Erich Gonzales wedding magaganap na nga ba ngayong Marso?
Mababasa sa artikulong ito:
- Erich Gonzales wedding banns.
- Sino ang papakasalan ni Erich Gonzales.
- Mga requirements sa pagpapakasal sa simbahang Katoliko
Erich Gonzales wedding magaganap na ngayong Marso!
Image from Erich Gonzales’ Official Facebook account
Ito ang balitang gumulat sa mga netizens matapos kumalat ang litrato ng wedding banns ni Erich Gonzales at boyfriend na si Mateo Lorenzo sa social media.
Base sa kumakalat na litrato ng kanilang wedding banns nakatakdang ikasal si Erich kay Mateo nitong darating na Marso 23, 2022. Ang kasal ay gaganapin sa lugar kung saan nakunan ang litrato ng kanilang wedding banns. Ito ay sa St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang Village, Muntinlupa City.
Sa naturang wedding banns ay makikita rin ang ilang personal na impormasyon ni Erich, 31-anyos at boyfriend na si Mateo, 29-anyos.
Bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang aktres ukol dito ay marami naman ang natuwa sa balitang siya ay ikakasal na.
Matatandaang noong 2017 ay ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino na may nanliligaw na rich guy kay Erich. Para nga lang daw sa aktres ay nagpunta ang lalaking ito sa shooting ng pelikula ni Erich noon sa Siargao.
Image from Erich Gonzales’ Official Facebook account
Sa sumunod na taon, 2018 ay kinumpirma ni Erich na siya nga ay may manliligaw na hindi mula sa showbiz. Ito nga raw ay nakasama niya ng magbakasyon sa Japan.
Hindi man pinangalanan ni Erich kung sino ang naturang manliligaw sinabi niyang kapatid ito ng boyfriend noon ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo.
Nanatiling pribado si Erich pagdating sa kaniyang pakikipagrelasyon. Sa isa sa kaniyang mga vlog episodes ay ito ang nasabi niya kung bakit pinili niyang panatilihin ito sa ganitong paraan.
“I think it’s for the best. I want to protect something so precious to me, something beautiful. And I don’t want to ruin it so sa akin na lang iyon.”
Samantala, base pa rin sa kumakalat na wedding banns ni Erich, makikitang ang ama ng kaniyang fiancé na si Mateo ay ang businessman at kilalang serial industrialist na si Martin Ignacio Lorenzo.
Si Mateo ay isa sa labindalawang anak ni Martin na nagmula sa pamilyang nagmamay-ari ng Del Monte Philippines. Maliban dito, mayroon pa itong higit sa 18 negosyong pinamamahalaan bilang CEO.
Tulad ng kaniyang ama, si Mateo ay isa ring kilalang businessman sa bansa.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes
50,000 pesos wedding budget? Kayang kaya mo na yan!
Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”
Ano ang wedding banns?
Samantala, ang wedding banns tulad ng kumakalat na litrato tungkol sa aktres na si Erich Gonzales ngayon ay ang paraan ng pag-aanunsyo ng simbahang Katoliko sa takdang pagpapakasal ng isang magkapareho.
Ang layunin ng pagpo-post ng wedding banns ng simabahang Katoliko ay upang maipaalam sa lahat kung may nais bang tumutol sa takdang kasalan.
O may canonical o civil legal impediments ba na maaaring maging dahilan upang hindi ito matuloy ang kasal. Tulad na lang kung ang isa sa mga ikakasal ay may pre-existing marriage na hindi pa nai-aannull.
Ang wedding banns ay isa rin sa mga requirement na kailangang isakatuparan ng mga ikakasal sa simbahang Katoliko. Ito ay ang form na pinapa-fillupan sa magpapakasal habang sila ay sumasailalim sa canonical interview.
Mga requirements sa pagpapakasal sa simbahang Katoliko
Maliban sa wedding banns ang iba pang requirement na dapat ihanda ng mga magpapakasal sa simbahang Katoliko ay ang mga sumusunod:
- Bagong baptismal at confirmation certificates na valid lamang sa loob ng 6 na buwan ay may annotation na “FOR MARRIAGE PURPOSES ONLY”.
- Marriage license na maaaring makuha sa city o municipality na nakatira ang magpapakasal.
- Canonical interview o ang pag-iinterview ng pari o kaniyang assistant sa magpapakasal. Madalas itong nagaganap ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan bago ang takdang petsa ng kasal.
- Certificate of attendance sa pre-marriage seminar mula sa inyong lokal na parish o parokya ng simbahan.
- Wedding o marriage permit mula sa inyo paring lokal na simbahan.
- Wedding o marriage banns.
- Birth certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) mula sa Philippine Statistics Authority.
- Pangalan at address ng mga principal sponsors ng kasal na hindi bababa sa dalawa.
- Pangungumpisal ng isang beses sa isang linggo bago maikasal. Ang requirement na ito ay hinihingi ng ibang simbahang Katoliko bagamat hindi lahat. Layunin nito na maging handa at malinis mula sa mga kasalanan ang dalawang magkapareho bago maikasal.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!