Ayon sa mga pinaka-bagong pagsisiyasat ng Department of Health o DOH, ang bilang ng mga may HIV sa Pilipinas ay mababa ngunit patuloy na tumataas.
Para sa unang dalawang buwan (January-February) ng taong 2019, 692 na kabataan ang naiulat na kaso ng HIV sa Pilipinas. Ang mga nasuri ay karamihan nasa edad 15 na taong gulang hanggang 24 na taong gulang.
Noong Pebrero lamang, 297 na bilang ng mga kabataan ang naiulat na may HIV.
Paano nga ba malalaman kung infected ka ng HIV?
Ang sintomas ng HIV ay maaaring maging iba sa bawat indibiduwal. Depende kasi ito sa stage na kinalalagyan ng pasyente.
May tatlong stages and HIV infection:
- Acute (early stage)
- Chronic
- AIDS
Hindi lahat ng sintomas ng HIV ay mararamdaman ng lahat ng may impeksiyon. Kapag hindi naagapan at nagamot kaagad, magiging masidhi ang paglala nito at tuluyang sisirain ang immune system.
Mga pangunahing sintomas ng HIV
Simula pa lang ng pagpasok ng virus na ito sa katawan at sistema, mararamdaman na ng pasyente ang lagnat at pananakit na parang maitutulad sa influenza. Karaniwang inaabot ng 2 hanggang 6 na linggo bago tuluyang makita ang sintomas ng impeksiyon. Pagkatapos nito, maaaring ni walang sintomas na makita pagkalipas pa ng ilang taon.
Sintomas ng acute HIV infection:
- mataas na lagnat
- chills o panginginig na parang giniginaw
- rashes sa katawan
- sore throat
- pagpapawis sa gabi, habang tulog
- pagkaramdam ng sobrang pagod (parang palagi na lang pagod)
- pananakit ng mga kasu-kasuan
- muscle pain
- swollen glands
- mouth ulcers
Hindi nangangahulugan na kapag may nakitang ilan sa mga sintomas na ito, ay kaagad nang may HIV, sinasabi ng Unicef na mas mainam na bigyan ng pansin ang mga sakit o kondisyon na ito, at ipatingin agad sa doktor.
Hindi rin sapat ang malaman ang mga sintomas, para lubusang matukoy kung may HIV nga ba ang isang tao. Ang tanging paraan para malaman ito ay ang magpa-test. Mahalagang matukoy ang aktuwal na kondisyon kung naghihinalang may HIV nga, upang maiwasan ang makahawa pa ng iba.
Tandaan na ang HIV ay nakukuha sa mga sumusunod:
- dugo, sa pamamagitan ng transfusion o exposure
- semilya, sa pakikipagtalik, kasama na ang pre-seminal fluid, vaginal fluids, at rectal fluids
- breast milk
Kung nagkaro’n ng anumang panganib dahil sa mga ito, at nakakaramdam ng ilang sintomas, marapat na magpatingin kaagad sa doktor. May mga anti-HIV drugs para maprotektahan ang sarili kung hindi pa lumalagpas sa 72 oras ang exposure. Ikunsulta ito sa doktor.
HIV testing sa Pilipinas
Para sa mga nais magpasuri, ito ang ilan sa mga maaaring puntahan sa Metro Manila para sa HIV Testing:
- PLHIV Response Center – https://www.facebook.com/PLHIVResponse/
- Caloocan Social Hygiene Clinic – A. Mabini St., Poblacion, Caloocan City
- Centralle Medical (Caloocan Branch) – GF First Amiji Mansion 6th Ave. Cor. M.H. Del Pilar St., Caloocan City
- Centralle Medical (Camarin Branch) – Unit 5-7 RDF Building, Old Zabarte Rd., Camarin, Novaliches, Quezon City
- Las Pinas City Social Hygiene Clinic – Barrio Hall; Alabang-Zapote Rd., Almansa
- Hi-Precision Diagnostics (Las Pinas Branch) – Lot 2 D1-3 Talos Dos, Las Piñas City
- Hi-Precision Diagnostics (Rockwell Branch) – The Powerplant Mall Concourse level No. 020-B Rockwell, Makati City
- Makati Medical Center – #2 Amorsolo St., Legaspi Village, Makati City
- Makati Social Hygiene Clinic – 7th Floor Makati City Hall, JP Rizal Street, Makati City
- Malabon City Social Hygiene Clinic – B-43 Maya-Maya St, Longos, Malabon City
- Love Yourself Anglo – Unit 5, 3rd Floor, Anglo Building, #715-A Shaw Boulevard, Mandaluyong City
- SHIP Clinic – Mandaluyong City
- Mandaluyong Social Hygiene Clinic – SHC 2 floor Zaniga HC; Lerma St., cor. Vicentio, Mandaluyong City
- Health Cube Medical Clinics (Shaw Branch) – 241 Shaw Blvd, Mandaluyong City
- Positibong Marino Philippines Inc. – 4th floor, Cabildo St. AMOSUP Seamen’s Center, Intramuros, Manila
- Juan R. Sanchez Health Center – P. Rosales Street, Pateros
- STD/AIDS Guidance Intervention Prevention (SAGIP) – Taft Avenue Ermita, Bgry. 670 Zone 72, Manila
- Philippine General Hospital – Taft Avenue Ermita, Brgy 670 Zone 72, Manila
- Manila Social Hygiene Clinic – 208 Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila
- Jose Reyes Memorial Medical Center – Rizal Ave., Santa Cruz, Manila
- San Lazaro Hospital – Building 17, San Lazaro Hospital, Quiricada St., Sta Cruz, Manila
- Marikina City Satellite Treatment Hub – Marikina Healthy City Center, Shoe Ave., Sto. Nino, Marikina City
- Pinoy Plus Advocacy Pilipinas Inc. – 1965-B JRB Building, Anacleto Street, Sta Cruz, Manila
- Hi-Precision Diagnostics (Taft Branch) – 1852 Taft Avenue, Malate, Manila
- Positive Action Foundation Philippines Inc. – Bahay Kanlungan Center, 2615 Dian St., Malate, Manila
- Hi-Precision Diagnostics (TM Kalaw Branch) – G/F Rm. 102 San Luis Terraces 638 T. M. Kalaw St., Ermita, Manila
- Santa Ana Hospital – 2692 New Panaderos Street, 886, Santa Ana, Manila
- Manila Doctors Hospital – 667 United Nations Ave, Ermita, Manila
- Hi-Precision Diagnostics (Alabang Branch) – Unit 1,2,3,4 AA Corporate Plaza Civic Drive, Filinvest Alabang, Muntinlupa City
- Research Institute for Tropical Medicine – Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City
- Muntinlupa Reproductive Health and Wellness Center – National Road, Putatan, Muntinlupa City
- Health Cube Medical Clinics (Alabang Branch) – West Gate Center, West Gate Hub, Commerce Ave., Alabang, Muntilupa City
- Wound Algorithm Polyclinic Center – Room 204 Civic Prime Filinvest Alabang, Muntinlupa City
- Navotas City Social Hygiene Clinic – Los Martires St., San Jose, Navotas City
- Paranaque City Social Hygiene Clinic and Wellness Center – 3rd Floor of Parañaque City Hall, San Antonio, Sucat, Paranaque City
- Hi-Precision Diagnostics (Parañaque Branch) – 64 Aguirre Ave. BF Homes, Sucat, Parañaque City
- Hi-Precision Diagnostics (Sucat Branch) – Unit A 4-B Jakka Plaza Mall, 8288 Dr. A Santos Ave. Sucat, Parañaque City
- Malibay Health Center – 1st floor, Malibay Health Center, C. Jose St., Pasay City
- Centralle Medical (Pasay Branch) – 4th Flr. Wellcome Plaza, Taft Avenue Cor Libertad St., Pasay City
- Love Yourself Uni – 2028 Taft Avenue Ext., Pasay City
- Pasay City Social Hygiene Clinic – Room 106, Pasay City Hall, F.B. Harrison St., Pasay City
- Hi-Precision Diagnostics (Ortigas Branch) – Unit G20-23 Ortigas Technopoint One, Doña Julia Vargas Ave., Ortigas Center, Pasig City
- Hi-Precision Diagnostics (Pioneer Branch) – Pioneer Center, Pioneer cor United Street, Brgy. Kapitolyo, Pasig City
- Hi-Precision Diagnostics (Pasig Branch) – Unit 102 and 202 Armal Building 2, F. Legaspi cor C. Raymundo St, Maybunga, Pasig
- Pasig Treatment Hub (PATH) – CarunchoAve, Pasig City
- I-REACT Clinic – Ortigas Avenue, Pasig City
- Pasig Social Hygiene Clinic – Rm. 5, 5/F, City Hall Bldg., Caruncho Ave., Bgy. San Nicolas, Pasig City
- Project Red Ribbon – Unit 607 Lumiere Suites, #21 General Capinpin Street, Brgy. San Antonio, Pasig City
- Saint Camillus Medical Center – 116 Eulogio Amang Rodriguez Ave, Santolan, Pasig City
- CADUCEUS Medical Multi-Specialty Clinic – San Miguel Ave, Ortigas Center, Pasig City
- Duyan Program – Unit 607 Lumiere Suites, #21 General Capinpin Street, Brgy. San Antonio, Pasig City
- Klinika Project 7 – #39 Bansalangin St., Veterans Village, Project 7, Quezon City
- Batasan Hills Super Health Center – #1 IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
- Take The Test Project – EDSA Across NEPA Q-Mart, Cubao, Quezon City
- Hi-Precision Diagnostics (V. Luna Branch) – G/F Garpas Tower 31-B V. Luna, Brgy. Pinayahan, Quezon City
- Hi-Precision Diagnostics (Del Monte Branch) – 440 – 442 W Long Building, Del Monte Ave cor Biak-Na-Bato, Bgy., Sienna, Quezon City
- Hi-Precision Diagnostics (Amoranto Branch) – 674 N. S. Amoranto St., cor Biak na Bato, Quezon City
- Woodwater Center for Healing, Camillian Fathers Incorporated – 8 Nicanor Reyes St, Loyola Heights, Quezon City
- Bernardo Social Hygiene Clinic – Ermin Garcia St., Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City
- Icon Clinic – Grnd Flr., OTM Building, 71 Sct. Tuason Street, Barangay South Triangle, Quezon City
- Quezon City Social Hygiene Clinic – Manuel L., corner Kalayaan Avenue, Barangay Central, Quezon City
- Hi-Precision Diagnostics (East Avenue Branch) – #18 East Ave., Diliman, Quezon City
- Hi-Precision Diagnostics (Commonwealth Branch) – G/F CPE Multi-Resources Inc. Bldg., Lot 21, Blk. 2, Don Mariano Marcos Ave., Fairview Quezon City
- Klinika Novaliches Sundown Clinic – 961 Quirino Highway, Brgy. District 5, 1123, 2nd, Novaliches, Quezon City
- Health Cube Medical Clinics (Greenhills Branch) – Basement 1, Promenade Building Shopping Center, San Juan City
- Hi-Precision Diagnostics (San Juan Branch) – Unit G01, G02 & M01 TNA Bldg. 17 J. Abad Santos, Little Baguio, San Juan City
- San Juan City Social Hygiene Clinic – 428 F. Manalo, San Juan City
- Hi-Precision Diagnostics (The Fort Branch) – 3F Commercenter Bldg., 31st and 4th Ave., Taguig City
- St. Luke’s Medical Center Global City – Rizal Drive cor. 32nd St., and 5th Ave., Taguig City
- Taguig Social Hygiene Clinic & Drop-In Center – 30 Gen. A Luna St, Taguig City
- Clinic 1276 – Room 1276, 12th fl., Nursing Tower, St. Luke’s Medical Center, Global City, Taguig City
- Hi-Precision Diagnostics (Valenzuela Branch) – Units 3 & 4, Arca North Compound, 286 MacArthur Hi-way, Karuhatan, Valenzuela City
- Valenzuela Social Hygiene Clinic – Valenzuela City Hall, Poblacion II, Malinta, Valenzuela City
- Centralle Medical (Valenzuela Branch) – 119 Paso De Blas, Valenzuela City
Source: Inquirer, Webbline
Basahin: Sintomas ng HIV: Maagang senyales ng sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!