X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bata

3 min read
Pagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bataPagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bata

Ating alamin kung paano naapektuhan ng behavior ng bata ang success nila sa buhay pati na rin ang pagkakaroon ng mataas na sahod pagtanda.

Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang behavior ng bata sa edad na 6 ay posibleng ma-predict kung magkano ang kikitain niya kapag siya ay tumanda. Ito ay dahil may kinalaman ang pag-uugali sa edad na ito, sa posibleng maging attitude niya paglaki.

Ating alamin ang iba pang detalye ng isinagawang pag-aaral na ito.

Behavior ng bata, paano nakakaapekto sa income?

Isinagawa ang pag-aaral sa mahigit 30 taon na ang nakalipas sa 920 na kabataan na mayroong edad na 6. Ang mga kabataan raw ay nahanap nila sa mga pinakamahirap na lugar sa Montreal, Canada. Pinag-aralan ng mga researcher ang ilang mga katangian, kabilang na ang inattention, hyperactivity, defiant behavior, aggression and prosociality o ang pakikipagkapwa.

Nang nasa edad 35-36 na ang mga batang ito, sinilip naman ng mga researchers ang kanilang income base sa binabayaran nilang buwis. At dito, nalaman nila na malaki ang epekto ng ilang pag-uugali sa magiging income ng isang tao paglaki niya.

Nakita nilang malaki ang epekto ng inattention, o kawalan ng pagbibigay-pansin sa income nila. Mas mababa raw ng halos $17,000 ang kinikita kada taon ng mga batang inattentive, o nahihirapang magbigay pansin. Ang pagkakaroon rin ng defiant behavior, aggression, at hyperactivity ay mas mababa ang kinikita taon-taon.

Bukod dito, napag-alamam din nila na mas mataas ang kinikita ng mga batang nakikipagkapwa kumpara sa mga batang hindi ito ginagawa. Mas mataas raw ng $12,000 ang kanilang kinikita. Ibig sabihin, mayroong kinalaman ang mga pag-uugali ng mga bata sa magiging mga trabaho at kita nila kapag sila ay malaki na.

Ayon sa co-author ng pag-aaral na si Richard E. Tremblay, malaki raw ang epekto ng intervention habang maaga pa lamang. Nakakatulong raw ito upang maisaayos ang pag-uugali ng mga bata, na dadalhin nila hanggang sa pagtanda. Nakakababa rin daw ito ng drop-out rate sa high school, at nakakabawas sa posibilidad na maging kriminal ang isang tao.

Dagdag pa niya, may epekto raw talaga ang intervention sa mga mag-aaral ng elementary sa magiging income ng mga bata pagtanda nila.

Mahalaga ang pagtuturo ng positibong pag-uugali

Hindi maitatanggi na malaki ang epekto ng mga natututunan ng mga bata sa magiging ugali nila paglaki. Kung ano ang kanilang mga ugaling nakikita sa kanilang mga magulang, kamag-anak, at kaibigan, ay kanilang gagayahin at dadalhin pag tumanda na sila.

Kaya importante na bigyang-pansin ng mga magulang ang behavior ng bata. Ito ay upang hindi lang masiguradong magiging successful sila paglaki, ngunit upang lumaki silang mabuting mga tao.

Heto ang ilang mga tips upang magawa ito:

  • Turuan silang maging matulungin sa kapwa, at huwag maging makasarili
  • Ituro sa kanila ang halaga ng pakikipagkaibigan, at ang pagkakaroon ng pag-unawa sa kapwa
  • Ipakita sa kanila na mas mabuting maging mabait sa kapwa, kaysa sa saktan o abusuhin ang iba
  • Ilayo sila sa mga agresibong pag-uugali, at ang pisikal na komprontasyon
  • Busugin sila ng pagmamahal, at huwag silang saktan, sigawan, o kaya iparamdam na hindi sila sapat

 

 

Source: NY Times

Basahin: Making sure your child has high EQ can set them up for success!

Partner Stories
Foster your child’s curiosity with this simple at-home experiment
Foster your child’s curiosity with this simple at-home experiment
How to Raise an All-Around Kid While at Home, According to Toni Gonzaga
How to Raise an All-Around Kid While at Home, According to Toni Gonzaga
UNIQLO announces major evolution for AIRism innerwear for 2020
UNIQLO announces major evolution for AIRism innerwear for 2020
Marvin Agustin Shares How He Only Trusts Maxicare SME Healthcare Plans
Marvin Agustin Shares How He Only Trusts Maxicare SME Healthcare Plans

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Pagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bata
Share:
  • Paano mo malalaman kung mataas ang IQ ng iyong anak?

    Paano mo malalaman kung mataas ang IQ ng iyong anak?

  • 5 hindi magandang ugali ng bata at ang mga dapat gawin upang ito ay maitama

    5 hindi magandang ugali ng bata at ang mga dapat gawin upang ito ay maitama

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • Paano mo malalaman kung mataas ang IQ ng iyong anak?

    Paano mo malalaman kung mataas ang IQ ng iyong anak?

  • 5 hindi magandang ugali ng bata at ang mga dapat gawin upang ito ay maitama

    5 hindi magandang ugali ng bata at ang mga dapat gawin upang ito ay maitama

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.