How to compute electric bill: Paano mag compute ng electric bill sa mga ordinaryong buwan at sa mga nagdaang buwan na tayo ay naka-lockdown.
How to compute electric bill?
Marami sa atin ang nagulat ng dumating ang ating bill na kailangang bayaran sa buwan ng Mayo. Dahil kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan ay tumaas o kaya naman ay dumoble ito. Dagdag pa ang pag-iisip sa kung paano ito mababayaran, lalo pa’t maraming Pilipino ang hindi parin nakakabalik ng maayos sa kani-kanilang trabaho.
Kaya naman kaliwa’t kanan ang pagrereklamo sa napakataas na bill na kailangang bayaran. May ilang nagtataka habang may ilan namang inasahan na ang pagtaas ng halaga ng electric bill nila kumpara sa mga nagdaang buwan.
Sa mga ganitong pagkakataon, napakahalaga na alam natin kung paano mag compute ng electric bill. Ito ay para maintindihan natin kung paano umabot sa ganoong halaga ang ating na-konsumo.
Paano mag compute ng electric bill sa mga ordinaryong buwan
Noong nakaraang Marso bunsod ng ipinatupad na lockdown sa bansa laban sa sakit na COVID-19 ay nag-anunsiyo ang Meralco na ang magiging electric bill computation ng kanilang customer mula March 17 hanggang April 14 ay naka-base sa average consumption ng nakaraang 3 buwan ng December, January at February.
Mukhang magulo kung iisipin ngunit ang pag-cocompute sa nasabing billing period ay hindi naman kumplikado. Ngunit para ito ay maintindihan ay mas mabuting malaman muna kung paano mag compute ng electric bill sa mga ordinaryong buwan o ng walang ipinatutupad na lockdown. Gawin ito sa sumusunod na paraan:
Steps on how to compute electric bill
1. Una ay kuhanin ang kopya ng inyong bill ng nagdaang buwan. Tingnan ang likod nito at hanapin ang “Pres Rdg” o previous reading.
2. Sunod na magpunta sa inyong electric meter at kunin ang current reading.
3. Saka i-minus ang “Pres Rdg” ng iyong nakaraang bill sa current reading. Ang magiging sagot ay ang iyong kasalukuyang na-konsumo na kuryente.
Halimbawa:
Pres Rdg: 1800 kwh
Current reading: 1630 kwh
1800 – 1630 = 170 kwh
4. Kunin ang latest kwh rate ng Meralco. Makikita rin ito sa iyong nakaraang bill. Saka ito i-multiply sa nakuha mong sagot ng i-minus ang iyong previous at current reading.
Halimbawa: (P8.99 per kwh)
170 x 8.99 = P 1,528
Ang lumabas na resulta ang iyong estimated bill sa buwan na ito.
Para sa mga naka-submeter ay ganito naman kung paano mag compute ng electric bill buwan-buwan.
1. Kumuha ng kopya ng inyong electric bill. Kunin mula rito ang total main bill amount at total kwh consumed.
Halimbawa:
Total main bill amount: P 1,500
Total kwh consumed: 168
2. Sunod ay alamin kung magkano ang iyong binabayaran sa kada kwh na iyong kino-konsumo. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-didivide sa total main bill amount at total kwh consumed.
Halimbawa:
1,500 ÷ 168 = 8.92 kwh (Estimate, ito ay naka-depende parin sa rate ng Meralco)
Ang naging sagot ay ang halaga na binabayaran mo sa kada oras na gumagamit ka ng kuryente sa inyong bahay.
3. Kung naka-submeter ay mahalaga na i-record ang na-kokonsumong kuryente sa isang buwan. Ito ay para ma-ikumpara ito sa iyong current reading at ma-compute ang babayaran mo.
Halimbawa:
Previous reading: 2245 kwh (May)
Current reading: 2530 kwh (June)
2530 – 2245 = 285 kwh
Ang sagot ay ang na-konsumo mong kuryente para sa kasalukuyang buwan.
4. Para malaman ang halaga na iyong babayaran ay i-multiply ang iyong na-konsumong kuryente sa kasalukuyang buwan at kung magkano ang iyong binabayaran sa kada kwh.
Halimbawa:
285 x 8.92 = P2,542
Ang sagot ay ang halaga ng electric bill na dapat mong bayaran.
Paano mag compute ng electric bill ng may lockdown
Samantala, nitong nakaraang lockdown o ECQ ay ginawang basehan lamang ng Meralco ang average consumption ng isang household sa mga nakaraang 3 buwan ng December, January at February upang ma-estimate ang babayarang bill sa buwan ng Marso hanggang Abril. Ito ang kanilang naging komputasyon.
1. Una ay kinuha nila kung ilang kwh ang iyong binayaran o na-konsumong kuryente sa nakaraang tatlong buwan bago maipatupad ang lockdown. Saka ito ina-add o pinagsama-sama.
Halimbawa:
Dec 2019 electric consumption – 170 kwh
January 2020 consumption – 180 kwh
Feb 2020 consumption – 185 kwh
170 + 180 + 185 = 535
2. Sunod naman na kinuha ang bilang ng mga araw sa kada buwan ng December, January at February at ina-add ang mga ito.
Halimbawa:
Dec 2019 – 31 days
January 2020 – 31 days
February 2020 – 29 days
31 + 31 + 29 = 91 days
3. Ang nakuhang kwh sa pinagsamang konsumo ng buwan ng December, January at February ay i-divide sa pinagsamang bilang ng mga araw ng 3 buwan.
Halimbawa:
535 kwh ÷ 91 days = 5.87
4. At ang naging sagot ang ginawang basehan sa kada kwh na isiningil sa mga buwan ng March at April. Upang malaman kung ilang kwh ang iyong babayaran sa buwan ng March at April ay i-multiply ito sa bilang ng araw ng nasabing buwan.
Halimbawa:
5.87 x 31 days (March) = 181.97 kwh
5.87 x 30 days (April) = 176.1 kwh
5. Ang lumabas na mga sagot ang i-minultiply sa kada kwh na singil ng Meralco.
Halimbawa: (P8.99 per kwh na singil ng Meralco)
(March) 181.97 x P8.99 = P1,635
(April) 176.1 x P8.99 = P1,583
Ayan ang naging komputasyon sa naging electril ng mga buwan ng March at April.
Dahilan ng biglaang pagtaas ng kuryente
Paliwanag naman ng Meralco sa biglaang pagtaas ng electric bill sa buwan ng May ay dahil naka-base na ito sa aktwal na konsumo o sa reading ng iyong electric meter. At hindi ito estimate lang ng tulad sa buwan ng March at April. Ilan pa nga daw sa mga naging factors ng pagkakaroon ng mataas na kuryente ay ang sumusunod:
- Ang mga buwan na December 2019, January 2020 at February 2020 ay itinuturing na low consumptions months dahil sa cool o malamig pa ang panahon kumpara sa mga summer o hot months na March, April at May.
- Dahil sa mainit ay mas napadalas daw ang paggamit ng mga appliances. Dagdag pa ang ipinatupad na lockdown na kung saan lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa loob ng bahay at gumagamit ng kuryente.
Samantala, kung patuloy na naguguluhan o may katanungan sa inyong bill ay mas mabuting makipag-ugnayan sa Meralco. Dahil ang mga impormasyon sa artikulong ito ay ginawa upang maging guide o gabay lang.
Source:
MERALCO
Basahin:
Singil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa Meralco
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!