Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng mass testing at bakit mahalaga itong gawin?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang ibig sabihin ng mass testing at bakit nga ba mahalagang maisagawa ito?

Ibig sabihin ng mass testing

Tatlong buwan na simula noong isinulong ang kampanya para sa mass testing dito sa Pilipinas, ngunit marami pa rin ang naguguluhan kung ano talaga ang ibig sabihin nito. Ito ba ay ang pag-test ng lahat ng tao sa Pilipinas? O ito ba ay ang pag-inom ng gamot at pag-undergo sa proseso na trial and error?

Lahat ng ‘yan ay mali.

Image from Freepik

Narito ang pahayag ni Joshua Miguel Danac na isang Science research specialist ng University of the Philippines:

“We have been very clear about what we mean by mass testing, which is: to have sufficient RT-PCR capacity to enable free and accessible testing for those who need it, i.e., people with possible COVID-19 symptoms (suspect cases), the close contacts or people with exposure, whether symptomatic or asymptomatic, frontline healthcare workers who need regular testing, and those in high-risk communities or vulnerable populations. And of course, those tests should have timely results, no backlogs or delays.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama’t malinaw ang paliwanag na ito, marahil ay isa sa mga rason kung bakit hindi ito tinatanggap at ipinapatupad ng gobyerno hanggang ngayon ay dahil iba rin ang kanilang pagka-intindi tungkol dito.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque: “Wala pong bansa sa buong mundo na tinetest ang lahat ng kanilang mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong mass testing.”

Giit naman ng mga healthcare expert, kahit sa mga ibang bansa ay hindi naman nagkaroon ng problema sa paggamit ng terminong ito at sa katunayan ay naisasagawa pa nga nila ito nang maayos.

Rapid testing vs. Swab testing

Sa kasalukuyan, targeted testing pa rin ang ginagawa ng gobyerno. Ibig sabihin nito ay naka-focus lamang sila sa mga taong may severe illness, senior citizens, mga taong may existing medical condition, mga buntis at mga health workers na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Ito ay sa kadahilanang hindi pa rin umano sapat ang mga test kits at mga laboratory sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroong dalawang uri ng test kits na kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas — ang rapid at swab o RT-PCR test.

Rapid antibody test

Ang rapid antibody test ay gumagamit ng blood sample mula sa pasyente at malalaman kung positibo sa sakit ang tinest sa pamamagitan ng antibodies na pino-produce ng kanyang katawan. Sa loob lamang ng 45 minutes ay malalaman mo na ang resulta nito. Payo naman ng healthcare experts, hindi ganoon ka-reliable ang rapid antibody tests lalo na kung asymptomatic ang tao. Mas mura rin ang ganitong klase ng test na nagkakahalaga lamang ng 400 to 700 pesos.

RT-PCR (Real-time reverse transcription polymerase chain reaction) test

Samantala, ang RT-PCR test kits naman ay gumagamit ng swabs mula sa mga pasyente na kinukuha sa kanila mula ilong o lalamunan. Tumatagal ng 24 hours bago makuha ang resulta nito. Ito ang pinaka-mainam na test sa ngayon dito sa bansa dahil mayroon itong accuracy na 97%. Nagkakahalaga naman ito ng 3 thousand hanggang 8 thousand pesos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mass testing Philippines

Isang petisyon na nagsusulong na magsagawa ng COVID mass testing sa Pilipinas ang inilabas noong March 20, 2020. Ito ay nilagdaan ng 1,000 biologist, health experts at iba pang concerned citizens na labis na nababahala sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakasaad sa petisyon na bilang dagdag sa social distancing at quarantine measures na isinasagawa sa bansa, mahalagang magsagawa rin ng mass testing. Ito ay upang matukoy kung ilan talaga ang infected ng sakit lalo na ang mga hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic patients.

Image from Freepik

Not only is mass testing a crucial public health measure; we can curb collective anxiety brought about by the fact that we are blindly fighting an unseen enemy and affirm the right of all Filipinos to be treated equitably in access to diagnosis.” Ito ang pahayag ng grupong nagsusulong ng petisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

One News, Rappler, MSN

Basahin:

Pilipinas, nahuhuli sa pag-test ng COVID-19 patients – data shows

 


Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie