Ilang linggo na ba simula noong huling sumipa si baby? Hindi na ba masyadong magalaw si baby at nababahala ka dahil dito? Ang pagbibilang ng sipa ni baby ay isang daily practice na tumutulong sa mga buntis na malaman ang regular patterns ng sanggol. Ngayong alam mo na ang kanyang normal na galaw, madalas ay inaabangan mo ito at kapag hindi masyadong magalaw si baby ay kinakabahan ka na.
Narito ang ilang mga pagkakataon na dapat kang mabahala dahil dito, para hindi ka na rin palaging kinakabahan, mommy. Una sa lahat, huwag kang mabahala kung mayroon kang nata-track na 10 movements kada oras.
Hindi masyadong magalaw si baby: Mga panahon na hindi mo kailangang mag-alala
Delayed na paggalaw
Ang ilang mga baby ay nagsisimulang gumalaw mula 16 weeks. Habang ang iba naman ay mayroong sariling timing at nagsisimula sa 24th week. Kung nagkakaroon ka naman ng regular check-ups at sa mga test ay nakikita na normal lang ang lahat kay baby, wala kang dapat ikabahala. Gayunpaman, banggitin sa iyong doktor kung pagkatapos ng 24th week ay wala ka pa ring nararamdaman na paggalaw.
Kung wala ka pang kinakain
Minsan ay inactive si baby dahil hindi ka pa kumakain o umiinom ng kahit ano. Kapag gutom si mommy, ang fetus ay wala ring makakakain. Ang madalas na payo ng doktor kapag hindi masyadong gumagalaw si baby ay kumain o uminom ng matamis. Mahalaga lang na healthy ang iyong kakainin o iinumin. Madalas ay pagkatapos ng 30 minutes ay mararamdaman mo na uli si baby.
Gayunpaman, siguraduhin na hindi ito madalas na nangyayari dahil dapat ay nakukuha ni baby ang sapat na nutrisyon sa iyong mga kinakain. Delikado ang nutritional deficiencies para kay baby kaya naman siguraduhin na kumakain ka ng tama. Kung na-consider na ang iyong pagbubuntis na high risk dahil sa kakulangan ng nutrisyon sa iyong katawan, dapat kang mabahala kung hindi masyadong magalaw si baby.
Reduced space sa sinapupunan
Habang lumalaki si baby sa iyong sinapupunan, asahan na magiging masikip sa iyong bahay-bata. Habang ang paggalaw ng iyong baby ay mas controlled o kaunti, hindi naman ibig sabihin nito na titigil siya sa paggalaw. Kaya naman mararamdaman mo na mayroong lang mga pagbabago sa kanyang paggalaw tulad ng pag-ikot o stretch, imbis na pagsipa o parang suntok. Ito ay maco-consider ng “kicks”.
I-monitor ang galaw ni baby nang maigi at bilangin ang kanyang kicks para mayroon kang masabi sa iyong doktor.
Stress
Ang iyong baby ay magkakaroon din ng mood swings at mapi-pick up niya rin minsan ang iyong emosyon. Ang stress levels ng isang buntis ay nakakaapekto talaga sa sanggol. Habang hindi naman maiiwasan ang ilang mga nakaka-stress na bagay, kailangan mag-ingat ng mommies at umiwas sa mga ito hanggang kaya. Kahit minsan ay hindi ito controlled ng tao, ang iyong baby ay magiging in sync sa iyong mood swings kaya naman minsan ay pati sila, mai-i-stress.
Tulog si baby
Isa pang rason kung bakit mayroong mga panahon na hindi gumagalaw si baby ay dahil mayroon din silang “down time”. Ito ay ang kanilang regular na sleep cycle na madalas ay tumatagal ng 20 minutes. Mas kakaunti ang kicks na iyong mararamdaman. Kaya naman, relax ka lang dahil baka nagpapahinga lang din si baby!
May mga sanggol naman na mas matagal matulog kahit na sa sinapupunan pa lang. Kaya naman masuwerte ka rin nga kung ganito dahil kahit ikaw ay mapapanatag na hindi makakaramdam ng mga pagsipa!
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
Basahin:
Normal bang sinisinok si baby sa loob ng tiyan ng buntis?