Ibinenta ang anak saka inubos ang kaniyang pera sa mga babaeng vloggers online. Ito ang ginawa ng isang ama sa China matapos umano siyang iwan ng kaniyang misis pati ang dalawang anak niya.
Amang ibinenta ang anak niya
Hindi sana mabubuko ang ginawang ito ng nasabing ama na kinilalang si Lu. Kung hindi pa nahuli ang mag-asawang pinagbentahan niya ng anak niya. Ito ay matapos silang gumamit ng pekeng birth certificate sa pakuha ng ID ng kanilang inampong anak ni Lu na isang babae.
Dahil sa ginawang krimen ay naikwento ng mag-asawa ang pinag-ugatan ng kanilang problema sa mga pulis. Dito na dinampot si Lu sa illegal na transaksyon na kaniyang nagawa.
Ayon kay Lu, nagawa niya daw ito dahil iniwan siya ng kaniyang asawa. At hindi niya alam kung paano bubuhayin at aalagaan ang dalawang anak niyang naiwan sa poder niya.
Nang makita ng mga pulis ang pinarmihang child adoption contract ni Lu at ng mag-asawang nag-ampon sa anak niya, nalamang ibinenta niya pala ito sa halagang 80,000 yuan o lagpas kalahating milyong piso. At ng tanungin kung saan napunta ang nakuhang pera, inubos niya daw ito sa pagbibigay ng mga virtual gifts sa mga babaeng vloggers online.
Sa ngayon ay nakakulong si Lu, ang amang ibinenta ang anak niya na isang kaso ng child trafficking.
Child trafficking sa Pilipinas
Sa Pilipinas ang pagbebenta ng bata sa kahit anumang dahilan, gawin man ito ng kaniyang magulang o ng sinumang tumatayong guardian ng bata ay itinuturing na kaso ng child trafficking. Ito ang nakasaad sa Section 4 ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.
Ang sinumang mapatunayang guilty sa paglabag sa batas na ito ay maaring makulong ng hanggap 20 years at mag-multa ng hindi bababa sa isang milyong piso.
Kaya naman para sa mga mag-asawa gustong mag-ampon ng isang bata ipinapayong gawin ito sa legal na paraan. Ito ay sa pamamagitan ng tulong ng Department of Social and Welfare Development. Dahil sila ang may sapat na kaalaman sa proseso at requirements upang maisagawa ito.
“Ang adoption process ay hindi tedious… Para hindi tayo magkamali sa ating journey ng adoption, magpunta tayo sa mga opisina ng DSWD para mas mapabilis ang proseso ng adoption.”
Ito ang mensahe ng panghihikayat ni DSWD assistant secretary Glenda Relova sa mga gusto at nagbabalak mag-ampon. Maliban sa kanila ay mayroon din ilang private organizations ang tumutulong sa mga mag-asawang gustong mag-ampon. Ngunit makakabuti kung titingnan o ichecheck muna sa kanilang ahensya ang legality ng mga ito para makaiwas sa problema.
Source: The Asianparent Singapore, ABS-CBN News, GOV PH
Photo: Freepik
Basahin: Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon