Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days

Panatilihing malinis ang iyong cellphone laban sa coronavirus. Alamin dito ang tamang paraan kung paano ito gawin.

How to clean cellphone coronavirus protected way, narito ang tamang paraan.

Image from Freepik

Coronavirus maaring mag-stay sa iyong cellphone up to 9 days

Ayon sa mga eksperto ang COVID-19 o coronavirus disease ay naihahawa sa pamamagitan ng droplets na naikakalat sa dalawang paraan. Una, sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo. Pangalawa, sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nakapitan ng virus. O maidikit ito sa mukha na kung saan maaring pumasok ang virus sa mata, ilong at bibig.

Base nga sa isang pag-aaral, ang coronavirus ay maaring mabuhay sa mga inanimate surfaces tulad ng metal, glass, o plastic ng hanggang 9 na araw. Isa nga sa mga “inanimate surface” o bagay na maaring makapitan ng virus na palagi nating ginagamit at hindi mabitaw-bitawan ay ang ating cellphone. Ito ang natuklasan ng isang German study na nailathala sa Journal of Hospital Infection. Ang pag-aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-aassessed sa data mula sa 22 na pag-aaral tungkol sa human coronavirus tulad ng SARS, MERS at HCoV.

Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Charles Gerba, professor of microbiology and immunology sa The University of Arizona. Ayon sa kaniya, ay hindi kailangang ma-ubuhan o ma-atsingan ang iyong cellphone upang kapitan ito ng virus. Ang simpleng paghawak sa mga pinto at iba pang gamit ng hindi muna naghuhugas ng kamay bago humawak sa cellphone ay paraan na upang ma-contaminate ito ng virus.

“You do not have to sneeze on a cell phone to transmit disease-causing organisms. What we found out in studying virus movement on surfaces in office buildings is that you touch a surface with a virus on it and then you place it on your cell phone.”

“You then go home or to another location and you touch your phone again and, says, touch a table moving it to another location—great way to spread viruses around an office.”

Ito ang paliwanang ni Gerba tungkol sa pagkalat ng virus.

Image from Freepik

How to clean cellphone coronavirus protected way

Ngunit base sa bagong pag-aaral, hindi naman daw dapat mag-alala ang publiko tungkol rito. Dahil para makaiwas sa coronavirus ay maari naman daw linisan ang cellphone at iba pang surfaces na ating nahahawakan. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng solution na may taglay na 0.1% sodium hypochlorite o 62 to 71% na ethanol sa paglilinis.

“Coronaviruses can persist on inanimate surfaces like metal, glass or plastic for up to 9 days, but can be efficiently inactivated by surface disinfection procedures with 62–71% ethanol, 0.5% hydrogen peroxide or 0.1% sodium hypochlorite within 1 minute.”

Ito ang nakasaad sa bagong pag-aaral.

Cleaning your cellphone the right way

Pagdating sa paglilinis ng cellphone gamit ang nabanggit na cleaning agent ay may paalala si Günter Kampf, associated professor of hygiene and environmental medicine sa University of Greifswald, at lead researcher ng ginawang pag-aaral.

Una ay dapat i-check muna ang cleaning product na bibilhin kung nagtataglay ba ito ng amount ng agent na nabanggit. Pangalawa ay kung compatible ba ito sa surface ng cellphone na lilinisan. At ang paglilinis ng cellphone ay magagawa sa tulong ng alcohol wipes o microfiber cloth.

“Check with the manufacturer. First, it should be effective against coronavirus (or commonly used other enveloped viruses used for disinfectant testing). Second, not all disinfectants are compatible with the material of the smartphone surface.”

Ito ang pahayag ni Kampf.

Image from CNN Edition

Rekumendasyon ng mga cellphone manufacturers

Rekumendasyon naman ng Apple para sa iPhone users, maari nilang linisin ang kanilang cellphone gamit ang 70% isopropyl alcohol wipes o Clorox disinfecting wipes. Mula sa display, keyboard at iba pang exterior surfaces ng cellphone. Dapat ay hindi rin daw gumamit ng bleach at iwasang pasukin ng moisture ang openings ng cellphone.

Ito rin ang inirerekumenda ni Google para sa mga Android users. Habang paalala naman ng Samsung, upang hindi mailipat sa cellphone ang germs at viruses ay mas mabuting ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Lalo na sa tuwing uubo, babahing, kakain at gagamit ng banyo.

Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Jason Tetro, isang microbiologist. Ayon sa kaniya, maliban sa paglilinis ng cellphone ay dapat sundin rin ang mga precautionary measures laban sa coronavirus. Dapat ay ugaliin rin ang paghuhugas ng kamay. Hindi rin dapat isama sa bathroom o CR ang cellphone. At linisan ito ng hindi bababa sa dalawang beses araw-araw.

Dagdag namang payo ni Gerba, para masigurong hindi madadamage ang iyong cellphone sa tuwing ito ay lilinisan ay mabuting lagyan ito ng screen protector. Dahil ang screen protector ay maaring malinisan ng light solution ng alcohol at tubig. At hindi ito makakasama o makakaapekto sa display ng isang cellphone.

 

SOURCE: Oprah Mag, The Verge, Global News

BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19