Hubad at mas gusto ba ng iyong toddler na walang damit ng madalas? Huwag kang mag-alala hindi siya nag-iisa. Hindi mo rin ito dapat na ikabahala. Normal na phase lang ito sa buhay ng isang bata na unti-unti pa lang na natuto sa mundong ginagalawan niya.
Kahulugan ng hubad habit ng mga toddler
Ayon kay Ana Jovanovic, isang psychologist, ang hubad habit ng mga toddler ay normal lang at hindi dapat ikabahala.
Isa lang daw ito sa kanilang paraan para masabi o maipakita ang kanilang nasa isipan o nararamdaman bilang isang bata.
Ilan nga daw sa mga dahilan kung bakit hubad ng hubad ang mga toddlers ay ang sumusunod:
Comfort
Mas mainit ang katawan ng mga bata kaysa sa ating matatanda. Ito ay dahil hindi pa ganoon ka-develop ang body system nila na nagreregulate ng init ng kanilang katawan.
Kaya naman sa mga panahon tulad ngayon, ay mas gusto ng mga toddler na mag-hubad na kung saan presko ang kanilang pakiramdam at mas komportable sila.
New Skill
Ang hubad habit din ng mga toddlers ay nangangahulugan lang ng isang skill na kanilang bagong natutunan. Ito ay ang paghuhubad ng sarili nilang damit.
Bagaman hindi pa nila kayang mag-suot ng damit ng mag-isa.
Gaining Control
Ang patuloy na hubad habit ng iyong anak kahit na binibihisan mo siya ng paulit-ulit ay isang palatandaan lang na natutununan na niyang mag-kontrol sa mga bagay na nasa paligid niya.
Attention Seeking
Isang dahilan din kung bakit hubad ng hubad ang mga toddlers ay dahil gusto lang nilang magpapansin o kunin ang iyong atensyon. At ito pa ay mas lalong ipagpapatuloy nila kung nakita nilang ikaw o ang iba sa paligid niya ay masaya o natutuwang makita siyang hubad.
Exploration
Ang hubad habit ng isang toddler ay nangangahulugan din ng kanilang exploration sa sarili nilang katawan.
Ayon parin kay Jovanovic, ito daw ang tamang panahon para maipaliwanag sa kanila kung kailan tama at mali na mag-hubad ng damit bilang pagpapahalaga sa kanilang katawan at sarili.
Kaya kasabay ng pagpapaliwanag ay dapat mo din silang turuan kung paano mapipigilan ang hubad habit na ito para hindi nila makasanayan at kalakihan.
Para naman mapigilan ang anak sa paghuhubad ng damit lalo na sa public places ay narito ang mga paraan na maaring gawin.
- Pasuotin sila ng mga damit na mahihirapan silang hubarin.
- Bigyan sila ng oras kung kailan pwede silang mag-hubad. Tulad nalang ng 30 minutes bago maligo, para naman makasanayan nila na ang paghuhubad ay ayos lang sa tuwing maglilinis ng katawan o maliligo.
- Hayaan mo silang pumili ng damit na kanilang susuotin. Ito ay para mas mapraktis nila ang sense of control na unti-unti nilang natutunan. Sa ganitong paraan rin ay mas nanaisin nilang isuot at hindi hubarin ang damit na pinili nilang suotin.
- Iwasang kumuha ng atensyon kapag naghubad ang iyong anak sa mga public places. Hangga’t maari ay pagsabihan siya ng kalmado at ibalik ang damit niya ng dahan-dahan. Dahil sa oras na makita niya na napapansin siya sa tuwing naghuhubad siya ay lalo niya itong gagawin.
Source: Pop Sugar , Kinacle
Basahin: Iya Villania shares a great tip when buying clothes for kids!