Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

Sa YouTube channel ni LJ Reyes, natanong si Paolo kung paano niya nakuha ang loob ni LJ Reyes son Aki at kung ano ang iba pa nilang bonding moments.

Sa YouTube channel ni LJ Reyes kung saan sinagot nila ni Paolo Contis ang mga tanong tungkol sa kanilang pamilya. Natanong din si Paolo kung paano niya nakuha ang loob ni LJ Reyes son Aki.

LJ Reyes son Aki

Kapag tinatanong si LJ Reyes tungkol sa anak na si Aki at sa ama nito, sinasabi niya lang na,

“Okay naman kami ni Aki. I think napaparamdam ko naman sa kanya ang love ng isang magulang. Yung love na kailangan niya.”

Pero sa ngayon ay kitang-kita naman ang saya ni LJ sa kanyang long-term boyfriend na si Paolo Contis. Sa kanila ngang YouTube video, tinanong si Paolo kung paano niya nakuha ang loob ni Aki.

“Yung mga games, games, magpatalo ka lang nang magpatalo. Hindi ko na alam. Kasi to begin with, it is a process. Hindi siya puwedeng i-fake, hindi siya puwedeng i-fake care, i-fake love. You cannot kasi eventually, bibigay ka, at saka, mararamdaman niya ‘yon.”

lj reyes son aki

Photo from @lj_reyes Instagram

Ayon pa sa kanya, hindi naman puwedeng pilitin ang isang bata na respetuhin ka. Kailangan mo iyong unti-untiin o i-earn mula sa kanila. Banggit pa niya, sa ngayon ay tingin niya ay nandoon naman na sila sa stage na iyon.

“Ako, masasabi ko na, we’re on that stage na ni Aki na mayroon kaming respect for each other, love for each other. But it takes time.”

Para ipaliwanag kung bakit niya nasabing “it takes time”, sinabi rin niya na dapat mauna ang tiwala. Dapat ay makuha mo muna ang tiwala ng bata bago ka niya respetuhin bilang guardian o magulang.

Paolo Contis and Aki sweet moments

Narito ang isang sweet moment ni Paolo at Aki na pinost niya sa kanyang Instagram.

At ang kanilang mga comedy skits na talaga namang sobrang entertaining!

LJ Reyes and Paolo Contis baby Summer

Nang kumustahin sa pagiging mother of two niya, ito ang sagot ni LJ Reyes.

“Mother of two, it’s crazy. Actually, I am telling my friends that it is really different to be a mother of two. Mother of one, parang handled easily. You have 2 kids na, it’s kind of overwhelming. Though I am very blessed that they are 8 years apart.”

lj reyes son aki

Photo from @lj_reyes Instagram

Masuwerte nga daw siya at malaki ang age gap ng kaniyang eldest na si Aki at kaniyang baby na si Summer.

“Some of my friends they have 2 kids, one toddler, have one infant and I don’t know how they do it. I admire parents of kids that close yung age gap. But I am doing fine and I am very happy with my life right now. I enjoy being a parent of two. Sobrang nae-enjoy ko talaga ‘yung all over again being a parent.”

Tulad ng pagiging first time mom, paranoid pa rin daw si LJ pero mas nama-manage niya na ito ngayon.

“Paranoid and clingy ako as a mom. Pero I think ngayon ano na ako, more of the mix type of mom siguro dahil kasi second time ko na. Alam ko na kung kelan ka dapat paranoid, kung kailan ka chill. At syempre kailangan lagi karing nag-u-update with the latest improvements, with the products, with the developments. Kailangan nagre-research lagi para malaman na ay bad pala ito para sa baby ganun.”

lj reyes son aki

Photo from @lj_reyes Instagram

Si Paolo na nga ang tumatayong ama ngayon ni Aki at di-umano ayon kay LJ, very hands-on dad si Paolo kay Aki at sa bunsong si Summer.

 

Source:

LJ Reyes YouTube channel

Basahin:

Solenn, pinakita kay Nico kung paano mag-multitask habang nagpipinta at nagpapa-breastfeed

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner