Narito kung ano ang ibig sabihin ng lethargy sa baby at ang mga sintomas na dapat mong bantayan ukol sa kondisyong ito.
Lethargy in babies
Ayon sa Stanford Medicine, ang listlessness o lethargy in babies ay tumutukoy sa kawalan ng energy ng isang sanggol. Pero paliwanag ni Dr. Daniel Fisher, isang pediatrician sa California, hindi ito tulad ng pagiging matamlay o low energy lang si baby. Dahil madalas ang mga sanggol na nakakaranas nito ay natutulog na mas mahimbing at hindi agad nag-rerespond sa kung anumang nangyayari sa paligid niya.
“Lethargy is not the same as low energy, which is what 99 percent of parents describe as ‘lethargy.”
“Babies who are in a deep sleep or sleepy will respond to stimulus, whereas lethargic babies will not.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Fisher na vice chair of pediatrics sa Providence Saint John’s Health Center sa Santa Monica, California.
Ayon naman kay Dr. Gina Posner, isa paring pediatrician mula sa California, ang pagiging lethargic ng isang sanggol ay madalas na may kaugnayan sa pagkakaroon ng isang sakit. Sakit na dahilan kung bakit siya sobrang antukin, hindi gumagalaw o kahit na umiiyak.
“If your child has been sick and starts being extremely sleepy and not moving much or crying, that could be lethargy.”
Ito ang pahayag ni Dr. Posner tungkol sa lethargy in babies.
Sintomas ng lethargy sa mga sanggol
Ayon naman sa mga pag-aaral at pahayag ng mga eksperto, ilan pa nga sa iniuugnay na sintomas ng lethargy sa mga sanggol ay ang sumusunod:
- Sobrang pagiging antukin o natutulog ng mas mahaba kaysa sa normal.
- Sluggish o inactive at hindi nagrerespond sa nangyayari sa paligid niya.
- Mahirap gisingin kapag natutulog o hindi alerto sa kahit anumang tunog o nakikita kapag siya ay gising.
- Nakatingin sa kawalan at hindi ngumingiti.
- Ayaw maglaro at walang energy kahit para umiyak.
Mula sa mga nabanggit na sintomas, malamang ang sunod mong tanong ay ano nga ba ang ibig sabihin ng lethargy sa baby? At may dapat bang ipag-alala tayong mga magulang kung nagpapakita si baby ng sintomas nito? Ang sagot ng mga pediatrician at health experts ay oo!
Ibig sabihin ng lethargy sa baby
Ang lethargy sa mga sanggol ay maaring mag-develop ng dahan-dahan. Ngunit ito ay maaring magdulot ng malaking pagbabago sa kaniyang behavior na isa umanong palatandaan na siya ay may iniindang sakit o karamdaman. Madalas ito ay iniuugnay sa pagkakaroon ng infection o mababang sugar level sa katawan ng sanggol. Ang parehong kondisyon na nabanggit ay mapanganib sa mga sanggol at itinuturing ng isang medical emergency.
“If your baby is lethargic, it is dangerous. We never use that word lightly — we are all taught that lethargy should be treated as a medical emergency. Lethargy typically comes along with an illness.”
Itong dagdag pahayag ni Dr. Posner tungkol sa lethargy in babies.
Habang ayon naman kay Dr. Fisher, bagamat ang mga pagiging antukin at low energy ay normal sa mga newborn babies, hindi ito dapat isawalang-bahala. Dahil sa kahit anong edad ang pagiging lethargic ay delikado. At ito ay isang palatandaan na kailangan ng agad dalhin sa ospital ang nagpapakita ng sintomas nito lalo na ang mga sanggol.
Paraan kung paano matutukoy na lethargic si baby
Payo ng mga eksperto isang paraan upang matukoy kung si baby ay lethargic na o hindi ay sa pamamagitan ng kaniyang braso. Kunin at itaas ang isang braso ni baby at saka bitawan. Kung ang braso niya ay agad na bumagsak ng mabilis at mabigat na para bang walang kamala-malay, ito ay nangangahulugan na hindi niya ito nakokontrol. Isang palatandaan na siya ay lethargic na at dapat ng agad na dalhin sa ospital.
Dahil paliwanag pa ni Dr. Posner, kahit anong antok o malalim ng tulog ng isang sanggol ay mag-rerespond ito sa stimuli o nangyayari sa paligid niya. Ngunit kung siya ay lethargic malaki ang posibilidad na hindi dahil siya ay wala ng lakas sa katawan dulot ng sakit na nararanasan.
Iba pang palatandaan na dapat ng dalhin sa doktor si baby
Ayon sa Healthline, kung ang lethargy in babies ay sasabayan pa ng mga sumusunod na sintomas ay dagdag palatandaan ito na dapat na talagang dalhin sa ospital o doktor si baby:
- Mahirap gisingin.
- Lagnat na higit sa 102°F (38.9°C)
- Sintomas ng dehydration tulad ng pag-iyak na walang luha, tuyong bibig at mas kokonting basang lampin o diapers.
- Paglabas ng rashes sa katawan.
- Pagsusuka lalo na kung higit na sa 12 oras.
Sa oras na madala sa doktor ang isang sanggol na nagpapakita ng mga nabanggit na sintomas ay agad itong isasailalim sa physical exam. Maari rin siyang isalalim sa diagnostic testing tulad ng blood test at imaging studies gaya ng CT scan at MRI upang matukoy ang kaniyang kondisyon. Dito na malalaman kung anong treatment ang angkop sa kaniya. At kung anong dahilan o ibig sabihin ng lethargy sa baby ang nararanasan niya.
Source:
Standford Health, Seattle’s Children Org, Romper, Healthline
Basahin:
Anong dapat gawin kapag nasamid si baby?