How to not be judgemental? Mga paraan upang hindi lumaking mapanghusha ang anak mo? Ito ang mga dapat tandaan.
Bilang isang magulang, dumating na ba sa point na tinanong ka bigla ng iyong anak ng: “Mama, bakit walang baon yung classmate ko? Wala po ba silang pera?” Ano ang sinagot mo sa katanungang ito? Dalawa lang ang maaring dahilan nyan. Una, maaaring hindi pa niya naiintindihan ang mga bagay sa mundo. O maaaring hindi mo pa naipaliwanag sa kanya ang mga bagay na ito.
Upang maiwasang maging mapanghusga ang anak mo, narito ang 5 tips para sa iyo:
1. Magpakita ng pag-ibig
Bilang isang nakatatanda, sa magulang unang nakikita at natututunan ng isang bata ang lahat. Kaya naman maging mabuting ehemplo para sa inyong mga anak. Turuan silang magpasalamat sa lahat ng mga dumadating na blessings. Malaki man ito o maliit.
2. Iparanas ang ibang kultura sa bata
‘It’s not what you look at that matters, it’s what you see.’ ~ Henry David Thoreau
‘Wag sanayin ang bata sa isang environment. Upang lubusang maintindihan ang mga bagay na hindi makikita sa loob ng bahay niyo, maaaring iparanas sa kanya ang ibang kultura. Dahil dito makakakilala siya ng iba’t-ibang tao at mga gawaing hindi pamilyar sa kanya. Katulad na lamang ng pagdadala sa kanya sa probinsya. Iparanas mo sa kanya ang mga pisikal na laro na dating ginagawa ng mga bata. Ipakita mo rin ang mga trabaho na katulald ng pagsasaka. Ipaliwanag dito na, dahil sa mga magsasaka nagkakaroon tayo ng kanin. At dahil dito, may pang araw-araw nang makakain ang bawat isa.
3. Ipaliwanag sa bata ang kaibahan ng bawat isa
Marahil dumating na sa punto ang anak mo na may pagdududa sa sarili. At nakapagbitaw na ng mga katagang, ” Mama, bakit mas maganda sa akin si ate?” Ipaliwanag sa anak mo na hindi kailangan maging katulad o mahigitan ang iba. It’s okay to be different, ika nga. Ipaliwanag sa anak mo ang iba’t ibang religion, kultura, katayuan sa buhay at ang pagkakaiba ng bawat tao.
Dahil dito, magkakaroon na ng idea ang bata sa bawat estado ng buhay. Hindi na siya magtatanong kapag may nakitang kakaiba sa kanyang mga mata bagkus, ito ay iintindihin na niya.
4. Bantayan ang iyong mga salita
Sa pagkausap sa iyong anak, laging mag-ingat sa iyong mga ginagamit na salita. Tandaan lang na matalim ang pandinig ng isang bata. Lahat ng naririnig o nakikita niya ay maaaring gayahin din niya. Ang sexism at racism ay karaniwang nagsisimula sa loob ng bahay. Kapag sinabihan mo ang isang bata ng ‘mataba o pangit’ tatatak ito sa kanilang mga utak at maaaring sabihin din sa iba pang mga bata. Nasa isip nito na tama ang ganitong mga salita dahil nagmula ito sa’yo, sa taong mas nakakatanda sa kanya.
5. Ang pagsasabi ng masama ay nagsisimula sa bahay
Ang ganitong klase ng pagtuturo ay maaaring tumatak sa isip ng bata. Kung ang mga magulang ay hindi iniintindi ang buhay ng iba, ito ay maaaring makahawa sa kanilang mga anak. Katulad ng simpleng pagpuna ng mga bagay sa isang pamilya, kaibigan, guro at mga kapitbahay ay nakakapagturo sa isang bata kung paano tumingin ng mali sa isang tao. Maaaring lumaki ang isang bata na mapanghusga kung hindi ito matuturuan o maipapaintindi ang kaibahan ng bawat isa sa kanya.
Source: Healthy Place , Huff post
BASAHIN: Raising Non Judgemental Kids , 15 smart parenting tips to raise good kids