Imbis na simula ng pagsasama na pang habangbuhay ang kasal, mauuwi pa ata ito sa pag hiwalay ng newlyweds na ito. Ilang minuto pa lang kasi silang mag-asawa, nagpakita na ng pananakit ang groom sa kaniyang bride!
Ang eksena ay nakunan sa pamamagitan ng isang video na inupload sa Youtube.
Sa video ay makikita ang bagong kasal na magkatabi at ginagawa ang isa sa seremonyas ng kasal na pagsusubo ng cake sa isa’t-isa.
Sa simula ay makikita ang bride sa tulong ng isang guest na inalis ang nakatakip na belo sa kaniyang mukha upang masubuan ng kaniyang groom ng cake.
Gamit ang kaniyang kamay ay maayos na isinubo ng groom sa kaniyang bride ang piece of cake nito.
Ngunit noong turn na ng groom para tanggapin ang isusubong cake ng kaniyang bride ay inilayo nang pabiro ng bride ang cake.
Dahil dito ay tila uminit ang ulo ng groom, at agad sinampal nang malakas ang kaniyang bride sa pisngi.
Sa sobrang lakas nga ay napaubo ang bride sa upuna na nasa likuran nito.
Makikita rin sa video ang galit na mukha ng groom habang pinipigilan siya ng isa sa mga lalaking guest at ng babaeng humahawak ng plato ng cake.
Samantalang ang bride naman ay halatang nagulat sa ginawa ng kaniyang groom ngunit walang nagawa kundi hawakan nalang ng kaniyang kamay ang nasampal na pisngi.
Ang video na ito na inupload sa Youtube ay may halos 3 million and 200 views na ay may title na arranged marriage.
Hindi pa matukoy kung saan nakunan ang video ngunit ayon sa mga commentators ito ay maaring mula sa isang Central Asian country.
Netizens reaction: Hiwalay agad!
At siyempre hindi napigilan ng mga netizens na mag-komento sa hindi daw tamang pagtrato ng groom sa kaniyang pinakasalang babae.
Ang sigaw nga nila, “Hiwalay na agad!”
“She should leave that man rather than living life like hell with him.”
“Wedding and funeral in the same day!”
“If he’s prepared to do that in public on their wedding day then i dread to think what he’s capable of behind closed doors.”
“Heartbreaking to know what her future holds.”
“That poor bride.. I hope she leaves him and finds happiness eventually.”
“Anullment time! She didn’t look very happy before he slapped her.”
“That guy needs to be taught a lesson in human rights and the woman needs to file for an annulment, ASAP!”
Ngunit hindi lamang ito ang unang beses na may kumalat na video ng isang groom na sinaktan ang kaniyang bride ilang minuto matapos nilang ikasal.
May isang video rin ang naging viral two years ago na kung saan pinalo ng groom ang kamay ng kaniyang bride nang gawin din nito ang parehong wedding cake prank.
Ayon sa mga nakapanood ng video, ito daw ay nakunan sa Middle East na nangyari labing-limang minuto matapos maikasal ang bride at groom.
Sa video ay makikitang maayos na sinubuan ng groom ang kaniyang bride ng cake gamit ang isang kutsara.
Ngunit noong time na ng bride na subuan ang kaniyang groom ay ilang beses nito hinihila palayo ang kutsara na may cake mula sa nakanganga ng bunganga ng kaniyang groom.
Kaya naman tila naasar ang groom sa ginawa ng kaniyang bride at hinampas ng malakas ang kamay nito.
Makikitang mula sa pagiging mapagbiro ay tila nalungkot at nagulat ang bride na napahawak sa nahampas niyang kamay.
Isa pang video rin ang inupload sa Youtube na kung saan ginawa rin ng isa pang bride ang parehong wedding prank sa kaniyang groom.
Ngunit hindi tulad ng dalawang nauna ay hindi sinampal ng groom ang kaniyang bride.
Bigla nalang ito napasipa sa inis at napasigaw sa pagbibiro ng kaniyang bagong kasal na misis.
Ayon sa mga nakapanood ng video, ang mga tagpong ito ay hindi na bago sa mga arranged marriage na kung saan napipilitan lang magpakasal ang isang babae at lalaki.
Ito ay karaniwang nangyayari sa mga Asian countries tulad ng India, China at iba pa.
Sa arranged marriage, ang mga mag-asawa ay hindi kagustuhang makasal sa isa’t-isa.
Ang kanilang asawa ay pinili ng kanilang mga magulang, community elders, matchmaker o kaya religious leaders para lang sundin ang kanilang tradisyon at kultura.
Dahil sa modernisayon at pagdaan ng panahon ay unti-unti ng nawawala ang tradisyon ng arranged marriage.
Pero dahil sa dumaraming kaso ng pag-aasawa na nauuwi sa divorce ay may ilang grupo ng advocates ang nagsusulong na muling buhayin at ibalik ang value ng nasabing tradisyon.
Dahil kahit na daw sa una ay mukhang mahina o walang pagmamahal ang isang mag-asawang bunga ng arranged marriage ay unti-unit nilang natutunang mahalin ang isa’t-isa at mas nagtatagal ang kanilang pagsasama.
Magkaiba man ang ating paniniwala, ang kasal ay isang sagradong seremoniya o pangyayari sa dalawang tao.
Maliban sa pagmamahal ito rin ay dapat nagtataglay ng respeto at pagmamalasakit sa pinili at sinumpaang makasama upang bumuo ng isang pamilya.
Sources: New World Encyclopedia, Daily Mail
Basahin: “My husband has forcible sex with me… does it amount to marital rape?”