pero ito ay nagbabago.

Sa paglipas ng panahon pwede kasing mayroon na siyang ibang gustong gawin o kaya naman ay nadadagdagan naman. Dapat ay pana-panahon itong inaalam.

Ang pag-iwas sa effort na alamin ito kung minsan ay nauuwi sa kawalan ng gana. Papasok na rin diyan ang hindi pagkakaunawaan kaya mauuwi sa palagiang pag-aaway.

Sa mag-asawa, dapat ay pinananatili ang pakiramdam ng pagiging, “special.” Sa ganitong paraan kasi nababawasan ang tyansa na magkasawaan at ma-fall out of love.

Kaya naman dapat may constant na komunikasyon kayong mag-asawa na hindi lamang patungkol sa inyong pamilya. Gayundin sa inyong relasyon.

Laging magkaroon ng quality time na magkasama at magkwentuhan. Sa ganitong paraan malalaman ninyong dalawa ang mga goals o panibagong goals niyo. 

hindi magkaintindihan ng asawa mo

Larawan mula sa Shutterstock

3. Iwasang maging manipulative at controlling

Tandaan na magkaibang tao pa rin kayo ng iyong partner. Hindi dapat binibigyan ang partner ng expectation na kikilos siya kung paano ka rin kikilos.

Parehong kayong may magkaibang pag-iisip at desisyon. Ang pagpilit na gawin niya ang mga gusto mong mangyari ay maituturing na manipulative at controlling sa isang relasyon.

Ang dalawang ito ay mga bagay na nakakasakal sa isang relasyon. Kumbaga ay kinukulong mo siya sa mga ideya at paniniwala na wala siyang laya mag-isip.

Maaari pa rin namang maunawaan ang iyong parte nang hindi nagiging control freak. Humanap ng paraan upang magsalubong kayo sa gitna ng pareho ninyong gustong mangyari.

Sa ganitong paraan, pareho kayong pinakinggan at kinonsider sa relasyon.

BASAHIN:

4 na paraan para magkaroon ng “healthy fights” na nagpapatibay ng relasyon ng mag-asawa

7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa

8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto

Mga bagay na dapat ay ginagawa pa rin ng mag-asawa kahit matagal ng kasal

Nawawala ang init ng pag-iibigan sa tagal ng panahon nilang magkasama. Kaya marami ang nakakaranas na magkasawaan. Hindi naman kasi dapat sa simula lang ang time and effort.

hindi magkaintindihan ng asawa mo

Larawan mula sa Shutterstock

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Maganda kung ito ay consistent kahit pa ilang taon nang magkasama. Kung nahihirapang mag-isip kung ano ang dapat gawin kahit matagal na kayo, ito ang ilan:

  • Magplano ng mga date o eat out
  • Magkaroon ng time para sa inyong dalawa nang wala ang mga anak
  • Maging naughty pa rin pagdating sa usapin ng sex
  • Magbigay ng regalo sa isa’t isa kahit walang okasyon
  • Ipagdiwang ang anniversary
  • I-try ang iba pang spice for sex
  • Mag-explore pa ng mga intimate na bagay
  • Pakiligin ang isa’t isa sa paraan na alam mong ikatutuwa niya
  • Magbakasyon na dalawa lamang
  • Maging sweet sa mga salita
  • Huwag kalimutan ang endearment o tawagan

 

PsychologyToday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Hindi magkaintindihan ng asawa? Subukan ang 3 tips na ito
Share:
  • STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

    STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

  • STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

    STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.