Halos lahat mayroong iba’t ibang klase ng nunal. Maski mga bata ay mayroon ring tumutubong nunal sa kanilang mukha o katawan. May mga nunal na nasa katawan mo na nang ikaw ay ipinanganak at meron ding mga nunal na tumutubo habang ikaw ay lumalaki. Halos lahat ng nunal ay normal na nadedevelop sa sun exposure katulad ng freckles. Ngunit alam mo bang may mga nunal na dapat mong ikabahala?
Kapag ang isang nunal ay nagbabago ang kulay, shape o laki, ito ay maaaring hindi ordinaryong nunal lamang. Pero bago natin alamin ang mga posibilidad na cancerous mole ito, ating alamin muna ang iba’t ibang klase ng nunal.
Iba’t ibang klase ng nunal
Ang mga common moles ay lumalabas kapag ang melanocytes o mature melanin ay nabubuo bilang isang cell imbes na kumalat sa katawan.
Ang nunal ay makikita sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Magkakaiba ang hugis, laki at color nito. Maaaring ito ay kulay itim, brown, light brown at red.
Congenital Moles
Kapag ang isang baby ay ipinanganak na may nunal, ito ay tinatawag na congenital mole. Ang mga nunal na ito kasama ang Café au lait spot ay mayroong iba’t-ibang laki, kulay, hugis at texture. 1 out of 100 newborn baby lamang ang nagkakaroon ng congenital mole. Umaabot ang laki nito sa 4 inches.
Acquired Moles
Ang mga nunal sa category na ito ay nabubuo habang lumalaki tayo. Nagkakaroon nito dahil sa sun exposure at damage.
Isang halimbawa nito ay ang freckles na nakikita kadalasan sa mukha ng isang tao. Nagpapakita ito dahil sa genetics o labis na exposure sa araw. Natural lang ang pagkakaroon ng freckles unless ito ay kumalat ng mabilis at todo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Kadalasang kulay ng nunal ay brown na iba’t-ibang laki at hugis rin. Ang acquired na laki ng nunal ay nasa 1/4 inch.
Atypical Moles
Ang Atypical moles ay mas malaki kumpara sa ibang klase ng nunal. Ang edges nito ay irregular at ang kualy ay maaaring magbago mula light hanggang dark shade. Ito ay kilala sa tawang na dysplastic nevus na may kahawig sa melanoma. Ang nunal na ito ay malaki ang tyansa na maging melanoma at maging cancerous. Maaaring maging mabuhok ito at mawala paunti-unti ang edges nito. Kahit na karamihan sa kanila ay hindi nagiging melanoma, mas maganda kung ipasuri ito sa doctor.
Kailan dapat mag-alala sa iyong nunal?
Ang mga nunal na present na sa iyong balat bago ka pa lamang ipanganak ay less prone na maging cancer kaysa sa mga nunal na tumutubo habang ikaw ay lumalaki. Kapag ang nunal sa mukha o katawan ng anak mo ay patuloy na lumalaki o nagbabago ang kulay, mas mabuting ipatingin ito sa dermatologist.
Pero bago mag panic at dalhin sa doctor ang iyong anak, narito ang checklist kung kailan ang best time na ipasuri siya sa skin specialist.
- Mabilis na paglaki ng nunal
- Pagbabago ng hugis at kulay ng nunal
Ang kulay brown, black o skin-colored na nunal ay normal ngunit ang kulay red na nunal ay hindi. Kaya kailan dapat ikabahala ang nunal? Kapag napansin mo na ang nunal mo ay kulay red, pink, white o blue, mas magandang magpatingin na sa doctor.
Sa pagkakataong ito, ang mga nunal na may ganitong kulay ay maaaring naghalo ang mga kulay at maaring maging melanoma.
- Pagbabago ng texture at height
- Makati at scaly na texture ng nunal
- Matigas at maumbok na nunal
- Nagdudugong nunal
- Pagkakaroon ng mahigit 50 na nunal
Kapag ang nunal ay umabot na sa 50 years old, ito ay kailangang masuri dahil pwede itong maging melanoma na maaaring maging banta sa buhay. Ang melanoma ay siang uri ng skin cancer na nagsisimula sa melanocytes. Mabilis itong kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na sumisira sa mga tissue.
Umaabot sa 6 millimeters o kasing laki ng pencil eraser ang melanoma. Mabilis rin itong magbago ng laki, hugis at color. May ibang kaso na nararanasang dumugo ang nunal.
Skin cancer risk and causes in children
Mahalagang malaman ng mga magulang ang potential risk nito para mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mga anak.
Katulad ng ibang cancer, skin cancer ay malaking banta rin sa buhay ng isang bata. Ang mga batang may light skin at light hair ay may mataas na tyansa na magkaroon ng paediatric melanoma. Ayon sa UnityPoint Health, ang risk of melanoma increases already at 15 years old.
Ang exposure sa ultraviolet radiations at severe sunburn history ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng skin cancer ang bata. Kasama na rin dito ang family history.
Narito ang dahilan kung bakit nagdedevelop ang cancerous mole sa mga bata:
- Family history ng skin cancer
- Light skin at light hair
- Labis na exposure sa araw at ultraviolet rays
- Pagkakaroon ng sun burn
- Maraming freckles at nunal
- Radiation therapy o paggamit ng tanning beds
Instead na mag worry sa nunal, ang early identification ng sintomas ng mga ito at annual check-up ay makakapigil sa skin cancer. Ang sintomas ng cancerous o melanoma sa bata at kapareho lang sa mga matatanda.
Ang mga magulang ay kailangang bantayan ng maigi ang kanilang mga anak sa bago at biglaang developments. mas mabuting magpatingin agad sa doctor kung sakaling makakita ng kakaibang pagbabago sa nunal.
Tandaan, ang cancer na maagang nakikita ay madaling lunasan.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Inakalang nunal, sintomas na pala ng skin cancer