LOOK! 'Crash Landing On You' stars Hyun Bin at Son Ye-Jin kasal na

Congratulations Hyun Bin at Son Ye Jin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinasal na ngayong araw ang bida sa sikat na South Korean drama na Crash Landing on You na sina Hyun Bin at Son Ye-Jin. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Hyun Bin at Son Ye Jin wedding 
  • Love story nilang dalawa

Hyun Bin ang Son Ye-Jin wedding 

Ibinahagi ng VAST Entertainment at MSTeam sa kanilang statement ngayong araw na ikakasal na sina Son Ye Jin at Hyun Bin ngayong araw. Pahayag nila, 

"Actors Son Ye Jin and Hyun Bin are holding their wedding ceremony today, taking their first step as a married couple.

The ceremony will be private in consideration of the situation with COVID-19, so we ask for your generous understanding. We are sharing the news with their wedding photos instead.”

Nagpasalamat din sila sa pamamagitan ng kanilang mga agency sa pagsuporta at mga nagbigay ng mga congratulatory message para sa dalawa, sa kanilang pagpapakasal.

Ibinahagi rin nila ang kanilang pre-wedding photos. Makikita na masayang-masaya ang dalawa para sa kanilang kasal. Ang wedding gown naman ni Ye Jin ay gawa ng international designer na si Vera Wang. 

Larawan mula sa Instagram account ng VAST.ENT

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa sa ibang ulat, intimate wedding ang kanilang kasal na dadaluhan lamang ng 200 guest kabilang na rito ang kanilang malalapit na pamilya at mga kaibigan. Star studded din ang kanilang wedding, kabilang sa mga dadalo ay ang kanilang mga kaibigan sa industriya na sina Gong Hyo-jin at Kim Sun-ah.

Larawan mula sa Instagram account ng VAST.ENT

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginanap ang kanilang kasal sa Gwangjang-dong, Gwangjin-gu, Seoul, 4pm ng hapon South Korea Time.

Si Hyun Bin ay nakilala noon sa South Korea nang magbida siya sa romantic comedy show na My Name is Kim Sam-soon, simula noon ay sunod-sunod na ang mga drama na pinagbibidahan niya.

Ang kaniyang mga nagawang pelikula at drama ay kinalala rin sa ibang bansa. Isa siya sa highest paid at most infuential actor sa South Korea. 

Samantala si Son Ye Jin ay nakilala sa South Korea noong 2003 nang lumabas siya sa mga drama na The Classic, at Summer Scent. Kinalala siya sa South Korea bilang, Nation's First Love. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

LOOK: Erich Gonzales ikakasal na ngayong Marso!

Glaiza de Castro at asawang si David Rainey magpapakasal ulit dito sa Pilipinas

Love story nilang dalawa

Unang nagkakilala ang dalawa sa pelikulang kanilang pinagbidahan noong 2018 na may titulong, "The Negotiation" at siyempre muli silang nagkasama sa "Crash Landing on You". 

Larawan mula sa Instagram account ni Son Ye Jin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakilala ng marami ang kanilang tambalan sa "Crash Landing on You". Si Hyun Bin na gumaganap bilang Ri Jeong-Hyeok, at Son Ye Jin bilang si Yoon Se-Ri. Maraming fans ang na-inlove sa kanilang love team. Umani pa lalo sila ng kasikatan hindi lamang sa South Korea kundi pati sa buong mundo. 

Matapos nilang gawin ang Korean Drama na "Crash Landing on You" inanunsyo ng dalawa na sila'y magkasintahan na. At nang sumunod nga na taon, inanunsyo nila sa publiko na sila'y magpapakasal na. 

Sa isang post ni Son Ye Jin sa Instagram noong nakaraan sinabi niyang, 

Larawan mula sa Instagram account ni Son Ye Jin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I thought long and hard about how to share this story because it’s an important one.
I found someone to spend the rest of my life with.
Yes… it’s him.☺️

Boy meets girl,
recognizes each other in the crowd,
promises to build a future together…
I couldn’t imagine!

It happened so naturally…
But, isn’t that destiny?

Just being with him, I feel warm and protected. Please help us celebrate the beginning of our future.?

And to my dearest fans,
I have received unconditional love and
for a long time now, I thought, there’s no way to repay it.
Please know that I’m infinitely grateful and
I also wish you all happiness!"

Maraming fans ang kinilig nang malaman na sila'y nagkatuluyan nga sa totoong buhay. 

Congratulations Hyun Bin at Son Ye Jin!

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote