X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ian Veneracion kapag ikinasal ang kaniyang anak na lesbian: "I'd cry like a baby!"

5 min read
Ian Veneracion kapag ikinasal ang kaniyang anak na lesbian: "I'd cry like a baby!"

Ikinuwento rin ng aktor kung papaano nagsimula ang love story nila ng kaniyang misis.

Buong sayang inihayag ng aktor na si Ian Veneracion kanyang suporta sa pagiging lesbian ng kanyang daughter na si Deirdre Veneracion sa isang interview nito with Karen Davila.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ian Veneracion magiging emosyonal kapag ikinasal ang kaniyang daughter
  • How Ian Veneracion met his wife

Ian Veneracion magiging emosyonal kapag ikinasal ang kaniyang daughter

ian veneracion daughter

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Ian Veneracion

Kilala ang aktor na si Ian Veneracion bilang mahusay na aktor at sikat na heartthrob dahil sa dami pa rin ng kanyang napakikilig kahit ngayon sa kanyang edad. Sa kabila ng mga ito, paano kaya siya bilang tatay naman?
Sa isang video na uploaded sa YouTube channel ni Karen Davila, ikinwento ng aktor na si Ian Veneracion kung paano siya bilang tatay. Ngayon ay maituturing niyang devoted ang sarili sa tatlo niyang supling. Ibinahagi niya rin sa video na ito kung paano niya tinanggap ang daughter na si Deirdre Veneracion bilang lesbian.
Pagbabalik-tanaw niya isang beses daw ay inaya siya ni Deirdre na makipag-usap tungkol sa isang bagay. Pagkukwento ni Ian Veneracion,
“One day medyo awkward siya and she said to me, ‘Can I talk to you? I said sure have a seat.”

“Sabi niya, ‘I like girls’ tapos sabi ko, ‘Go! Ako din, I like girls. Girls are awesome ‘no?'”

Sabay raw silang nagtawanan habang teary-eyed na tinanong siya ng anak kung “okay” lang ba raw ito. Sinagot niya ito ng, “Of course, it’s okay!”
Pinangaralan niya rin ang anak na wala raw ito dapat ihingi ng patawad sa pagiging lesbian nito.
“Never, ever be apologetic about your preferences, even with me. It has nothing to do with intelligence, it has nothing to do with your sense and integrity. It has nothing to do with anything actually.”
Sa kabila raw ng pag-amin ng kanyang anak may ideya na raw ito sa kanyang kasarian. Noong bata kasi ito nakikita niya na kahiligan nito sa mga sports at activities napang “brusko.” Dati pa nga raw ay ipinagdasal niya na maging part ng LGBT community talaga ang anak dahil sa takot nitong maligawan at masaktan siya.
ian veneracion daughter

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Dids Veneracion

Para kay Ian may sariling buhay ang anak maging ang mga magulang kaya dapat daw na piliin nila kung paano ito gugulin. Hindi raw siya willing na masunod lamang ang gusto niya kahit hindi na masaya ang anak. Buong loob daw kasi siyang sumusuporta sa kahit anong gusto ng anak para sa kanyang future.
“I’lll just support whatever you wanna be that you grow your wings so could fly high. All I can do there is support in you in what ever way.”
Tinanong din ang aktor hinggil sa magiging reaksyon nito kung sakaling magpasyang magpakasal ang anak na si Deirdre,

“It’s up to her. Yeah, sure. Of course! Kapag sinabi niya sa akin to walk her down the aisle, of course “I’d cry like a baby! I’m sure.”

Pagkukwento pa ni Ian, maituturing niya raw ang sarili bilang “kunsitidor” na dad habang ang asawa naman niya ang istrikta. Madalas daw siyang maging mapagbigay sa kaniyang mga anak lalo sa kaniyang daughter.

Paliwanag ni Ian, isang smile lang kasi ng kaniyang mga anak ay sumasaya na siya. At nakaka-depress daw kapag nakikita niyang nakasimangot ang mga anak.

Payo naman ni Ian Veneracion sa kaniyang dalawang binatilyo, dapat ay iwasan ang pagiging babaero. Aniya, walang ‘cool’ sa pambabae at dapat maging stick to one kapag nasa loob na ng isang relasyon.

BASAHIN:

Yeng Constantino to her gay brother: “I am for you. I want you to be happy.”

LOOK: Same-sex couple dumaan sa ‘shared motherhood’

Sheryn Regis daughter sa pag come-out niya as lesbian: “You are free, mom. I love you and I’m very proud of you.”

How Ian met his wife

Ibinahagi rin ng aktor kasama si Karen Davila sa isang video sa Youtube kung paano nga ba niya nakilala ang nanay ng kanyang tatlong supling, ang kanya ngayong asawa.

Una niya raw nakilala ang asawa noong 18 taong gulang pa lamang siya. Sa isang shoe box daw na puro calling card kumuha raw siya ng isa at tinawagan niya ang numerong ito.

Tinawagan niya raw ito at nagpakilalang siya ang aktor na si Ian Veneracion dahil buong akala niya raw ay may “charm” ito sa asawa niya noon. Buong gulat niya raw ng binabaan siya nito at sinabing, “Marami akong ginagawa!” Dahil dito ay sobrang na-challenge siya kaya pinursue niya na ligawan ang asawa.

ian veneracion daughter

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Ian Veneracion

“At that time, I couldn’t imagine myself waking up every morning or going to bed every night with the same person. No way! Pero at some point narealize ko na, ‘No! I can’t imagine myself without this person. So ‘yun, that’s when I know na she’s the one for me.”

Pagbabahagi niya very private person daw ang asawa kaya ayaw niya mapost publicly. Hindi rin daw ito pala social media kaya hindi rin gaano kilala ng kanyang fans at followers.

Pagkukwento ni Ian ang best decision niya raw sa buhay niya ay ang pagpapakasal sa asawa niya noong 22 years old siya. Dahil hanggang ngayon sa loob ng 25 years ay mahal na mahal niya pa rin ito.

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ian Veneracion kapag ikinasal ang kaniyang anak na lesbian: "I'd cry like a baby!"
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.