Lolit Solis sa hiwalayang Paolo at LJ: "Na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon"

Mariing sabi ni Lolit Solis, walang third party at walang kinalaman si Yen Santos sa hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lolit Solis kinumpirma ang hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis. Ayon sa kilalang talk show host at talent manager, wala umanong third party sa hiwalayan ng celebrity couple.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan ng hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis.
  • Pahayag ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis.

Hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Nitong nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang biglaang pag-unfollow ng aktor na si Paolo Contis sa karelasyong si LJ Reyes sa Instagram.

Napansin din ng mga netizen na maliban dito, binura rin ng aktor ang mga larawan nilang magkasama sa kaniyang social media account.

Kaya marami ang nagtatanong, hiwalay na ba sila? Dahil ang mga tagpong ito madalas ang palatandaan na ang isang magkarelasyon, lalo na sa mundo ng showbizness ay nag-desisyong magkaniya-kaniya na.

Hanggang ngayon ay nanatiling tahimik, sina LJ at Paolo tungkol sa isyu. Bagama’t may mga sabi-sabing maaaring ang paghihiwalay nila ay dahil sa third party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaugnay ito sa pinakabagong pelikulang ginawa ni Paolo Contis na kung saan ang leading lady niya ay ang aktres na si Yen Santos.

Nitong nakaraang araw ay nag-react na ang manager ni Paolo na si Lolit Solis tungkol sa isyu. Ayon sa kaniya, totoong hiwalay na si LJ at Paolo. Pero hindi umano totoong ang dahilan nito ay third party o ibang babae.

“Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos Salve.

Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari. Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes..”

Ito ang pahayag ng kilalang talk show host at talent manager na si Lolit Solis.

Subalit wala pa ring kumpirmasyon mula kay Paolo Contis at LJ Reyes kung sila’y hiwalay na nga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Na-outgrow na daw ng dalawa ang romance stage sa relasyon nila

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Paliwanag niya sa hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis, ito ay nangyari dahil na-outgrow na umano ng dalawa ang romance sa kanilang relasyon.

Kaysa mag-away at mauwi pa sa hindi maganda ang relasyon nila ay nagdesisyon nalang silang tapusin ito. Hiling niya pa, sana huwag ng isali si Yen Santos sa gulo dahil wala namang alam ito sa estado ng pagsasama ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.

Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh!”

“Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na.”

Ito ang sabi pa ni Lolit Solis.

BASAHIN:

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

LJ Reyes hindi napigilan maging emosyonal sa dasal ng anak na si Aki

LOOK: Angel Locsin at Neil Arce, nakalipat na sa kanilang bagong bahay

LJ Reyes and Paolo Contis love story

Ang relasyon ni LJ Reyes at Paolo Contis ay nagsimula noong 2015. Matapos ang apat na taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Summer.

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Sa ngayon ay maraming hindi pa rin naniniwala na hiwalay na sila LJ at Paolo. Dahil nito lamang ding nakaraang linggo ay may interview si LJ sa isang programa sa GMA na kung saan sinabi nito na handa siyang mag-migrate sa Amerika kung aayain siya ni Paolo.

“For me, kasi siguro dahil din sa pandemic, parang gusto kong mag-try ng something new. Kunware sabihin ni Pao, ‘Oh, halika na, let’s pack our bags and migrate.’ Parang gusto kong i-try.”

Ito ang naging sagot ni LJ ng tanungin siya sa programang Mars Pa More kung sasama ba siya kay Paolo sa oras na ayain siya nitong mangibang bansa. Ang panayam na ito ni LJ ay umere nito lamang August 18 sa GMA.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Sa ngayon, kahit sa social media accounts ni LJ ay nanatili itong tahimik at walang komento sa isyu. Bagamat binabaha ito ng comments ng kaniyang mga fans na nalulungkot sa nangyayari sa relasyo nila ni Paolo Contis. Habang may ilan namang sinusuportahan siya at pinalalakas ang loob niya sa kabila ng mga nangyayaring ito.

“Nakakalungkot lang, ung dating mga post ni Paolo about LJ at ramdam na ramdam na mahal na mahal nya, nawala na :(“

“Sana mali yung kaba ko sa inyo ni Pao😢. I’m a silent fan of your fam. Nalungkot ako when u both stop reacting or liking on ur posts.”

“Laban Lj kong 22o man hiwalay na kau ni paolo ndi cia kawalan sau strong ka nkaya mo nga nong una kya makakaya mo din ulit😢”

Ito ang reaksyon ng mga netizen sa hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Cosmo PH

Photo:

Instagram