Si Ice Seguerra ay matagumpay na dumaan sa isang egg retrieval process, ang unang hakbang sa kaniyang parenting journey kasama ang asawang si Liza Diño.
Ice Seguerra excited nang maging isang ama
Kamakailan lang ay kumalat ang balitang buntis daw ang singer-song writer na si Ice Seguerra.
View this post on Instagram
A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on
Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. 😂 #kahitakonashock
Tinawanan lang naman ito ni Ice Seguerra na isang transgender man na at dinaan sa isang pabirong post sa Instagram ang sagot niya sa fake news na kung saan sinabi niya na..
Ngunit, ang totoo ay gusto na ngang magkaanak ni Ice Seguerra sa kaniyang asawang si Liza Diño at sinisimulan na nga nila ang proseso para maisakatupan ito.
Ice Seguerra sa egg retrieval procedure
Ayon kay Liza Diño ay hinanda daw ni Ice ang kaniyang sarili sa egg retrieval process sa pamamagitan ng pag-inom ng estrogen pills. Ito daw ay para makapag-release ng healthy egg cells si Ice na kakailanganin nila para makabuo ng kanilang baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization.
Pabiro pa ngang dinagdag ni Liza na tanging si Ice lang ang transman na nagtetake ng estrogen pills ngunit ganyan daw siya kaderteminado sa kagustuhang maging tatay na.
Maliban nga rito ay kinailangan rin ni Ice na mag-painject ng hormones araw-araw sa loob ng 12 days para mastimulate ang egg cells niya at makaharvest ng madami sa egg retrieval procedure.
At nito nga lang January 24, ay ishenare ni Liza Diño sa kaniyang Instagram na naging successful ang egg retrieval procedure na ginawa kay Ice na kung saan nakakuha ng 3 heathy eggs mula sa kaniya.
View this post on Instagram
A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
Matapos ang egg retrieval process na ito ang next step na ay ang in vitro fertilization.
View this post on Instagram
A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
In vitro fertilization at sperm donor
Ang nakuhang egg cells kay Ice ay ilalagay sa freezer para maihanda sa in vitro fertilization na kung saan ang tatayong surrogate mother ay ang asawa niyang si Liza at ang sperm ay magmumula sa isang donor na nakuha daw nila sa isang cryobank online.
Sa dami nga daw ng pagpipilian ay mas naging choice nila ang isang Caucasian na kahawig daw ni Liam Hemsworth at Jamie Dornan. Napili daw nila ito dahil ito daw ay 6-footer, mayroong blue eyes at dahil mas gusto daw talaga ni Ice ang mga mestizo.
Ayon parin kay Ice, ang kanilang napiling sperm donor daw ay halos ka-ugali at katulad ng characteristics ni Liza na naka-indicate din daw sa profile nito.
Ito rin daw ay isang artist, summa cum laude sa course na Sociology at isa ring musician. Trained singer din daw ito at tulad ni Ice ay nag-gigitara rin at nagpe-play na iba pang instruments. Kaya naman ito ang napili nila na sakto o perfect daw sa hinahanap nila.
Matapos ang pagpili ng sperm donor ay magsisimula na ang fertilization na according parin kay Ice ay matratransfer kay Liza sa December nitong taon. Dahil daw ito sa dami ng trabaho ni Liza na ayaw nilang maging dahilan para ma-stress siya habang nagbubuntis.
Dagdag pa ni Ice, bago pa man daw sila naghanap ng sperm donor sa cyrobank ay pumasok narin sa isip niya na tanungin ang kaniyang mga kaibigan tulad ni Derek Ramsay na maging donor nila.
Pabiro niya nga daw noong tinanong si Derek tungkol dito ngunit naisip din nila ang magiging implications nito pagkatapos na kung saan maaring maisip niya na maging tatay sa bata lalo pa’t sa kaniya magmumula ang sperm. Kaya dahil dito ay nagdesisyon sila Ice na maghanap nalang ng sperm donor para no strings attached at para siya lang ang mag-assume ng role bilang tatay sa magiging anak nila ni Liza.
View this post on Instagram
A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
Ice Seguerra sa pagiging ama
Handang-handa na nga daw si Ice na maging ama para sa kanilang future baby.
Hindi na daw importante kung boy o girl as long as healthy daw at okay ang kanilang baby.
Excited narin siyang maranasan ang mga challenging moments na pagiging new parent tulad ng pag-gising sa madaling araw para padedein ang kanilang baby.
Hindi daw naging madali ang journey na ito sa kanila ni Liza dagdag pa ang gastos nito na ayon kay Ice na hindi pa naman daw umaabot sa isang milyon. Mas nakatipid nga daw sila dahil si Liza ang tatayong surrogate mother kaya hindi na nila kailangan magbayad pa sa iba.
Pero magka-ganoonman ay nagpapasalamat si Ice sa suporta ng kanilang mga mahal sa buhay sa ginagawa nilang paraan para sila ay magka-anak.
Sources: PEP.ph, ABS-CBN News, Inquirer, PEP.ph
Basahin: Virgin Mom: “I can’t have sex but IVF helped me give birth”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!