X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK! 'Crash Landing On You' stars Hyun Bin at Son Ye-Jin kasal na

4 min read

Ikinasal na ngayong araw ang bida sa sikat na South Korean drama na Crash Landing on You na sina Hyun Bin at Son Ye-Jin. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Hyun Bin at Son Ye Jin wedding 
  • Love story nilang dalawa

Hyun Bin ang Son Ye-Jin wedding 

Ibinahagi ng VAST Entertainment at MSTeam sa kanilang statement ngayong araw na ikakasal na sina Son Ye Jin at Hyun Bin ngayong araw. Pahayag nila, 

“Actors Son Ye Jin and Hyun Bin are holding their wedding ceremony today, taking their first step as a married couple.

The ceremony will be private in consideration of the situation with COVID-19, so we ask for your generous understanding. We are sharing the news with their wedding photos instead.”

Nagpasalamat din sila sa pamamagitan ng kanilang mga agency sa pagsuporta at mga nagbigay ng mga congratulatory message para sa dalawa, sa kanilang pagpapakasal.

Ibinahagi rin nila ang kanilang pre-wedding photos. Makikita na masayang-masaya ang dalawa para sa kanilang kasal. Ang wedding gown naman ni Ye Jin ay gawa ng international designer na si Vera Wang. 

hyun bin and son ye jin

Larawan mula sa Instagram account ng VAST.ENT

Ayon pa sa ibang ulat, intimate wedding ang kanilang kasal na dadaluhan lamang ng 200 guest kabilang na rito ang kanilang malalapit na pamilya at mga kaibigan. Star studded din ang kanilang wedding, kabilang sa mga dadalo ay ang kanilang mga kaibigan sa industriya na sina Gong Hyo-jin at Kim Sun-ah.

hyun bin and son ye jin

Larawan mula sa Instagram account ng VAST.ENT

Ginanap ang kanilang kasal sa Gwangjang-dong, Gwangjin-gu, Seoul, 4pm ng hapon South Korea Time.

Si Hyun Bin ay nakilala noon sa South Korea nang magbida siya sa romantic comedy show na My Name is Kim Sam-soon, simula noon ay sunod-sunod na ang mga drama na pinagbibidahan niya.

Ang kaniyang mga nagawang pelikula at drama ay kinalala rin sa ibang bansa. Isa siya sa highest paid at most infuential actor sa South Korea. 

Samantala si Son Ye Jin ay nakilala sa South Korea noong 2003 nang lumabas siya sa mga drama na The Classic, at Summer Scent. Kinalala siya sa South Korea bilang, Nation’s First Love. 

BASAHIN:

After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

LOOK: Erich Gonzales ikakasal na ngayong Marso!

Glaiza de Castro at asawang si David Rainey magpapakasal ulit dito sa Pilipinas

Love story nilang dalawa

Unang nagkakilala ang dalawa sa pelikulang kanilang pinagbidahan noong 2018 na may titulong, “The Negotiation” at siyempre muli silang nagkasama sa “Crash Landing on You”. 

hyun bin and son ye jin

Larawan mula sa Instagram account ni Son Ye Jin

Nakilala ng marami ang kanilang tambalan sa “Crash Landing on You”. Si Hyun Bin na gumaganap bilang Ri Jeong-Hyeok, at Son Ye Jin bilang si Yoon Se-Ri. Maraming fans ang na-inlove sa kanilang love team. Umani pa lalo sila ng kasikatan hindi lamang sa South Korea kundi pati sa buong mundo. 

Matapos nilang gawin ang Korean Drama na “Crash Landing on You” inanunsyo ng dalawa na sila’y magkasintahan na. At nang sumunod nga na taon, inanunsyo nila sa publiko na sila’y magpapakasal na. 

Sa isang post ni Son Ye Jin sa Instagram noong nakaraan sinabi niyang, 

LOOK! Crash Landing On You stars Hyun Bin at Son Ye-Jin kasal na

Larawan mula sa Instagram account ni Son Ye Jin

“I thought long and hard about how to share this story because it’s an important one.
I found someone to spend the rest of my life with.
Yes… it’s him.☺️

Boy meets girl,
recognizes each other in the crowd,
promises to build a future together…
I couldn’t imagine!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

It happened so naturally…
But, isn’t that destiny?

Just being with him, I feel warm and protected. Please help us celebrate the beginning of our future.🤗

And to my dearest fans,
I have received unconditional love and
for a long time now, I thought, there’s no way to repay it.
Please know that I’m infinitely grateful and
I also wish you all happiness!”

Maraming fans ang kinilig nang malaman na sila’y nagkatuluyan nga sa totoong buhay. 

Congratulations Hyun Bin at Son Ye Jin!

 

Instagram, Naver, Soompi

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK! 'Crash Landing On You' stars Hyun Bin at Son Ye-Jin kasal na
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.