Hilig na ng mga nanay ang titigan ang kanilang mga anak lalo na kung bagong panganak pa lamang ito. Ngunit paano kung napansin mong hindi pantay na testicles ng baby boy mo?
Mababasa sa artikulong ito:
- Delikado ba ang hindi pantay na testicles ng baby?
- Epekto ng hindi paggamot sa hindi pantay na testicles ng baby
- Iba pang issue sa ari ng lalaki na kailangan bantayan ng magulang
Ang kondisyon na ito ay nangyayari talaga at kinakailangan ng medikal na tulong.
Sapagkat nakita sa pag-aaral na ang pagkakaroon ng “undescended tesiticles” sa mga lalaki ay isang kondisyon na maaaring maging malala sa kapag sila ay lumaki.
Pero bago ang lahat..
Hindi pantay na testicles ng baby: Delikado ba ito?
Ang undescended testes ay karaniwan lamang na kondisyon lalo na sa mga bagong silang na lalaki. Para naman sa mga nanay na mayroong anak na lalaki ay agad na mapapansin ang kondisyon na ito kapag ang isa o parehong testicles ng kanilang anak ay nawawala sa bahaging scrotum.
Ang kakaibang kondisyon na ito ay nangyayari kapag ang testicle ay hindi tumutubo sa labas. Sa halip, ito ay lumalaki muna sa abdomen habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa lamang. Habang ang “undescended testes” ay nangyayari kapag ang testicle ay hindi maayos na tumubo sa labas ng katawan. Ang kinakalabasan nito ay wala o mayroon lamang isang testicle ang baby.
Tinatayang nasa 50% ng mga lalaking sanggol ang kanilang testicles ay nalipat na sa kanilang scrotum. Tumataas ang risk ng pagkakaroon ng seryosong komplikasyon paglaki kapag hindi man lang nabago ang testicles ng ibang sanggol.
Ayon pa sa isang pag-aaral na isinagawa ng University of Sydney, nagbigay sila ng babala na ang pag-delay ng surgery sa mga sanggol na may ganitong kalagayan ay naglalagay lamang sa kanila sa seryosong komplikasyon kapag sila ay tumanda na.
BASAHIN:
Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina
Pananakit at impeksyon sa ari ng lalaki: Mahalagang kaalaman tungkol dito
Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas
Epekto ng hindi paggamot sa hindi pantay na testicles ng baby
Narito ang pag-aaral na pinangunahan ng University of Sydney tungkol sa “undescended testes” ng mga lalaki.
Pagkatapos inalisa ang 350,000 na lalaki mula 1970 hanggang 1999, nakadiskubre sila ng nakakagulat na resulta. Ang mga lalaking ito ay nakaranas ng “undescended testes”:
- Mayroong dalawa o kalahating tiyansa na magkaroon ng testicular cancer
- Bumaba ng 20% ang tiyansa na magkabuo ng baby
- Kinakailangan ng assistance kumpara sa ibang normal na counterpart
Hindi pantay na testicles ng baby, bakit nga ba ito nangyayari?
Para makagawa ng sperm, kinakailangang mas malamig ang testicles ng lalaki kumpara sa internal body temperature. Ito ang pangunahing rason kung bakit kailangan sila sa labas ng katawan.
Gayunpaman, ang mga lalaking may undescended testes, ang testicles nila ay nasa loob pa rin ng kanilang katawan. Teorya ng mga eksperto, dahil nga ang kanilang testicles ay nasa loob ng kanilang katawan, ang sperm cell nila ay maaaring magkaroon ng genetic irregularity at cell injury.
Sa paglipas ng panahon, naipon ng paunti-unti ang kondisyon na ito na siyang dahilan ng testicular cancer at issue sa infertility.
Kailan kailangang gamutin ang undescended testes ng baby?
Nirerekomenda sa mga surgeon ang pagsasagawa ng orchidopexy. Isang uri ng surgery sa mga 18-month-old baby. Dito nililipat ng mga doktor ang kailangang ilipat para ma-secure ang undescended testicle sa kanilang scrotum.
Subalit nalaman din ng mga doktor na hindi lahat ay maaaring sumailalim sa surgery na ito.
Ayon kay Professor Natasha Nassar, kasalukuyang senior author ng nasabing pag-aaral, “45 per cent of boys are still having surgery after 18 months of age. I think maybe one of the issues is that people aren’t looking for it, maybe not even opening up the nappy and just checking.”
May ibang doktor na mas gustong operahan ang mga sanggol na nas 6-month old. Isa na diyan si Professor Andrew Holland, isang pediatric surgeon.
Hindi pantay na testicles ng baby: Isang kondisyon na mahirap malaman
Sa katunayan, mahirap malaman na ang iyong anak ay may undescended testicle.
Ang mga sanggol ay kailangang bantayan para malaman kung may ganito ba silang kondisyon. Pag-amin ni Professor Holland, kinakailangan na marunong talagang tumingin ng kondisyon ang taong magbibigay ng diagnose rito.
Isa sa rason kung bakit ito mahirap ay dahil masyado pang maliit ang testes ng mga sanggol kumpara sa matanda.
“And I guess there might be some potential embarrassment on the behalf of the parent or the person examining that area that makes them less enthusiastic about examining that region,”
Minsan, may ibang dahilan kung bakit wala pang testicles ang mga bagong silang na sanggol. Kaya naman mahirap bigyan agad sila ng diagnosis para sa undescended testes.
Para naman sa mga nanay na dumaan sa premature birth, kailangan niyo rin itong bantayan. Ito ay dahil mataas din ang risk ng premature birth sa undescended testes.
Iba pang issue sa ari ng lalaki na kailangan bantayan ng magulang
1. Inguinal Hernia
Ito ay nangyayari kapag ang abdominal tissue (loop ng bituka) ay napunta sa open inguinal canal ng iyong baby. Isa sa pangunahing sintomas nito ay ang maliit at painless na umbok sa bahaging singit ni baby. Ang hernias na ito ay mas maaaring mangyari sa mga lalaki kumpara sa kababaihan.
Ano ang dapat gawin?
Para makaiwas sa inguinal hernia na kung ilarawan ay “a condition that occurs when a piece of intestinal content gets stuck in the canal and cuts off the blood supply to that portion of the intestine,” irerekomenda ng iyong doktor ang minor surgery sa kanilang inguinal canal.
Paano kapag tuluyan ng nabuo ang strangulated hernia? Makakaranas ang iyong anak ng matigas, namamaga at masakit na lump sa kaniyang singit. Kailangan ito ng agarang medikal na tulong.
2. Hydrocele
Ayon kay Dr Steven Tennenbaum, kasalukuyang New York-based paediatric urologist,
“When a boy’s inguinal canal fails to close, fluid from the abdomen can collect in the scrotal sac,”
Ito ay magdudulot ng pamamaga ng testicles ng iyong anak ngunit hindi naman masakit.
Ano ang dapat gawin?
Ang hydrocele ay maaaring mawala ng kusa. Subalit kung hindi man, kinakailangan ng iyong anak na sumailalim sa operasyon.
What a hydrocele looks like from the side. | Image source: stock photo
3. Urinary Tract Infection (UTI)
Maaaring magkaroon ng UTI ang iyong anak kapag hindi nalinis ng maayos ang kaniyang ari. Ito ay dahil sa bacteria na maaaring mamahay dito. Isa pang sintomas ng UTI sa bata ay mataas na lagnat.
Subalit minsan, mapapansin mo rin ang mabahong ihi nila. Kasama na ang pagkairita o pagsusuka ng baby. Kung napansin mong nakakaranas ng ganitong sintomas ang iyong anak, mabuting magpatingin agad sa doktor.
Ano ang dapat gawin?
Ang pag-inom ng antibiotics ang isa sa lunas sa UTI ayon sa mga doktor.
4. Penile Adhesion
Ito ay kadalasang nangyayari pagkatapos ng circumcision. Kapag pinutol ang body tissue, ang edge nito ay maaaring dumikit palibot sa pagkaputol. Ang foreskin ay maaaring dumikit sa glans o ulo ng ari ng lalaki.
Kung mangyari man ito, ang iyong ari ay tila hindi tinuli.
Ano ang dapat gawin?
Ang penile adhesion ay hindi masakit. Kusa rin itong gumagaling sa paglaki ng ari. Walang gamot na kailangan.
Gayunpaman, maaaring magbigay ng mild steroid cream ang doktor. Ayon kay Dr Victoria McEvoy na kasalukuyang assistant professor of paediatrics sa Harvard Medical School.
References: The University of Sydney, Sydney Morning Herald
If you want to read an english version of this, click here.
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano