TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya

6 min read
Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya

Ang dating cute na bata noon ay malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya ngayon!

Dating child-star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng ikasal.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kwento ng engagement ng Goin’ Bulilit star na si Hopia
  • Istorya ng relasyon ni Hopia Legaspi sa kaniyang Fiancé

hopia legaspi

 

Image from Trina “Hopia” Legaspi’s Facebook account

Hopia Legaspi engaged na!

Parang kailan lang! Malamang iyan din ang masasabi mo ngayon sa itsura at life updates ng Goin Bulilit Star noon na si Hopia Legaspi. Dahil maliban sa sexy at dalagang-dalaga na ang cute at chubby na si Hopia noon ay malapit na rin itong bumuo ng sarili niyang pamilya sa edad na 26-anyos. Sapagkat engaged na si Hopia at malapit ng ikasal sa kaniyang boyfriend for 6 years na si Ryan Jarina. Ito’y ibinalita ni Hopia Legaspi sa kaniyang Instagram account.

“11/22/20 6 years together and forever!! ???? Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! ❤️”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Katrina Legaspi (@trinalegaspi)

Ito ang pahayag ni Hopia sa kaniyang Instagram account. Dagdag pa niya, hindi na siya makapag-antay na maikasal sa kaniyang first boyfriend na si Ryan. Dahil sa wakas makakapag-travel na sila na silang dalawa lang at hindi kasama ang kanilang pamilya.

“I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! ✈️ Yey!!”

Hindi nga rin umano ini-expect ni Hopia na magpo-propose sa kaniya si Ryan. Labis siyang nagpapasalamat sa ginawa niyang ito. Pati na sa Diyos na ibinigay sa kaniya si Ryan na ngayon ay fiancée niya na.

“Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! ???? I’ll share with you guys our proposal story soon. ???? Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!! ???????????????? @ryan_jarina”

“Thank you Lord for giving me my destined partner. ???? It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na ????????‍❤️‍????‍????”

Trina “Hopia” Legaspi and Ryan Jarina relationship

hopia legaspi

Image from Trina “Hopia” Legaspi’s Facebook account

Sa isa sa mga tampok na vlog ni Hopia sa kaniyang Hello Hopia YouTube channel, ibinahagi ng young couple kung paano sila nagkakilala. Kuwento ni Ryan na CEO ng isang kumpanya na nagbebenta ng mga sasakyan sa Quezon City, nagsimula ang kanilang love story ng bumili ng sasakyan ang Papa ni Hopia sa kanila. Nang imbitahan nito ang buong pamilya ni Hopia para dumalo sa kaniyang kaarawan.

“We met 6 years ago at Chevrolet Commonwealth on my birthday.  It’s an interesting story. Because before my birthday I had this wish na I was hoping to meet someone special this year. And that person was someone which I want to spend the rest of my life with.”

Ito ang pahayag ni Ryan.

Ang wish nga umano na ito ni Ryan ay alam niyang natupad na nang una niya pa lang makita si Hopia. Isang sorpresa sa kaniyang birthday na labis niyang ikinatuwa.

“I was actually surprised that she came with her family. And the moment I met her, it was love at first sight.”

Ito ang pahayag pa ni Ryan.

Pero, ayon naman kay Hopia, kabaligtaran naman daw ang naramdaman niya noong una niyang makita si Ryan.

“The first time I saw Ryan, hindi ko talaga siya type. Ang itim niya tapos ang oily. Mukha kang haggard, hindi ka blooming that time.”

Ito ang honest at medyo pabirong sabi ni Hopia sa nobyo niyang si Ryan.

BASAHIN:

Jhong Hilario, magiging tatay na!

#TAPTalks: Princess Velasco, may nakakatuwang paraan para mapatigil sa pagsuso ang kaniyang anak!

#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly”

Ano ang nagustuhan nila sa isa’t isa?

Pero may isang bagay umano na nagustuhan si Hopia, noong una niyang nakilala si Ryan. Hindi siya nito iniwan at nakipag-usap lang sa kaniya buong araw.

“Isang na-notice ko nung tinatawag ka ng lola mo, na ‘uy ano i-meet mo ‘yung mga bisita mo’. Hindi mo ko iniwan, you just sat there beside me the whole day.”

Mula noon ay niligawan na nga umano ni Ryan si Hopia. Matapos siyang sagutin nito, sa loob ng 6 na taon ay ipinagdiriwang pa rin nila ang kanilang monthsary. Isang bagay na sinasabi nilang secret ng kanilang long-lasting relationship. Dagdag pa ang paglalagay sa Panginoon sa center ng kanilang relasyon.

May language barrier man nga umano, dahil sa hindi fluent magsalita si Ryan ng Filipino, hindi naman umano naging hadlang ito para manatili ang honest communication nila sa isa’t isa. Isa sa mga nagustuhan ni Hopia kay Ryan. Dagdag points pa ang pagiging ma-effort, responsible at productive nito.

“What I like about Ryan, both of us speaks our mind. We communicate everything. We are very honest about each other and we never hide things.”

Ito ang pahayag pa ni Hopia.

Reaksyon ng kanilang mga magulang sa kanilang relasyon

 

hopia legaspi

Image from Trina “Hopia” Legaspi’s Facebook account

Nang tanungin nga ni Hopia si Ryan, kung approved ba siya sa family ng young businessman, ito ang honest na sagot ng binata.

“Well at first when my family thought I was dating an artista syempre the first impression was like “Oh ang dalas nila mag-party. Ang dalas mag-yosi”. Perceptions changed when they saw how family-oriented, how discipline and how responsible Kat (Hopia) is. They like her.”

Ang sunod na tanong naman ni Hopia kung ano ang tingin ni Ryan sa kanilang relasyon 5 years from now ay ito ang kaniyang naging sagot.

Partner Stories
Krispy Kreme Continues 86th Birthday with M&M’s Collection
Krispy Kreme Continues 86th Birthday with M&M’s Collection
ExpoMom goes online this 2020!
ExpoMom goes online this 2020!
Enjoy a golden summer and #MakeEveryMomentPlayful at home with #GoldenOREO!
Enjoy a golden summer and #MakeEveryMomentPlayful at home with #GoldenOREO!
Enjoy free printable templates with the Brother Creative Center
Enjoy free printable templates with the Brother Creative Center

“That’s easy. I’ll be married to you with couple of kids”, sagot ni Ryan.

Para naman kay Hopia, ito rin ang pangarap niya.

“He is my first love because he is my first boyfriend and hopefully the last.”

Ito naman ang pahayag ng dating child star sa kaniyang vlog.

Sa ngayon ay walang detalye kung kailan ang schedule ng kasal nila Hopia at kaniyang boyfriend. Pero isa lang ang sigurado, malapit ng matupad ang mga pangarap nila. Approved ito sa kanilang mga magulang. Sa buntis prank nga na tampok sa vlog ni Hopia ay nagpahayag ng suporta ang Mommy ni Hopia sa usapang pagpapakasal nila ni Ryan.

Ito ang naging eksena.

Hopia: Paano ‘pag ‘di prank? Ito na talaga totoo na ‘to!

Mommy ni Hopia: Ano magagawa ko?

Hopia: At least magkakaapo ka na!

Mommy: Pakasal kayo!

Hopia: Papakasalan mo ba ako kapag nabuntis ako agad?

Ryan: Oh sige! Okay!

Mommy: Pero ‘di pa ngayon, next year pa!

Ryan: Okay next year!

Mommy: Sabi ng daddy next year pa nga! 2022 pa!

Ito ang naging usapan ni Hopia at kaniyang ina tungkol sa isyu ng pagpapakasal.

Mga pagbati sa bagong yugto ng buhay ni Hopia

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ng congratulations ang mga kaibigan ni Hopia sa mundo ng showbiz sa bagong yugto ng kaniyang buhay.

hopia legaspi

Si Hopia o kilala sa kaniyang bagong screenname na Trina Legaspi ay nakilala sa kiddie program na Goin Bulilit. Kasabayan niya noon sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Nagpaalam siya sa showbizness para mag-focus sa kaniyang pag-aaral. Nitong 2016 ay naka-graduate siya sa kursong Communications.

hopia legaspi

Image from Trina “Hopia” Legaspi’s Facebook account

Source:

Inquirer

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Goin Bulilit star na si Hopia Legaspi engaged na at malapit ng bumuo ng sarili niyang pamilya
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko