Paano malalaman kung registered na ba ang inyong kasal sa Civil Registry?

Narito kung paano malalaman kung rehistrado na ang kasal ng isang mag-asawa. At paraan na dapat gawin kung sakaling ito ay hindi rehistrado at dapat na itama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mahalagang i-secure ng mag-asawa matapos na magpakasal ay ang patunay na legal at rehistrado ang kanilang kasal. Kaya naman narito ang mga hakbang on how to check if your marriage is registered in the Philippines at steps sa pag-file ng delayed registration of marriage.

Image from Freepik

Hanggang kailan valid ang kasal kung ito ay hindi rehistrado

Ikinasal ka ba sa iyong asawa ngunit nalamang hindi pala ito rehistrado? Hindi ka dapat mag-alala at isiping walang bisa ang inyong kasal. Dahil ayon sa Supreme Court case na Mariategui vs. Court of Appeals, (G.R. No. L-57062 January 24, 1992) ang kawalan ng record ng isang kasal ay hindi isang requirement para ito ay mapatanuyang naganap o valid. Bagamat ang marriage contract ay isang ebidensya na ikinasal ka at iyong asawa, ang kawalan nito ay hindi nagpapawalang-bisa sa kasal ninyo. Dahil maliban dito ay may iba pang paraan upang mapatunayan na kayo ay ikinasal. Tulad ng mga witness o bisita sa inyong kasal, pictures, videos pati na ang testimonya ng nagkasal sa inyo o solemnizing officer. Ang mga dokumento rin tulad ng birth at baptismal certificate ng inyong mga anak na kung saan kayo ang nakasaad na magulang ay maaaring maging patunay ng inyong kasal.

Ang dahilan lang upang masabing walang bisa o “null and void” ang isang kasal ay ang sumusunod:

  • Isa sa ikinasal na lalaki at babae ay wala pa sa wastong gulang na 18-anyos ng isagawa ang pagpapakasal. Ito ang tinatawag na legal capacity ng mga kinasal na ayon sa Family Code of the Philippines.
  • Walang consent ng solemnizing officer ang kasal tulad ng pari, judge, ministro, imam o mayor.
  • Kawalan o expired na marriage license nang isagawa ang kasal. Ang marriage license ay may validity at expiration period na 120 days mula sa araw na ito ay inisyu. Ito ay automatically na nakakansela sa araw ng expiration nito kung hindi ito ginamit

Bagamat hindi valid ang isang kasal dahil sa mga nabanggit na kondisyon, hindi ito nangangahulugan na maari ng magpakasal ang isang lalaki o babae sa iba kung kanilang gugustuhin. Dapat ay legal na munang ipawalang bisa ang kasal sa pamamagitan ng annulment o declaration of nullity of marriage. Na kung saan ang mga kondisyon na nabanggit ay maaring gamitin na ground.

Image from Freepik

How to check if your marriage is registered in the Philippines

Marriage certificate vs marriage license: Ano ang pagkakaiba

Pagliliwanag ng batas ang marriage certificate at marriage license ay magkaiba. Ang marriage license ay ang ibinibigay na lisensya o pahintulot ng gobyerno sa isang lalaki at babae na puwede silang ikasal na naayon sa batas. Ibinibigay ito bago isagawa ang kasal. Habang ang marriage certificate naman ay ang kontrata ng ikinasal na may basbas ng batas at gobyerno. Ibinibigay ito pagkatapos maisagawa ang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, ang tanong: How to check if your marriage is registered in the Philippines?

Para malaman kung rehistrado ba ang kasal ng isang lalaki at babae ay magagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng kopya ng marriage certificate sa inyong munisipyo. Isang paraan din ang pagkuha ng CENOMAR o Certificate of No Marriage mula sa PSA o Philippine Statistics Authority. Dahil sa pamamagitan nito ay malalaman kung may record ang kasal ninyo.

How to check if your marriage is registered in the Philippines?

Matapos ang inyong kasal, kailangang masiguro na ang Certificate of Marriage niyo ay mai-submit sa Local Civil Registrar’s office para sa proper registration at endorsement sa PSA.

Ang dapat na mag-asikaso ng pagrereport ng kasal sa LCR ay ang solemnizing officer o ang pari, pastor, mayor, o judge na nagkasal sa inyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang duly accomplished Certificate of Marriage ay dapat na maipasa sa LCR nang hindi lalampas ng 15 araw matapos ang kasal. Kapag lumampas na ito ng 15 araw, kinokonsidera na itong delayed registration.

Paano masisigurong registered ang inyong kasal?

Maaaring mag-request ng kopya ng Certificate of Marriage sa LCR ng lungsod kung saan kayo kinasal. Kung na-submit ng solemnizing officer ang inyong COM, kailangan niyo lang maghintay ng at least isang buwan matapos ang inyong kasal, at pwede na kayong mag-request ng kopya ng COM sa LCR.

Kapag walang maibigay na kopya ng COM ang LCR, ibig sabihin, hindi pa registered ang inyong kasal. O kaya naman ay hindi naipasa sa LCR para sa registration ang Certificate of Marriage na pinirmahan ninyo noong kayo ay ikasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras na malamang hindi rehistrado ang inyong kasal ay maari itong iparehistro sa pamamagitan ng delayed registration. At ito ay masasagawa sa pamamagitan ng sumusunod na paraan.

Pagpa-file ng delayed registration ng marriage certificate: Step-by-step guide

Sa pagfifile ng delayed registration of marriage ay dapat kumpletuhin muna ang mga requirements na kakailanganin para dito. Ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Affidavit of Delayed registration mula sa solemnizing officer ng kasal na nagsasaad ng exact plate at date kung kailan isinagawa ang kasal. Pati na ang iba pang mahahalagang impormasyon at dahilan kung bakit na-delay ang pagpaparehistro ng kasal.
  • Kung wala o patay na ang solemnizing officer ay kakailanganin ang certification mula sa PSA para sa authority to solemnize marriage.
  • Latest copy ng Certificate of No Record mula sa PSA at LCR o Local Civil Registry.
  • Latest copy ng CENOMAR ng parehong babae at lalaki mula sa PSA.
  • Original o duplicate copy ng marriage contract na may pirma ng ikinasal.
  • Kung walang marriage certificate, kakailanganin ng certification mula sa simbahan o solemnizing officer na naisagawa ang kasal. At ito ay base sa kanilang record o logbook.
  • Affidavit mula sa magkabilang-parties na nagsasaad ng dahilan ng delayed registration.
  • Certified copy of application for marriage license na nakasaad ang petsa kung kailan inisyu ang marriage license ng ikinasal.
  • Certified copy ng mga birth certificate ng anak kung saan nakasaad ang date at place ng kasal ng mag-asawa.
  • Kung ikinasal sa labas ng simbahan, kaikailanganin ang letter of request to solemnize marriage outside of church.

Kapag kumpleto na ang mga nasabing documents ay dalhin ito sa Local Civil Registrar na kung saan naganap ang kasal. At saka mag-apply para sa delayed registration of marriage.

Ang proseso ng pagsasaayos ng delayed registration ay maaring tumagal ng 2 hanggang 4 na buwan.  At ito ay nagkakahalaga ng P240.00.

Updates mula kay Jobelle Macayan

Basahin: Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement