6 co-parenting tips para sa mga mag-ex

Alamin ang mga kailangang alalahanin upang maging maayos ang co-parenting ng mga single moms na hiwalay sa ama ng kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga single mom na hiwalay sa ama ay hindi na bago sa mundo ngayon. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang solo-parenting ay mahirap at kinakailangan ng tulong.

Sa kabutihang palad, maaari nang mag-coparenting. Hindi dahil hiwalay na kayo ay hindi kayo maaaring magtulungan. Ito ang ilang mga tips kung paano gawing parte ng buhay ng iyong anak ang iyong ex kahit pa hiwalay sa ama niya.

1. Hindi mo kailangan ng maraming impormasyon

Marami impormasyon sa internet tungkol sa co-parenting. Mula sa co-parenting forums, alienation groups at Instagram stories, hindi ka mauubusan ng mababasa tungkol dito.

Ang problema ay hindi lahat ng nilalaman ng mga ito ay nagpapayo o nagpapalagay ng kalooban. Alam na ng mga single mom ang sakit at hirap ng pagiging hiwalay. Kaya ang pagbabasa pa ng mga istorya tungkol dito ay makakadagdag lamang sa galit at kawalan ng pag-asa.

Maaaring subukan magpa-psychotherapy mula sa kwalipikadong propesyonal. Kasabay nito, ang mga librong Divorce Poison at Growing Up With Divorce ay maaaring makatulong sa iyo.

2. Mag-kompromiso

Kung ang gusto ng ama ng bata ay hindi ayon sa gusto mo, mag-kompromiso at piliin ang gitna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan lamang na maaaring hindi kayo laging magkasundo sa eksaktong gitna ng inyong mga kagustuhan. Ngunit, may mga desisyon na maaaring mag-dulot ng pag-aaway sa pagitan ninyo ng iyong ex kahit pa hindi naman talaga makaka-apekto sa bata.

Hindi laging masusunod ang iyong kagustuhan kaya hayaan nalang at isipin kung ang iyong ‘pinaglalaban ay makatwiran.

3. Piliin nang maayos ang inspirasyon mo

Tulad ng nasabi sa simula, maraming impormasyon ang makukuha tungkol sa co-parenting. Marami na rin ang mga nagbibigay ng payo at quotes tungkol dito. Subalit, bawat istorya at bawat pamilya ay magkaka-iba. Walang plano na akma sa lahat ng co-parenting at malabong makahanap ng co-parenting parents na parehong pareho ang pinagdadaanan. Mas makakabuti na piliing mabuti ang magiging inspirasyon na gagamitin sa pagpapalaki ng bata.

Halimbawa, ang quote ni Maya Angelou na “When someone shows you who they are, believe them the first time.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lamang ito nagiging gabay sa iyo sa pagpili ng magiging partner sa susunod, natuturuan din nito ang mga anak sa critical thinking.

4. Tanggalin ang drama at tumutok sa paglutas ng problema

Ang buhay kasama ang isang toxic na ex ay kahit kailan hindi magiging madali. Subalit, maaari mo itong pigilan na lalong gumulo.

Sa pagtanggal at pag-iwas sa drama, at pagtutok sa paglulutas ng problema, matutulungan ang mga anak at sarili na hindi mapalaki ang gulo. Makakatulong ang paglalagay ng hangganan kapag nakikipag-usap sa ex tungkol sa mga plano ninyo para sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Hindi kailangan ng abogado para ayusin ang mga problema

Hindi kinakailangan ng paghingi ng tulong sa mga abogado at sa korte para maayos ang problema sa inyo ng iyong ex. Kung tutuusin, matagal ang aabutin para sa pagkuha ng abogado at pag-file ng reklamo sa korte.

Dagdag pa dito, malaking gastos ito na maaari sanang magamit sa ibang bagay. Kung hindi naman dahil sa pang-aabuso ang inyong problema, maaaring maging maayos ang inyong co-parenting nang walang tulong mula sa iba.

Tandaan, ang pagkompromiso ay malaking tulong para maiayos ang mga bagay sa pagitan ninyo ng iyong ex. Maraming mga magulang ang nag-iisip na mas mapapabuti sa kanila ang kanilang anak, totoo man ito o hindi, ang paghingi ng tulong sa korte upang pigilan ang isa pang magulang sa equal timeshare ay maaaring lalong makagulo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Isipin ang kapakanan ng bata

Ang mga toxic na magulang ay mas tumututok sa pakikipag-away sa isa pang magulang kaysa sa kapakanan ng bata. Maaari siyang gumawa ng mga paraan para lamang mainis ang dating kinakasama.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang isipin nalang sa pag-gawa ng desisyon ay ang kapakanan ng bata. Isipin kung ano ang mas makakabuti para sa anak at magiging maayos ang pagiging magulang niyo.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Sustento ng ama sa anak: Mga kailangan malaman

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement