Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon

Nararamdaman mo bang nawawala na ang pagmamahal ng asawa mo? Basahin kung bakit ito nangyayari at paano niyo ito masusolusyonan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Feeling mo ba ay hindi pantay ang pagmamahal ng asawa mo sa ‘yo at parang kulang siya sa effort sa inyong relasyon? 

Halos lahat ng mga may kasintahan o asawa ay pamilyar na ata sa isang napakalaking hugot na ito tungkol sa mga relasyon, ang “Sa simula lang yan!”.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Importansya ng pagpapahalaga sa iyong partner o asawa
  • Mga senyales na ikaw ay unappreciated sa iyong relasyon
  • Dapat gawin kung ikaw ay nakakaramdam na hindi pantay ang pagmamahal ng asawa mo

Minsan, ang mga nagbibitaw ng nasabing hugot, nasasabihan na “bitter” daw pagdating sa mga relasyon. Ngunit kung iisipin, mayroon talagang mga panahon kung saan nawawala o nababawasan ang tindi ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang tao sa kaniyang partner o asawa.

Kayo ng iyong partner? Kamusta nga ba kayo?

Marami mang gumugulo sa iyong isipan, tandaan na ang mga problema o di pagkakaunawaan sa isang relasyon ay maaaring madaan sa isang maayos na pag-uusap at kompromiso.

Basahin ang mga sumusunod para malaman kung paano aayusin ang pakiramdam na hindi pantay ang pagmamahal ng asawa mo.

Bakit kailangang ipakita ang pagpapahalaga sa iyong asawa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Ipinaliwanag ni Sara Algoe, isang Ph.D. researcher mula sa University of North Carolina, ang sagot dito sa pamamagitan ng find-remind-and-bind theory of gratitude.

Sinasabi ng teoryang ito na ang pagpapakita ng pagpapahalaga or appreciation sa isang tao ay magreresulta sa tatlong bagay.

  1. Ikaw ay makakahanap ng bagong relasyon (find). Kung maaalala, sa paraang ito mo nakuha ang iyong asawa o kasalukuyang partner.
  2. Ito ang magpapaalala sa iyo sa relasyon na mayroon ka (remind).
  3. Ang pagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat sa iyong partner ang magpapatatag ng iyong relasyon sa iyong asawa (bind).

Ang teorya ng Find-Remind-and-Bind ni Algoe ay nagsasabi na ang pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga ay nakakatulong sa iyong asawa na madama na siya ay mahalaga, minamahal, at pinahahalagahan.

Katulad ng bawat lalaki o babae sa isang relasyon, ang nakakapagpasaya sa atin ay maramdaman na tayo ay espesyal pa rin sa mata at damdamin ng ating partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit paano kung ikaw mismo ang nakakaramdam ng hindi pantay na pagmamahal ng asawa mo?

Kapag ikaw ay nasa isang relasyon, ang pakiramdam na hindi pinahahalagahan ay napakasakit.

Larawan mula sa Pexels

Minsan, mapapaisip ka kung mahal ka pa ba niya. O kaya naman kung tama bang gawing isyu ang nararamdaman mo. Kung ano man ang nararamdaman mo, ikaw ay may karapatang maramdaman at ilabas ito.

Dahil anumang negatibong damdamin o emosyon na iyong nararamdaman ay dahil sa isang sitwasyon sa iyong relasyon. At ito ay hindi mo dapat balewalain. Sa halip ay dapat pagtuunan ng pansin habang maaga pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Expectations in marriage: too many can be bad for your relationship

Fix these 7 communication mistakes if you want your marriage to improve

5 things you can do when you have an unsupportive husband

6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon

Kung ikaw man o ang asawa mo ay nakakaramdam na hindi pinapahalagahan ng isa, mabuti nang alam mo ang mga senyales para agad niyong mapagusapan ang problemang ito.

  1. Hindi humihingi ng iyong payo ang iyong asawa o partner kapag gumagawa ng importanteng desisyon. Ganun din sa mga plano nito, lakad man o proyekto.
  2. Nakakalimutan na ng asawa mong magsabi ng “Thank you” o “Salamat” para sa mga ginagawa mo para sa kaniya.
  3. Madalas mong maramdaman na ikaw ang mas gumagawa sa mga gawaing bahay. Ikaw rin ang nag-aasikaso sa halos lahat ng responsibilidad ninyo pareho.
  4. Bihira ka na kung tanungin kung kumusta ang araw mo o ano ang nangyari sayo sa buong araw. Minsan hindi din siya nagpapakita ng interes na marinig ang kwento mo.
  5. Naiinis ka kapag hindi naaalala ng partner mo ang mga espesyal na araw tulad ng birthdays o anniversaries. Lalo na kung mahalaga sa iyo ang mga okasyong ito.
  6. Minsan pakiramdam mo sinasadya niyang gawin ang mga bagay na ikagagalit mo. Pwede ding naging malamig pakikitungo niya sayo.

Kung napapansin mo ang ilan sa mga senyales sa itaas, maaari ngang ikaw ay nakakaramdam ng hindi pantay ang pagmamahal ng asawa mo sa iyo.

Ano ang dapat gawin para makabawi sa asawang nakakaramdam ng unappreciation?

Katulad ng nasabi kanina, hindi sa lahat ng problema ay paghihiwalay o pag-aaway na ang solusyon.

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano makakabawi sa iyong asawa o partner.

Natural lang na maging defensive kapag sinabi sa iyo ng asawa mo na nasaktan mo sila. Ang maaari mong gawin upang matulungan ang iyong kasintahan na bumuti ang pakiramdam ay ang kilalanin ang kanyang nararamdaman. Importante rin ang humingi ng tawad at siguraduhin na babawi ka sa naging pagkukulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

  1. Pwede mong sabihin na, “Narinig kita, sorry, hindi ko sinasadya na iparamdam sayong hindi kita pinahahalagahan. Babawi ako para masigurong hindi na ito mauulit muli.”
  2. Palagi ring magthank you sa lahat ng mga ginagawa niya para sayo. Mula sa pinakamaliliit na bagay hanggang sa mga pinakama-effort na bagay. Kunwari, sa pagluto ng ulam at kanin pagkauwi mo galing sa trabaho.
  3. Ipakita mo na napapansin mo ang bawat bagay na kaniyang ginagawa para sayo. Halimbawa, sa simpleng paghanda niya ng kape para sa iyo sa umaga.
  4. Mabuting magpasalamat para sa mga tangible na bagay, pero pwede ka ring magpasalamat sa mga naitutulong niya sayo emotionally at mentally. Pwede mong sabihin kung paano nakakatulong ang pakikinig niya sa work rants mo sa pagtanggal ng stress na nararamdaman mo.

Higit sa lahat, panatilihin ang bukas at maayos na komunikasyon sa pagitan ninyong mag-asawa. Anumang hidwaan o di pagkakaintindihan ay maaayos ng mabuting pag-uusap. Ang mahalaga ay pareho niyong naipapaintindi sa bawat isa ang mga bagay na nagpapasaya o kaya naman ay nagpapalungkot sa inyo. Sa paraang to, mas madali at mas mabili na maaayos ang problema.

‘Wag hahayaang masira ang relasyon, ayusin ito agad hangga’t maaga pa. ‘Wag ring kalilimutang na ipadama sa asawa ang sapat na pagmamahal at pagpapahalaga, anuman ang panahon.

 

Source:

PsychologyToday, Regain, Bustle, Research Gate, Marriage

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Margaux Dolores