Naranasan mo na bang sabihan ng mga salitang “para kang bata” o “isip-bata ka pa rin” kahit na ang edad mo ay 30 na? Marahil tama sila sa sinabi nila dahil ayon sa mga eksperto, hindi pa adult na maituturing ang mga tao hanggang edad na 30.
Bakit hindi pa adult ang mga tao hanggang 30 taong gulang
Karaniwang itinuturing ng halos lahat ng bansa sa mundo ang edad na 18 bilang legal age dahil itinuturing bilang mature na may kakayahang mag-isip ng wasto at maging responsable sa kanyang desisyon ang mga tao sa edad na ito.
Ayon sa mga siyentipiko na nangasiwa sa pag-aaral, ang utak at nervous system ng mga adulto ay magkakaiba sa bawat isa. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang mga taong tumuntong sa legal age na 18 ay tuluy-tuloy pa ring nagdedevelop ang utak at nakakaapekto ang mga pagbabagong ito sa pag-uugali nila.
May malaking epekto ang patuloy na pag-develop ng utak ng tao kaya maituturing na vulnerable stage pa rin at hindi pa adult ang edad na 18 pagdating sa mga mental health disorders.
“What we’re really saying is that to have a definition of when you move from childhood to adulthood looks increasingly absurd,” sabi ni Professor Peter Jones ng Cambridge University.
“It’s a much more nuanced transition that takes place over three decades. I guess systems like the education system, the health system and the legal system make it convenient for themselves by having definitions,” dagdag niya.
Kaibahan ng pagiging adult sa edad at maturity ng utak
Maraming advantages na nakukuha ang isang tao sa pagtuntong niya ng legal age na 18. Maaari na siyang makabili ng alak at sigarilyo, makapag-apply ng trabaho, makakuha ng benefits mula sa gobyerno at makaboto sa eleksyon.
Kaakibat din nito ay ang pagturing sa iyo ng batas at mga tagapagpatupad nito bilang adulto at maaaring litisin sa korte gaya ng karamihan kapag napaharap sa isang krimen.
Sa kabila nito, naniniwala si Professor Jones na ang mga batikang hukom ay kinikilala ang pagkakaiba ng pag-iisip ng mga 18 taong gulang na nasasakdal sa mga 30 taong gulang na “halang ang bituka” na akusado sa isang krimen.
“I think the judicial system is adapting to what’s hiding in plain sight, that people don’t like (the idea of) a caterpillar turning into a butterfly,” aniya.
Dagdag niya: “There isn’t a childhood and then an adulthood. People are on a pathway, they’re on a trajectory.”
Mauunawaan sa pag-aaral na ito na hindi edad ang nagdedetermina ng pagiging adulto ng isang tao, bagkus ay ang pagkakaroon nito ng maturity ng pag-iisip at pag-uugali.
Ngayon ay mas naiintindihan na natin kung bakit may mga batang tila matanda na kung mag-isip at may mga matatandang isip-bata pa rin at hindi pa adult kung kumilos.
Source: BBC
Images: Shutterstock
BASAHIN: Pagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bata