Going Bulilit star na si Hopia Legaspi naging mala-prinsesa sa kaniyang wedding sa long-time boyfriend na si Ryan Jarina.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ryan Jarina and Hopia Legaspi wedding.
- Mga detalye at highlights sa kasal ni Hopia Legaspi at Ryan Jarina.
Ryan Jarina at Hopia Legaspi wedding
Image from Trina “Hopia” Legaspi’s Instagram account
Fairy tale wedding! Ganito isalarawan ng dating child actress at Going Bulilit star na si Trina “Hopia” Legaspi ang kaniyang naging kasal sa long-time boyfriend na si Ryan Jarina.
Sa edad na 27-anyos ay ganap ng Mrs. Jarina si Hopia. Ang kasal nila ng mister na ngayon at businessman na si Ryan ay ginanap nito lamang Sabado, November 20, 2021.
Sa kaniyang Instagram ay nagbahagi si Hopia ng mga larawan sa kaniyang fairy tale wedding. Doon niya nga ipinagmalaki at ibinahagi ang saya niya na siya ay ikinasal na sa lalaking ipinagdasal niya.
“My Fairytale Wedding! ✨ Marrying the man I’ve prayed for @ryan_jarina!!”
Ito ang sabi ni Hopia sa isa kaniyang Instagram post.
Sa Holy Trinity Church ginanap ang church wedding ni Hopia at Ryan. Sinundan ito ng reception sa Conrad Manila.
Prinsesang-prinsea ang look ni Hopia sa suot niyang puff sleeve wedding gown na dinesenyo ni Patricia Santos. Habang ang suit na sinuot ng kaniyang mister na ngayon si Ryan ay gawa ng designer na si Chynna Mamawal. Ito rin ang nag-disenyo ng mga pink dresses ng mga bridesmaids nila.
Isinakatuparan naman ng event stylist na si Michael Ruiz ang dream fairytale wedding venue na gusto ni Hopia.
View this post on Instagram
Goin Bulilit stars present sa kasal ni Hopia
Syempre, sa naging kasal ni Hopia ay hindi mawawala ang mga kaibigan niya at nakasama sa sitcom na Goin Bulilit. Ilan sa naging guest sa kaniyang kasal ay ang mga Goin Bulilit stars na sina Igi Boy Flores, John Manalo, Eliza Pineda at CJ Navato.
Samantala, kabilang naman sa mga bridemaids ng kaniyang wedding entourage ang malapit na kaibigan ni Hopia na si Liza Soberano at Michelle Vito.
Sa kaniyang Instagram ay nagbahagi ng mga kuhang larawan sa kasal ni Hopia si Liza. Kalakip nito ang mensahe ng pagpapasalamat ni Liza na napili siyang isa sa mga bridesmaids’ ng bagong kasal.
“@trinalegaspi’s wedding yesterday was such a beautiful and unforgettable experience. Thank you for trusting me to be your bridesmaid. It was my honor. To more memories with you!!! Congratulations to the Jarina’s.”
Ito ang nasabing mensahe ni Liza Soberano sa kasal ni Hopia Legaspi.
BASAHIN:
LOOK: Ritz Azul ikinasal sa kaniyang first and last boyfriend
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang details ng kanilang civil wedding
John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: “Finally, she found the one”
Hopia Legaspi at Ryan Jarina love story
Image from John Manalo’s Instagram account
Si Hopia at Ryan ay magkasintahan sa loob ng anim na taon. Nobyemre ng nakaraang taon ay nag-propose ng kasal si Ryan kay Hopia.
Sa isa mga vlog episodes ni Hopia ay ibinahagi nila ni Ryan kung paano nagsimula ang love story nila.
Kuwento ni Ryan na CEO ng isang kumpanya na nagbebenta ng mga sasakyan sa Quezon City, nagsimula ang kanilang love story ng bumili ng sasakyan ang Papa ni Hopia sa kanila. Sunod ay imbitahan nito ang buong pamilya ni Hopia para dumalo sa kaniyang kaarawan.
“We met 6 years ago at Chevrolet Commonwealth on my birthday. It’s an interesting story. Because before my birthday I had this wish na I was hoping to meet someone special this year. And that person was someone which I want to spend the rest of my life with.”
Ito ang pahayag ni Ryan.
Ang wish nga umano na ito ni Ryan ay alam niyang natupad na nang una niya pa lang makita si Hopia. Isang sorpresa sa kaniyang birthday na labis niyang ikinatuwa.
“I was actually surprised that she came with her family. And the moment I met her, it was love at first sight.”
Ito ang pahayag pa ni Ryan.
Pero, ayon naman kay Hopia, kabaligtaran naman daw ang naramdaman niya noong una niyang makita si Ryan.
“The first time I saw Ryan, hindi ko talaga siya type. Ang itim niya tapos ang oily. Mukha kang haggard, hindi ka blooming that time.”
Ito ang honest at medyo pabirong sabi ni Hopia sa nobyo niyang si Ryan.
Pero sa hindi inaasahan nagkahulugan ng loob si Ryan at Hopia. At ngayon sila ay ganap ng Mr. at Mrs. Ryan Jarina! Congrats Hopia at Ryan!
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!