X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Hindi raw dapat bigyan ng screen time ang babies, ayon sa WHO

3 min read

Ang screen time ng mga sanggol ay dapat hindi pinapahintulutan hanggang wala pa silang dalawang taong gulang. Ang paglimita naman ng screen time hanggang isang oras lamang bawat araw ay pinapayo sa mga 2 taong gulang hanggang 4 na taong gulang.

Ang payo na ito ng WHO ay tumutuon sa mga batang hinahayaan manood sa TV o computer screen at binibigyan ng tablet at mobile phones para maaliw. Nais ng WHO na tanggalin ang kawalang galaw ng mga bata, isa sa mga pinakamalaking sanhi ng pagkamatay at mga sakit na konektado sa pagiging sobrang taba. Ito ang unang beses na nagpapayo ang WHO tungkol sa pisikal na aktibidad, kawalang galaw na paguugali at pagtulog ng bata na wala pang 5 taong gulang.

Kasama sa babala ng WHO laban sa screen time, sinasabi rin nila na ang mga sanggol ay hindi dapat lumalagpas nang isang oras sa car seat, stroller o carrier.

Mga payo ng WHO

Para sa mga sanggol

  • Maging aktibo nang maraming beses sa isang araw, kasama na ang 30 minuto na nakadapa
  • Bawal ang screentime
  • 14 hanggang 17 na oras nang tulog para sa mga bagong panganak at 12 hanggang 16 na oras naman sa mga 4 hanggang 11 na buwan.
  • Hindi dapat naka-upo sa isang lugar nang lagpas isang oras

Para sa mga 1 hanggang 2 taong gulang

  • Hindi bababa nang 3 oras na pagiging aktibo sa isang araw
  • Walang screen time sa mga 1 taong gulang at hindi lalagpas nang isang oras na screen time para sa mga 2 taong gulang
  • Hindi dapat nakaupo sa isang lugar nang lagpas isang oras

Para sa mga 3 hanggang 4 na taong gulang

  • Hindi bababa nang 3 oras na pagiging aktibo sa isang araw, kung saan may isang aktibidad na talagang nakakapagod
  • Hanggang isang oras na screen time, mas maganda kung mas mababa
  • 10 hanggang 13 na oras nang tulog
  • Hindi dapat naka-upo sa isang lugar nang lagpas isang oras

Ayon sa mga eksperto

Sa US, pinapayo ng mga eksperto na huwag papagamitin ng gadgets ang mga bata bago mag 18 na buwan ang edad. Sa Canada, hindi inirerekomenda ang screen time sa mga bata bago mag 2 taong gulang.

Ngunit sa UK, hindi pinipigilan ang mga magulang na magbigay ng screentime sa mga bata. Ito ay dahil sa kakulangan ng ebidensya ng WHO. Sinasabi rin ng mga eksperto sa UK na hindi maiiwasan ang screen time lalo na kung may iba pang bata na masmatatanda sa pamamahay.

Ang magagawa ng mga magulang

Ayon sa Royal College of Paediatrics and Child Health, maaaring itanong ng mga magulang sa kanilang sarili ang mga sumusunod:

  • Kontrolado baa ng binibigay na screen time sa mga bata?
  • Nakakahadlang ba ito sa mga gustong gawin ng pamilya?
  • Naaapektuhan ba nito ang pagtulog ng mga bata?
  • Nako-kontrol ba ang pagkain ng bata habang nanonood o naglalaro?
  • Kung ang pamilya ay nasisiyahan sa mga sagot sa mga tanong na ito, masasabi na tama lamang ang kanilang ibinibigay na screen time sa mga bata.

 

Source: BBC

Basahin: Your kids don’t have a problem with screen time – YOU do!

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Hindi raw dapat bigyan ng screen time ang babies, ayon sa WHO
Share:
  • Paano nga ba nakakasama sa mga bata ang dalawang oras o higit pang screen time?

    Paano nga ba nakakasama sa mga bata ang dalawang oras o higit pang screen time?

  • Wag daw orasan ang screen time ng mga bata, ayon sa isang pag-aaral

    Wag daw orasan ang screen time ng mga bata, ayon sa isang pag-aaral

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Paano nga ba nakakasama sa mga bata ang dalawang oras o higit pang screen time?

    Paano nga ba nakakasama sa mga bata ang dalawang oras o higit pang screen time?

  • Wag daw orasan ang screen time ng mga bata, ayon sa isang pag-aaral

    Wag daw orasan ang screen time ng mga bata, ayon sa isang pag-aaral

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.