Relax ka lang! 5 tips at tricks para maging kalmadong magulang

'Wag kakalimutan ang ngumiti moms and dads! | Lead image from Freepik

Tanong ng mga moms and dads, “How to be a calm parent?” Lalo na sa panahon ngayon na sunod-sunod ang nararanasang problema at sakuna.

How to be a calm parent?

Dahil sa nararanasang pandemic ngayon, halos lahat ay apektado lalo na ang kanilang mental health. Hindi nakaka-healthy ang sobra-sobrang stress lalo na sa mga parents nating madaming responsibilidad sa labas man ng bahay o sa loob nito.

Paano maging kalmado? | Image from Freepik

Bilang isang mommy, gusto natin ay magandang surroundings sa loob ng bahay. Walang kalat, walang maingay, walang tambak na hugasin at labahan. Kaya naman hindi natin maiwasang magalit kapag hindi niligpit ni bunso ang kanyang laruan at iniwan lang ni ate ang kanyang pinagkainan na chichirya sa ibabaw ng lamesa.

Relax ka lang! 5 tips at tricks para maging kalmadong magulang

Chilax moms and dads! Take it easy. Maging kalmado lang tayo! Narito ang anim ba tips para maging kalmado ngayong pandemic.

1. Panatilihin ang pagiging mabuti

Sadyang makulit at matigas ang ulo ng mga bata. ‘Yung tipong mauubos talaga ang pasyensya mo matigil lang sila sa kanilang pangungulit. Ngunit bilang isang magulang, kasama sa responsibilidad natin ang pagiging pasyensyoso sa ating mga anak. Tayo ang nagtutuwid at gumagabay sa kanila kapag may mali silang ginagawa.

Sino pa bang magtyatyaga sa ating mga anak? Tayo lang. Tayo lang ang aasahan nilang susuporta sa kanila.

Kaya naman kung sakaling may ginawa silang makakapag painit ng ulo natin, laging isipin ang salitang ‘Kalma’. Isipin rin natin na bahagi rin sila ng mga naaapektuhan ng pandemic. Ilang buwan na nilang hindi nakakasama ang kanilang mga kaibigan at nakakapaglaro sa labas. Ayon sa mga eksperto, ang pandemic ay ang the best way para maging malapit sa isa’t-isa ng iyong anak. Dito mo sila matututukan at matuturuan ng mga bagay na hindi mo nagagawa noon.

How to be a calm parent | Image from Freepik

2. Bata pa ang iyong mga anak, kailangan nila ng gabay

Payo ng mga eksperto, ang pagkakamali ng isang bata ay normal lang. Lalo na kung nagsisimula pa lang itong matutunan ang mga bagay. Kaya bilang isang magulang, narito tayo para gabayan sila habang lumalaki.

Ang pagpalo o pagbibigay ng mabigat na consequence sa iyong mga anak kapag sila ay nagkamali ay hindi makabubuti. Kung sakaling magkamali sila, bakit hindi mo itama at bigyan ng proper learning? Makakatulong rin ang simpleng encouragement at prize sa kanilang success.

3. Makipaglaro sa iyong anak

May kasabihan tayo na ‘Ang mga bata ang ating gamot sa stress’. Makita lang natin silang masaya, busog o naglalaro, tuwang-tuwa na tayo. Kaya naman habang tayong lahat ay nasa bahay, ito na ang pagkakataon para makilala ng malalim ang iyong anak! Makipaglaro rito sa iyong free time. Makihalubilo at magpanggap na bata kahit sa maiksing oras lamang.

Sa paraang ito, may benepisyo kayong natatanggap. Makikilala mo siya ng maayos at mawawala ang iyong stress kahit papaano. Habang si baby naman ay titibay ang pundasyon ng pagtitiwala sa’yo.

4. Entertain yourself!

Isa pang paraan para maging kalmado ka ay ‘wag kakalimutan na pasiyahin ang sarili. Sa haba ng iyong araw na puro paglilinis ng kusina, pagluluto o pagpapaligo sa mga bata, deserve mo ang relaxing cold bath! Makakatulong ito para ma freshen up at marelax ang iyong mga muscles na buong araw nagtatrabaho.

Pwede rin namang isama si hubby at magtayo ng mini cinema sa inyong sala. Manood ng movies together pagkatapos patulugin sa kama ang iyong mga chikiting.

Keep calm lang mommy. Deserve mo ang magrelax!

How to be a calm parent | Image from Freepik

5. Lumanghap ng sariwang hangin

Aminin natin, kumakalma tayo sa tunog ng ibon, pagdidilig halaman, pagtingin sa kalangitan o maski paglanghap ng simoy ng hangin. Ngayong quarantine, hindi tayo madaling makakapunta sa ating mga probinsya kung saan may sariwang hangin. Kaya naman paggising sa umaga, pwedeng-pwedeng mag-hello kay Mr. Sunshine! Buksan lang ang bintana ng inyong bahay at hayaang pumasok ang sinag ng araw.

‘Wag kakalimutan ang ngumiti moms and dads!

 

BASAHIN:

Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Anong gagawin ko kung hindi ako mahal ng anak ko?

Open letter para sa anak ko, sa oras na hindi mo na ako kailangan

Sinulat ni

Mach Marciano