Hoarders ng alcohol at iba pang basic commodities, aarestuhin

COVID 19, Philippines: Ayon sa Malacañang, huhulihin na ang mga hoarders dahil sa pamimili nila ng maraming vital needs at binebenta sa mataas na presyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID 19, Philippines: Ayon sa Malacañang, huhulihin na ang mga hoarders kung patuloy silang mamimili ng sangkatutak na vital needs. Binebenta rin kasi ito ng ilan sa mas mataas na halaga. Dahilan para maubos agad ang mga stock nito.

Sa kabila ng sunod-sunod na balita ngayon tungkol sa patuloy na pagkalat ng nakamamatay na COVID-19, hindi maiwasan ng ating mga kababayan na magkagulo. Dahilan para mag-imbak sila ng kung anu-ano para sa kanilang pangangailangan. Ito ay tinatawag na panic buying.

COVID 19: Hoarders huhulihin na. | Image from Freepik

Hoarders ng alcohol at iba pang basic commodities, aarestuhin

Dahil hindi maawat ang publiko sa patuloy na pamimili ng malaking bilang ng mga sanitary needs, naglabas na ng pahayag ang Malacañang tungkol dito.

Ayon sa kanila, lahat ng mananamantala sa nangyayaring pagkalat ng COVID-19 sa bansa at ang mga taong patuloy na nag ho-hoard ng vital necessities at binebenta sa mataas na presyo ay aarestuhin at bibigyan ng karampatang parusa.

Ang payagag naman ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa nasabing insidente ay nakabase sa bigat ng kanilang ginawa ang ipapataw na parusa sa pag-ho-hoard ng mga vital necessities.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya,

“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities. Which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices. That their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order. Those who unscrupulously take advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in accordance with law,”

Napag-alamang ang ilan sa ating mga kababayan ay nagho-hoard ng mga face mask at alcohol na binebenta sa mataas na presyo.

Sabi rin ni Panelo sa publiko na dapat bilhin lang ang mga kailangan. Kung ipapagpatuloy ang hoarding, makakapagdulot ito ng kakulangan ng mga needs. At may tendency na tuluyang tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa kakapusan.

‘Wag magpanic at panatilihin ang pagiging kalmado. ‘Wag maniwala agad sa mga sabi-sabi na maaaring makapagdulot ng panic sa mamamayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

Pinaalalahanan niya rin ang media na ‘wag masyadong gawing ‘O.A’ ang mga hinahatid na balita dahil maaari itong makaapekto sa minset ng mga tao.

“We similarly ask media outlets to refrain from exaggerating or amplifying reports that may only affect the mindset of the public. And instead help in disseminating helpful tips on how to prevent the spread of the virus. The resort to hate messages or posts in social media channels and other platforms will do more harm than good. Especially during this time which should be seen as an opportunity for the Filipinos to unite in the face of the health threat,”

Dapat rin na alalahanin ang mg binigay ng protocol sa personal hygiene para makaiwas sa nasabing virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siniguro naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply ng mga essential items ang publiko. Ito ay sa gitna ng pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID 19: Hoarders huhulihin na. | Image from Freepik

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Manila Bulletin

BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

Sinulat ni

Mach Marciano