TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR

4 min read
Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR

How does virtual reality work? Maaari nga ba nitong punan ang lumbay sa puso ng isang nanay na sabik sa kanyang namayapang anak?

Kapag ang babae ay namatayan ng asawa, ang tawag sa kanya ay byuda. Samantalang kapag naman ang lalaki ay namatayan ng asawa, ang tawag sa kanya ay byudo. At kapag namatay ang isang anak ng magulang, ang tawag sa kanya ay ulila. Ngunit ano ang maitatawag mo sa magulang na namatayan ng anak? Walang salita ang kayang makapagbigay ng depinisyon ukol dito. Dahil ang tanging sakit at lungkot lang ang mararamdaman.

Sa kasamaang palad, ang ina na si Jang Ji Sung ay kailangang dumaan sa isang napakahirap na pagsubok. Ito ay nang mamatay ang kaniyang anak na si Nayeon, tatlong taon na ang nakakalipas.

How does virtual reality work?

Ngunit dahil sa tulong ng isang virtual reality (VR) muling nakasama at nakausap ng ina ang kanyang anak kahit sa maikling oras. Inere ang documentary na ito noong February 6 sa MBC. Ito ay may pinamagatang 너를 마났다 (Meeting You)

 

Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng virtual reality (VR)

Ang documentary ay naglalaman ng muling pagkikita ng isang ina at ang kanyang namayapang anak. Ito ay sa tulong ng virtual reality.

Ayon sa MBC, inabot din halos ng 8 months ang paggawa ng naturang virtual reality. Gumamit sila ng motion capture technology para marecord ang bawat galaw ng kanilang batang artista, na kanilang gagamitin para sa virtual Nayeon. Para naman sa boses, ginamit din nila ang boses ng batang artista para rito. Ang ginamit na location sa VR ay isang parke kung saan madalas silang nagkikita dati.

Sa video, makikita ang madamdaming pag-uusap ng nanay at ng anak. Habang nanood sa monitor ang kanyang asawa at tatlo pang mga bata.

“Mum, where have you been?”

how-does-virtual-reality-work

Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR | Image Source: Screenshot/MBC VR휴먼다큐멘터리 – 너를 만났다

 

Bumuhos ang mga luha ng inang si Ji Sung ng makita ang kaniyang virtual na anak sa screen habang binibitawan ang mga katagang “Mom, where have you been? Did you think of me?”

Makikita sa video na sinusubukang hawakan ng ina ang kaniyang anak. Ang sabi nito sa sa interview na “I wanted to touch my daughter. I tried to hold her hand and stroke her hair.”

Sa VR, muling nagkaroon ng pagkakataon ang mag-ina na mahawakan ang kamay ng kanyang anak. Pagkatapos kumanta ng ‘Happy Birthday’ song para kay Nayeon, sila ay kumain ng seaweed soup (tradition Korean birthday dish) at kumain ng birthday cake na matagal nang gustong makain ng anak.

how-does-virtual-reality-work

Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR | Image Source: Screenshot/MBC VR휴먼다큐멘터리 – 너를 만났다

Pagkatapos i-blow ni Nayeon ang mga kandila ng kanyang cake, siya ay nag-iwan ng kanyang birthday wish.

“Please don’t let my dad smoke and please don’t let my mum cry.”

Ang muling pagkikita ng mag-ina sa virtual reality ay nagtapos ng humiga na sa kama si Nayeon. Binasa rin nito ang letter na bigay sa kanyang nanay. Isang kataga naman ang iniwan ni Nayeon na nagpaiyak s kanyang nanay. “Mom, goodbye. I love you.” na saka naman tinugunan ng nanay. “Me too.”

Agad na nakatulog si Nayeon at parang mahika na bigla na lamang itong naging paru-paro.

how-does-virtual-reality-work

Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR | Image Source: Screenshot/MBC VR휴먼다큐멘터리 – 너를 만났다

Pagkatapos ng muling pagkikita ng inang si Ji Sung at sa kanyang anak, ibinahagi nito na kahit hindi ito mismo ang kanyang anak na si Nayeon, naramdaman pa rin nito ang kanyang presensya. Dagdag pa niya na ang kaniyang karanasan na ito ay lalong magbibigay ng dahilan sa kaniya upang mahalin ng lubusan ang kanyang anak.

how-does-virtual-reality-work

Image Source: Screenshot/MBC VR휴먼다큐멘터리 – 너를 만났다

Si Nayeon ay pang-apat na anak ni Ji Sung. Siya ay na-diagnose ng rare cancer na Hemochromatosis. Ang sakit na ito ay kapag ang isang tao ay sobra sobra na ang pagtanggap ng kanyang katawan ng iron. Sinisira nito ang internal organs katulad ng atay. Sa ganitong kondisyon, wala pa ring nadidiskubreng lunas para rito.

Taong 2017 nang mamatay si Nayeon sa edad na 7.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

 

If you want to read an English version of this article, click here.
 
BASAHIN: 38-year-old who lost 6 babies to the same rare condition bravely shares her story , A rare and mysterious condition makes a Minnesota toddler allergic to water

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ina, nakasama ulit ang namayapang anak sa pamamagitan ng VR
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko